Monday, December 22, 2014

At Home

kaysarap umuwi sa isang mapagmahal na tahanan na may mga bisig at kamay na laging sasalubong sa iyong bawat pagdating... kaysarap sa pakiramdam na madamang ikaw ay iniibig dahil ikaw ay lubos na kinakalinga at buong pusong minamahal... pawang wala nang tatamis sa mga bagay na ito dahil nabatid ko na dahil sa mga kadahilanang ito ay nabubuhay ako... huminga ako hindi lang para sa aking sarili kundi nananatili ako dahil sa aking mga minamahal na iniibig...
kung mabubuhay akong muli, papayag akong ulitin muli ang aking buhay
lahat ay babalikan ko kahit pa ang mga masasakit na kabiguan ko... pero may isa lamang akong nais na mangyari... ang maging mas mapagmahal ako upang ang lahat ng mga sakit at pait na aking dinanas ay maging kapwa rin pagmamahal...
kung ako man ay mamamatay, ibibigay ko ang aking buhay hindi upang maging bayani kundi maglalaan ako ng buhay dahil sa ako ay nagmamahal.

At Home

mapa-single, mapa-married life, mapa-consecrated life
kapag "at home ka," lagi kang may tahanan na inuuwian.

sa buhay, hinahangad nating maging malaya
pero kapag nakamit natin ang kalayaan
maiisip mo kung para saan nga ba ang kalayaan
minsan, nakakapagod din pala ang maging malaya
kasi kampay ka ng kampay patungo sa tagumpay
at kapag sumapit ang gabi, kailangan mo rin palang magpahinga

tayo ay maraming gustong puntahan
pero, palagi, isa lang pala ang ating inuuwian

"tahanan" yung ating binabalikan
kung saan ang ating kabiguan ay pinapatahan
at kung saan ang ating puso ay nananahan

"at home ka" kapag naroon ang iyong puso
dahil sigurado kang may nagmamahal sa iyo

sana, sa tahanan mo ay naroon din si Jesus
papasukin mo siya sa iyong puso
at hayaan mo siyang manatili doon
sana hindi lang ngayong Pasko
para kahit saan ka man mapunta
o kahit abutin ka pa ng dilim kahit saan
"at home ka" dahil kasa-kasama mo Siya.

Merry Christmas. denmar

Troubled relationship

"Di parin po kami okay." from a woman, early 20's. she's in a relationship and after several days of disagreement, they are still not settled.

i cannot do anything about him (his boyfriend). counseling is a confidential matter; it is far above friendship or any family relationship. counseling is not biased for it is fact oriented. i cannot intervene regarding him unless he seeks for my advice. it is true that the only persons who can really work-out a troubled relationship are the persons who are involved.

i can give you some practical tips to reflect upon to improve yourself for your relationship:

1.prudence is always important for it involved good timing on everything;
2.waiting is irritating but most of the time it is how things work for we don't always find answers right away in the real world;
3.always think twice before uttering any word for the mind and heart would understand them according to the person's mood, expectation about you and his respect for him/herself;
4.to say sorry is always the easy part but to repair the damages caused by imprudent actions would take a long time, even, sometimes, a lifetime because for many, trust is being broken in this situation;
5.give freedom to the person you love, it is giving respect and dignity to who he is. to hold him too tight is a sign of distrust; do not nag, boy's don't like being scolded like a child, it is the more they won't open to you; otherwise, they will start to lie just to please you; men usually talk too little.
6.be honest, do not pretend to be like someone else or do not over value yourself because disappointment is the start of the end of any relationship; sometimes, disappointment is also a measurement of how he really loves you since no relationship is already perfect in the beginning. also, the guy always know if the test is just fabricated so be mindful not to hurt his ego. love is only perfected through time when all the strengths and weaknesses of the person is fully embraced by the other person;
7.in a relationship, you need to change yourself for the better not of yourself but of your relationship;
8.balance your work and relationship, you also have a life of your own. if you have a problem with your love life, do not let your other relationships be affected by it;
9.and do not overeat like the other girls i have known, they just get fat right away. release your life's tensions on a more positive way.
10.lastly, pray that something great would happen. after praying, act accordingly and claim that God is by your side.




Mahirap mag-isip kapag malungkot ang isang tao

"mahirap din po kase mag isip ng matuwid kung nalulungkot ka."


true. kaya nga, we need to be always with Jesus Christ. sabi nga ng kanta, "with Christ in my vessel, I could smile at the storm." yung vessel ay boat, it could be our life; yung storm, pwedeng problem, heart aches, sadness, pains or life's challenges. With Christ in my vessel, I could smile at the storm-- ibig sabihin, dapat laging may hope kahit malungkot ang buhay natin. Hindi naman tayo nalulungkot ng walang dahilan pero hindi naman nangangahulugan na kapag malungkot tayo e susuko na lang tayo basta-basta. mas malungkot tayo, mas lalo dapat tayong kumapit kay Lord. lahat ng mga minahal natin ay maaaring saktan at iwan tayo, pero si Jesus, andyan lang palagi isang prayer lang, connect ka na agad sa kanya. kapag malunkot ka, okay lang umiyak pero mahirap umiyak ng mag-isa, kaya isama mo si Jesus para kasama mo siya na umiyak hanggang sa gumaang uli ang kalooban mo.

ganun lang naman ang buhay, ngayon umiiyak ka... bukas makalawa, tatawanan mo lang ang dahilan ng pagluha mo ngayon... at tsaka sasabihin mo kapag lumipas na ang lahat ng problema sa buhay, "thanks God, hindi mo ako talaga pinabayaan." Good morning.



love

love becomes love only when it can accept lies, cheats, hypocrisy and humiliations. all of us are capable of loving; but not all of us are capable of long-term tolerance. only true lovers (not masochists) can-- for true love always entails sacrifice.

Thursday, December 18, 2014

Prayer

perhaps, at some point, we already know our end; and, somehow, we ritualized the process of going there. yung bang feeling na alam naman natin na sasagutin naman ni God yung prayers natin pero yung mag-effort pa na magsisimbang gabi pa tayo para mas maging symbolic yung sincerity natin sa paghingi ng idinadasal natin. siguro, naka-ka-guilty din yung bibigyan lang tayo ng isang bagay na hindi rin natin pinaghihirapan kaya in a way, nire-reciprocate din natin ang ating intentions sa ating actions-- kahit alam natin na walang makakasapat sa grasya na nagmumula sa biyaya ng diyos. ang nakikita kong dilemma dito ay: nangyayari ba ito dahil sa "uso" lang or dahil sa "pagtanaw ng utang na loob" na tipikal na filipino mentality... well, napaisip nyo ako dito, sana dahil sa pagmamahal para kay "BRO Jesus" nag-uugat ang sakripisyo natin ngayong simbang gabi.