Thursday, June 5, 2014

Suicide ba 'ika mo?



Maraming problema kahit saan. Ang feeling ng iba, ang mga problemang ito ang papatay sa kanila. Pero mas nakakamatay pala ang awa sa sarili. Dahil sa awa sa sarili, marami na ang nag nag-isip at nag-iisip ngayon na mag-suicide.

Suicide... cute isipin na ang pagpapakamatay ay ang madaling paraan para tumakas sa problema. Pero ang realidad, sa mga fantaserye lang ito maganda tingnan dahil sa teleseryeng n
apapanood natin, mukha itong romantic; pero ang mapait na katotohanan, mas kawawa pala ang maiiwan ng nagpakamatay.

Aba! maraming gastos ang isang linggong paburol: ataol at punerarya- starts at 25K; pameryenda sa burol starts at 5K (hindi na uso ngayon ang buto ng pakwan at zesto, mostly, mamon, pizza or cake ng goldilocks na at softdrinks or 3 in one coffee na ang hinahanap ng mga tao-- na masasabi nating mga matatag na mga fansclub mo dahil sila ang mga matitibay na parokyano mo na hanggang sa huli e nariyan para sa iyo); bulaklak, kung sariling gawa lang, 3K yung materyales, yung pa-order e almost 10K kasi customized; kandila- starts at 500; service ng punerarya at mga tao going to paglilibingan (depende pa kung ilang bayan ang dadaaan, may sanitary permit na sinisingil kada bayan) starts at 3K kung jeep, kung aircon bus 15K kada isang bus; lupa ng paglilibingan- kung public cemetery ay 5K... pero tatanggalin ang mga buto mo at itatambak sa kung saan after 5, kung private memorial garden naman ay 50K at may pahukay fee na 20K, pero kung pa-cremate ka dahil iyon ang uso ngayon, I think, mas mahal ata ang gagastusin kasi yung 'urn' pa lang na paglalagyan ng iyong abo, nagre-range na sa 50K pataas plus yung charge sa pabar-B-Q (cremation) sa katawang lupa mo e nagba-vary kada punerarya.

Yung mga kapos o walang budget: May mga punerarya na nag-o-offer ng all-in package-- bata man or matanda-- ranging from 5K pataas. Pero bihira ang slot kasi maraming nag-a-avail ng offer nila. Kung suicide ang cause ng death mo, malamang ikaw ang last priority na maka-avail kasi malas sa negosyo ang nagpapakamatay. May ibang baranggay na may project na 'Kabaong mo, Sagot ko," pero '
first come, served basis.' Habang wala pang available na kabaong ay dun ka muna sa banig or kumot, isipin mo na lang na romantic ang dating pero ang totoo, nakakadiri kang makita kasi nakaluwa ang iyong dila at mga mata o nakakatakot na makita ang wakwak mong pulso. Anyway, sa mga packages na nabanggit ay may mga freebies na konting bulaklak na madaling malanta na hanggang sa libingan mo ay dadalhin mo. Sometimes, may konting pakimkim si Mayor or si Barangay Captain na pwedeng idagdag sa panggastos. Para may additional income, ang iba ay nagpapa-sugal, ang iba ay nagpapa bingo at ang ibang kamag-anak ay nanlilimos sa jeep at bus o kaya naman ay umiikot sa mga kapitbahay dala-dala ang letter of indigency na may pirma ng barangay chairman. Pero deep inside, habang ipinanglilimos nila ang panglibing mo ay naba-bad trip sila sa iyo kasi pinapahirapan mo sila. Kung pwede lang nilang masabi, "Nung nabubuhay ka, andami mong arte; ngayon, hanggang sa kamatayan mo ay parusa ka pa rin!"

Oo nga pala, about sa haba naman ng lamay, depende pa kung magpapa-add-ons pa ang family mo ng formalin kasi baka may mga kaanak pa na iniintay or kung ipapa-retouch ka pa ng make-up para kahit paano e may dating ka naman sa big night ng 'last full show mo' or yung gabi ng huling lamay mo kung saan they will see you for the last time sa final viewing night mo. Expect na may picture taking kayo ng mga friends mo, smile-smile sila samantalang ikaw e dead na. Ewan ko kung paano aayusin or gagawan ng paraan ng mortician ang last post ng bangkay mo kasi depende iyon kung nagbaril ka ng sarili, naglason, nagbigti or whatever... syempre, in any case, mapapangiwi ka diyan at mahirap gawan ng paraan na ang mukha mo ay pasayahin kasi kahit saang anggulo ko tingnan, mukhang hindi naman nakaka-enjoy ang magpakamatay.

