Para sa mga nagmahal at nasaktan ang portion po na ito.
Ang pagmamahal ay isa sa pinaka-misteryosong karanasan sa buhay natin.Kung tutuusin, bawat isa sa atin ay may pagpapakahulugan ng pagmamahal. Kung hindi man masabi ng ating bibig ang definition ng pagmamahal, mas malimit ipinaparamdam na lamang ng higit sa nakararami sa atin kung paano nga ba ang magmahal.
May ilan na takot na takot magmahal kasi takot silang masaktan. Maraming palagay at kuro-kuro tayong pwedeng maisip. Maaaring nabigo na sila sa unang pagkakataon. O maaari rin namang ang pagmamahal nila sa nang-reject sa kanila ay naroon pa rin sa kanilang puso.
May ilan naman na kahit ilang ulit nang masaktan ay paulit-ulit pa ring nagmamahal. Sabi ng iba, sila raw ang hindi matuto. Sila raw yung nagpapakatanga. Sila din daw yung ipinipilit nila ang kanilang sarili sa iba.
Sila yung mga tao na malimit ay nahuhusgahan. May nagsasabi pa nga na “Iyan naman ang gusto nila, yung nahihirapan." At meron ding nag-a-agree at nagsasabing "Mukhang masaya naman sila sa pinili nila sa kanilang buhay.” Kasi naman kahit na gaano ka-extreme ang kanilang sitwasyon ay nakukuha pa rin nilang ngumiti kahit mahirap. Marami sa kanila, kahit na nagpapaka-martir na lang, most of the time, ay kinakaya na lang ang sakripisyo na araw-araw nilang dinadala sa buhay nila.
May pagkakataon naman na hindi naman nila talaga kasalanan ang lahat. Hindi naman nila kasalanan na magmahal ng sobra-sobra sa mga taong nagbabalewala sa kanila. May mga tao lang talaga kasi na sadyang mahirap mahalin kasi hindi pa sila 'mature' sa larangan ng pag-ibig kaya ang nangyayari ay lagi na lang silang iniintindi. Para silang bata kasi puro sarili lang ang iniintindi nila. Mayroon pa nga na masaya pa na makasakit ng damdamin ng kanilang kapwa. Siguro, kahit gaano mo pa mahalin ang ganitong uri ng tao ito ay palaging mananaig sa kanila ang kanilang pagkamakasarili kung kaya hindi nila magawang suklian ng pagmamahal ang mga taong nagmamahal sa kanila. Hindi natin masisisi ang mga sumuko na sa kanila. Dumating na siguro na na nasagad na rin ang kanilang pasensya. Sa puntong ito ay na napagod na din sila. Ngayon, marami sa kanila ang gustong maging mapag-isa. Meron din sa kanila ay naging 'cynical' na sa ibang tao pagkatapos nila ma-frustrate. May ilan na ayaw na muling sumubok magmahal ng iba.
Pero ganun na lamang ba palagi iyon? Hanggang kailan tayo matatakot at iiwas na umibig? At hanggang kailan natin ipipilit ang ating sarili sa mga taong ayaw naman sa atin?
“Love is sweeter the second time around.” Itong cliché na ito ay nagbibigay lagi ng pag-asa. Hindi lang masarap basahin kundi masarap ding isipin. Marami sa atin ang naniniwala na may nakalaan talaga para sa bawat isa. Kinakailangan lang mag-antay. Maaaring hindi pa lang natin natatagpuan ang regalo ni God para sa atin or pwede rin namang sabihin na hindi pa tayo natatagpuan ng magmamahal sa atin. Kung magkukulong ka lagi, hindi ka niya makikita. Kung hindi ka magiging appreciative sa taong laging nasa tabi mo, hindi mo rin siya makikita. Two-way ang pagmamahal: ikaw... ibinibigay mo ang sarili mo sa kanya; at tinatanggap mo siya. At siya ay ganun din. Ganito ang mutual love. Ganito ang parehong nagmamahalan.
