Ilan lamang sa mga katanungan pa sa mga Katoliko patungkol sa Poong Nazareno:
1.Sinasamba ba ang imahe ng Poong Nazareno ng mga Katoliko?
ang imahen po ng Nazareno ay hindi po sinasamba. Ang imahen ay picture lamang ng totoong Hesu-Kristo na nasa langit. kapag ang picture ng nanay natin ay binastos ng iba; nasasaktan tayo, hindi ba? bakit tayo nasasaktan, kasi iyon ang sumasagisag sa ala-ala ng nanay natin sa atin kaya makahulugan iyong picture na iyon para sa atin. oo, ang nazareno ay hindi ang mismong si kristo hesus, pero katulad ng picture ng nanay natin, ang imahe ng nazareno ang larawan ni kristo na sumasagisag sa totoong panginoong hesukristo na nasa langit. sa pamamagitan ng imahe ng nazareno, nakakadaupang palad natin si hesu-kristo sa ating buhay. at malinaw sa aming mga katoliko na hindi namin sinasamba ang imahen dahil ito ay larawan lamang. ang larawan ang nagbabalik sa atin ng napakahalagang ala-ala. marami nga sa atin, sa kanta pa lang ay naalala na ang mga mahal sa buhay natin. samantalang ang nazareno ay ang larawan mismo ng pagpapakasakit ni kristo habang buhat-buhat ang krus para ating kaligtasan. nakakalungkot, dahil hindi ito nakikita ng iba, hindi sila nakakabalik sa napakahalagang kasaysayan ng sangkatauhan kung kailan tayo ay iniligtas mula sa ating pagkakasala dahil sa pag-ibig ng Diyos
2.Yung sinasabi ba sa Bible ay nagbabawal sa Nazareno?
hindi. kasi, sa verse 3, Nazareno is the icon (picture, sign) for Jesus, hindi ba Dyos si Kristo-Hesus? sa verse 4, ang binabanggit diyan ay tungkol sa mga false idols tulad ni Baal na diyos-diyosan at iba pang mga diyos-diyosan na sinasamba tulad ng mga taga Ehipto- palaka, ibon, etc. na pawang mga diyos-diyosan na ganid sa dugo at buhay ng mga inaalay sa kanila. si Kristo, siya ang nag-alay ng buhay para sa atin. yung bayani nga, may monumento na nagpapa-alala sa kanila, si Kristo pa kaya na niligtas tayong lahat? sa verse 5, ang mga larawan nga ng mga namatay ay nilalagyan ng kandila kapag inaalala or yung monumento ng mga bayani ay inaalayan ng bulaklak, ang larawan pa kaya ng Diyos na sinasagisag ng Nazareno. sa verse 6,Nazareno, ibig sabihin, "iniaalay ang sarili or itinalaga ang sarili sa Diyos." e inilay naman talaga ni Hesu-kristo, na Diyos Anak, ang sarili niya sa 'will' o kagustuhan ng Diyos Ama para sa kaligtasan natin dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin. wala naman akong nakikitang problem, unless hindi ka naniniwalang si Kristo ay Diyos; at unless na ipipilit mo na sinasamba namin ang nazareno. walang ganun po sa aming mga katoliko. magandang panahon po ito upang maunawaan din po ninyo ang pinaniniwlaan naming mga katoliko. salamat po.
====
well, no problem naman pala. dahil ang Nazareno ay ang picture ni Jesus Christ, si God. hindi naman sinasamba ang Nazareno, dahil ang larawan nito ay ang nagpapaalala sa mga katoliko ng kaligtasan mula sa pagkakasala dahil sa pagtubos sa ng Panginoong Hesu-Kristo sa kasalanan ng sangkatauhan. sa nakikita ko, may problema lang kung hindi tayo naniniwala kay Jesus Christ bilang Diyos; at kung ipipilit natin na sinasamba ng kataliko ang imahe dahil hindi naman pala talaga.
salamat po.
===
sa buhay na ito gumagawa tayo ng mga simbolo o ritwal na magsisilbing inspirasyon natin dahil ito ang gagabay sa ating buhay upang tayo ay manatiling buhay, nananalig at umaasa sa Dakilang Lumika. katulad na lamang ng mamang ito:
"Nagkaroon ako ng problema sa pamilya. Iyong tali na ito ang simbolo na mabuo ulit ang pamilya namin. Sana mabuo na talaga ulit."
mula sa: Meet the People of #Nazareno2015 here:http://bit.ly/Nazareno2015
salamat po.
===
sa buhay na ito gumagawa tayo ng mga simbolo o ritwal na magsisilbing inspirasyon natin dahil ito ang gagabay sa ating buhay upang tayo ay manatiling buhay, nananalig at umaasa sa Dakilang Lumika. katulad na lamang ng mamang ito:
"Nagkaroon ako ng problema sa pamilya. Iyong tali na ito ang simbolo na mabuo ulit ang pamilya namin. Sana mabuo na talaga ulit."
mula sa: Meet the People of #Nazareno2015 here:http://bit.ly/Nazareno2015
No comments:
Post a Comment