kaysarap umuwi sa isang mapagmahal na tahanan na may mga bisig at kamay na laging sasalubong sa iyong bawat pagdating... kaysarap sa pakiramdam na madamang ikaw ay iniibig dahil ikaw ay lubos na kinakalinga at buong pusong minamahal... pawang wala nang tatamis sa mga bagay na ito dahil nabatid ko na dahil sa mga kadahilanang ito ay nabubuhay ako... huminga ako hindi lang para sa aking sarili kundi nananatili ako dahil sa aking mga minamahal na iniibig...
kung mabubuhay akong muli, papayag akong ulitin muli ang aking buhay
lahat ay babalikan ko kahit pa ang mga masasakit na kabiguan ko... pero may isa lamang akong nais na mangyari... ang maging mas mapagmahal ako upang ang lahat ng mga sakit at pait na aking dinanas ay maging kapwa rin pagmamahal...

kung ako man ay mamamatay, ibibigay ko ang aking buhay hindi upang maging bayani kundi maglalaan ako ng buhay dahil sa ako ay nagmamahal.
No comments:
Post a Comment