Discount ba ika mo? Anyway, may pakonswelo rin naman, yung misa ng pari pwedeng libre, kausapin lang si father ng masinsinan. Yung lapida nga pala, merong requirement na kapal: 2 inches daw para hindi agad-agad mababasag at hindi madaling lumubog basta-basta sa lupa. Ipinapa-order ang lapida in advance at syempre pasadya iyon para sa iyo lang kasi ilalagay doon ang pangalan mo, birthday at araw ng kamatayan mo or to be specific, ilalagay doon ang araw ng pagpapakamatay mo... parang 10K din ata iyon pero ano nga ba ang ilalagay sa epitaph mo? Rest in peace nga ba or nagpaparamdam pa kasi maraming unfinished business dahil maraming hindi na-settle na issues at hindi napag-usapang mahahalagang bagay sa pagitan mo at ng iyong mga mahal sa buhay (kaya tuloy yung bahay ng mga nagpakamatay e kinakatakutan sa neighborhood kasi sabi ng mga bata e meron daw nagpaparamdam na 'mumu' doon, ayan tuloy naging panakot ka pa tuloy ngayon ng mga nanay-nanay sa mga batang ginagabing maggala sa lansangan at mga batang ayaw matulog ng maaga). 


Ay oo nga pala, after ng libing huwag kalimutan na may padasal pa pala... may 40 days din, tapos meron ding babang luksa-- siguro naman after all those rituals e matatahimik na ang kaluluwa mo. By the way, lahat ng event na yun ay may pakain. 

Hindi lang iyan ang dapat nating isipin bago magpakamatay dahil mas masaklap pa ang "trauma" na iiwan mo sa buong pamilya mo. Kapag kaluluwa ka na, nakakalungkot na makita silang luhaan na may kasamang galit kasi ang simple lang pala ng ng problema mo e sumuko ka na agad-agad. Tapos kung kelan dead ka na e tsaka mo sasabihin na 'sana hindi na lang ako nagpakamatay kasi mas may magagawa pa pala ako kapag ako ay buhay pa.' Hay naku, kaya bago mag-suicide, isip-isip muna. Huwag masyadong emosyonal dahil sa pagpapakamatay, walang control-alt-delete or restart kapag na-game over na... sad to say, wala nang 'undo-undo' kapag na-dead ka na.

Ikaw,  habang buhay ka pa, huwag kang sumuko basta-basta, hayaan mong ang problema ang sumuko sa iyo... kung gusto mo ng pagbabago, tulungan mo ang iyong sarili. Lagi mong tatandaan na ang iniiyakan mo ngayon ay tatawanan mo rin bukas... at sasabihin mo kapag nalampasan mo ang lahat ng pagsubok na ito... "thank you God, hindi mo talaga ako pinababayaan."

Bata ka pa, huwag kang magmadali, ang kamatayan ay darating ng kusa kung oras mo na talaga. Kukunin ka na ni Lord kung iyon na ang kanyang 'WILL' na mangyari sa iyo kung kailan at saan nakahanda na ikaw at ang iyong buong pamilya sa anumang mangyayari sa iyo. 


Sa halip na madesperado ka ngayon, magdasal ka at laging manalig sa dakilang lumikha. Kapag may problem, just call a friend... and don't forget to call unto God... dahil si God ay ang ating pinaka-dakilang best friend na kahit kailan ay hinding-hinding ka huhusgahan at kahit kailan ay hinding-hindi ka iiwan!

Tandaan-- "Pain is temporary, but SUICIDE is PERMANENT!"

O, huwag ka nang mag-emote pa diyan, simulan mo na uli ngayon ang pagbabagong buhay mo! Tandaan, mo: HABANG MAY BUHAY AY MAY PAG-ASA!

No comments: