kapag "at home ka," lagi kang may tahanan na inuuwian.
sa buhay, hinahangad nating maging malaya
pero kapag nakamit natin ang kalayaan
maiisip mo kung para saan nga ba ang kalayaan
minsan, nakakapagod din pala ang maging malaya
kasi kampay ka ng kampay patungo sa tagumpay
at kapag sumapit ang gabi, kailangan mo rin palang magpahinga
tayo ay maraming gustong puntahan
pero, palagi, isa lang pala ang ating inuuwian
"tahanan" yung ating binabalikan
kung saan ang ating kabiguan ay pinapatahan
at kung saan ang ating puso ay nananahan
"at home ka" kapag naroon ang iyong puso
dahil sigurado kang may nagmamahal sa iyo
sana, sa tahanan mo ay naroon din si Jesus
papasukin mo siya sa iyong puso
at hayaan mo siyang manatili doon
sana hindi lang ngayong Pasko
para kahit saan ka man mapunta
o kahit abutin ka pa ng dilim kahit saan
"at home ka" dahil kasa-kasama mo Siya.
Merry Christmas. denmar
No comments:
Post a Comment