Monday, October 23, 2017
Panalangin Para sa Paghingi ng Pagpapala ng Diyos
Panginoon...
Huwag mo akong hayaang maging isang palalo.
Turuan mo akong i-appreciate ang iba.
Turuan mo ang aking puso na makita ang Iyong mga grasya
na gumagawa hindi lamang sa akin kundi maging sa aking kapwa.
Buksan mo ang aking mga mata upang mahanap Kita.
Kung saan may nagdurusa, hayaan mong damayan Kita
Kung saan man may nangungulila, hayaan mong samahan Kita
Kung saan man may nangangailangan, hayaan mong ibigay ko ang aking sarili sa Iyo
Alam kong mabibigo ako ng maraming ulit
Alam kong mare-reject ako ng paulit-ulit
Subalit patatagin mo ang aking puso
Upang hindi ako magsawang magmahal
Upang hindi ako magsawang maglingkod
Gaano man ito kasakit
At gaano man ito kahirap.
Panginoon...
Itinataas ko sa Iyo ang aking puso at isipan
Angkinin mo ako ng buung-buo
Hayaan mong sa kapayapaan Mo, ako ay humimlay
Hayaan mong sa pag-ibig Mo, ako ay mamatay.
#engkwentro #denmar1978
Hell
Napakadilim…
Hindi ko matanggap hanggang ngayon ang malabangungot na impiyernong aking kinasadlakan.
Hindi ko matanggap hanggang ngayon ang malabangungot na impiyernong aking kinasadlakan.
Napakabaho. Napakainit. Nakakauhaw.
Hindi ko malaman kung sadya ba talagang wala akong makita o
nabulag na ba ako ng tuluyan. Pinipilit kong kumawala mula sa dagat-dagatang
apoy na ito subalit laging may humahablot sa akin pailalim. Kagaya ko,
nagnanais din ang iba na katulad kong sawing-palad na makaalpas sa nakasusulasok na lugar na ito. Pagod na pagod
na kami pare-pareho. Pero kailangang gumapang paibabaw upang makahinga… kung
hindi malulunod kami sa kumunoy na ito.
Napaka-ingay... walang kapayapaan.
Kasama namin ang mga demonyo. Nagdurusa rin sila. Sa kabila
ng aming pagdurusa… marami sa amin ang hindi makapagpigil ng aming sarili. Pare-pareho
kaming humihingi ng tawad sa aming mga kasalanan subalit pinagsaraduhan na kami
ng pinto ng langit. Isinumpa na kami… hindi ng Diyos na mapagmahal… kundi
isinumpa kami ng aming pinaka-mismong sarili. Pinili namin ito… pinili naming
masadlak dito sa impiyerno.
Uhaw na uhaw na ako… init na init pa… ramdam ko ang pagkabulok
ng aking kalamnan. Dinig na dinig ko ang walang humpay na sigawan… ng
pagmamakaawa… ng paghingi ng tawad. Araw at gabi… walang kapahingahan dito sa
impiyerno.
Ang mga matatalas na mga kuko ang palaging sumusugat sa akin.
Ang mga matatalas na mga kuko ang palaging sumusugat sa akin.
Sa kabila ng matinding kirot at hapdi ng aming mga
tinatamong sugat ay hindi naman kami namamatay. Subalit… hindi rin naman kami
gumagaling. Pakiramdam ko, nagnanakna na ang buo kong katawan. Pakiramdam ko,
bawat himaymay ng aking kalamnan ay nilalamon ng cancer na napakasakit. Pakiramdam
ko, napupunit ang aking mga laman at humihiwalay sa buto ng aking katawan.
Naaamoy ko ang aking sariling katawan… nasusunog at nabubulok.
Ganito pala ang maisumpa ng sarili kong kagagawan.
Ganito pala ang maisumpa ng sarili kong kagagawan.
Dati, mahal na mahal ko ang sarili ko… subalit sa paglipas ng mahabang panahon… nagalit na din ako sa aking sarili. Kung hindi ako naging makasarili… marahil, wala ako dito.
Subalit, pagsisihan ko man ang aking mga nagawang pagkakamali ay huli na. Hindi na maibabalik ang lahat ng pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos upang magbago. Dito sa impiyerno ay wala nang pag-asa. Dito sa impiyerno puro pagdurusa na lamang... Dito sa impiyerno ay walang pagmamahal. Dito ako nabibilang... dahil ako mismo ay hindi nagmamamahal.
Ngayon ko napagtanto... "ang impiyerno ay hindi parusa ng Diyos sa mga sumuway sa kanya." Ang impiyerno ay isang dako sa kawalan na kinasasadlakan ng mga kaluluwang lumayo sa Diyos. Ang impiyerno pala ay ang pinakadulo ng destinasyon ng mga taong naliligaw ng landas. Lahat ng kasamaan patungo sa kasamaan ay dito nagwawakas! Nagdurusa ang lahat ng mga nasadlak dito dahil "pinili naming tanggihan ang pagmamahal ng Diyos."
Kapag walang nagmamahal sa iyo... wala ring magpo-protekta sa iyo. Dito sa impiyerno, walang makapag-protekta sa amin. Dahil nung nabubuhay pa kami... hindi mabilang na ulit naming tinanggihan at ipinagsawalang bahala ang pag-ibig ng Diyos. Hindi kami nagbago bagkus, nagmalaki pa at lalong nagpakasama.
Akala ko... walang katapusan ang kapangyarihan ko...
Akala ko... walang katapusan ang kayamanan ko...
Akala ko... ang talino ko ay sapat na upang linlangin ko maging ang Diyos na lumikha sa akin... HINDI PALA... NAGKAMALI AKO.
Ngayon ang lahat ng mga ipinagmamalaki ko: kapangyarihan, kayamanan, at katalinuhan ay ang mga apoy na tumutupok sa akin dito sa impiyerno.
Huwag ka nang sumunod sa akin dito sa impiyerno...
Magbago ka habang may panahon pa.
Ipagdasal mo kami...
kahit wala na kaming maaasahan...
Ipagdasal mo kami na hindi na lumala pa ang aming mga pagdurusa.
Panalangin:
"Panginoon, patawarin mo po ako sa aking mga pagkakasala. Iligtas mo po ako sa apoy ng impiyerno."
Depression
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, minsan, tumutulo na lamang ang mga luha ko sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay parang may nakadagan sa aking dibdib.
Nakakapanglumo. Nakakatulala... pakiramdam ko ay helpless ako.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko halos namalayan ang paglipas ng panahon. Pakiramdam ko ay parang nagpapatianod na lamang ako sa sa daloy ng bawat araw. Pinipilit ko na lamang maging masaya kahit ang pakiramdam ko ay palaging may kulang.
May hinahanap ako pero hindi ko alam.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko halos namalayan ang paglipas ng panahon. Pakiramdam ko ay parang nagpapatianod na lamang ako sa sa daloy ng bawat araw. Pinipilit ko na lamang maging masaya kahit ang pakiramdam ko ay palaging may kulang.
May hinahanap ako pero hindi ko alam.
Maraming takot ako na hindi ko maipaliwanag.
Ang mga problemang dumarating sa akin ng sabay-sabay ang lalong
nagpapahina sa aking loob. Gaano ko man pilitin sa bawat araw na maka-survive,
pakiramdam ko ay nasasakal pa rin ako.
Gusto kong lumaya sa napakaraming alalahaning ito na
bumabagabag sa aking kalooban…
Subalit hindi ko magawa...
Dahil hindi ko kayang humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa akin.
Panalangin:
"God, kayo lamang po ang nakakatalos sa tunay na makakapagpasaya ng aking puso at isipan. Hanguin mo ako sa labis-labis na kalungkutan na aking kinasadlakan. Huwag kang magsawa sa akin na ako ay mahalin. Punuin mo ng kahulugan ang aking buhay. Hawakan mo ang aking kamay at dalhin mo ako sa iyong kapayapaan."
Subalit hindi ko magawa...
Dahil hindi ko kayang humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa akin.
Panalangin:
"God, kayo lamang po ang nakakatalos sa tunay na makakapagpasaya ng aking puso at isipan. Hanguin mo ako sa labis-labis na kalungkutan na aking kinasadlakan. Huwag kang magsawa sa akin na ako ay mahalin. Punuin mo ng kahulugan ang aking buhay. Hawakan mo ang aking kamay at dalhin mo ako sa iyong kapayapaan."
Subscribe to:
Posts (Atom)