Life goes on. Siguro, sapat na ang mahabang panahon na ipinagmukmok mo. Kung hanggang ngayon ay umaasa ka pa din, kung naka-move-on na siya better na i-let go mo na rin siya. Habang patuloy kang nagki-cling sa kanyang ala-ala ay patuloy ding nakahinto ang iyong buhay. Usually, ganito ang ending ng mga relationship na away at bati. Sa huling away ay hindi na nagkaintindihan. Yung pagta-try na i-work-out ang relationship ay nauwi na rin sa hiwalayan. Sa mahabang panahon ay walang communication. Hanggang isang araw ay nagising ka na lang na totally ay wala na siya. Ini-ignore ang lahat ng text at calls mo. May sarili na siyang lakad. Wala ka na sa eksena sa buhay nya. At dahil doon ay na-fixate ka. Andaming tanong. Andaming "Bakit?" Gusto mong maghanap ng justice pero saan? Wala kang matakbuhan kasi ang sinasabi ng lahat ng tao ay mag-let go ka na lang. Pero ikaw na nasa state of shock pa ay umaasa ka pa rin sa bawat araw na magpaparamdam pa rin siya. Pero wala na dahil meron na pala siyang iba. False hope na ito. Pero nagde-deny ka pa rin. Ang alam mo ay mase-save pa rin ang relationship ninyo.
Masakit naman talaga ang nangyari. Lahat naman tayo ay ayaw masaktan. Kung nasaktan ka, siguro naman ay natuto ka. Kaya lang huwag mo namang saktan ang mga taong nag-aalala at nagmamahal sa iyo. Huwag mong hayaan na ang kabiguang ito ang maging dahilan ng pagsusungit mo dahil 'unfair' naman ito sa mga walang kasalanan sa iyo. Huwag mong sabihin na parang sirang plaka na: "Ayaw ko nang magtiwala kasi lahat naman ng tao sa mundo ay manloloko." Bakit, lahat ba ng tao sa planetang earth ay nakilala mo na? Tapos ngayon, napapangiti ka at napapasabi nang "Oo nga naman." Aminin mo na. Yes, masakit ang mabigo pero huwag mong hayaang ang kabiguang ito ang bumago ng iyong pagiging mabuting tao. Sa halip na maging 'bitter,' maging 'better' as a person ka.
Okay, kung gusto mo ng talaga ng closure, mag-usap kayo. For old time's sake na lang ay huwag ka nang manumbat or magpaka-bayolente pa kasi wala na rin namang mangyayari. Huwag kang umasa na ang closure ay para magkabalikan pa kayo kasi baka mabigo ka lang. Madodoble pa ang pait kapag ginawa mo pa ito. Huwag ka nang magpakababa pa. Deserve mo din ang magtira ng konting respeto sa sarili. Sapat na yung panahon na ipinaglaban mo ang pag-ibig mo sa kanya. This time, just allow yourself na magkaroon ng inner peace. Masakit man, kailangan din talagang magpatawad at manghingi ng tawad. This time, be open and be appreciative. Magpasalamat kayo sa isa’t-isa kasi kahit naman sa maikling panahon ay napasaya din naman ninyo ang bawat isa. Maganda rin naman na magtapos ang relationship ninyo bilang magkaibigan.
Actually, ang mga totoong nagmahal ang palaging nagwawagi sa larangan ng pag-ibig. Nasaktan ka man, iyon ay dahil sa nagmahal ka nang wagas. Nabigo ka man iyon ay dahil sa nagtiwala ka ng wagas. Sa pagkakataong ito ay marami kang mari-realized: "Sobrang sakit pala ang magmahal kasi ang totoo palang pagmamahal ay ang pagbibigay ng kalayaan sa iyong iniibig na ibigin ka niya o hindi ka niya ibigin." All in all, nagkataong nagmahal ka ng totoo kaya sobrang naapektuhan ka. Kung tutuusin, malaking kawalan ka sa sinumang mang-iwan sa iyo. Mapalad ang sinumang makakatagpo sa iyo.
Try to improve yourself this time. Kahit hindi totoo yung mga complaints nya sa iyo, i-try mo din na i-improve ang mga iyon. This time, sabihin mo sa sarili mo na: "I want to become a better person." Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil pasasaan ba at darating din ang taong nakalaan para talaga sa iyo. At kung, finally, dumating man siya sa buhay mo, alagaan mo siya at manatili kang tapat sa pangako mo sa kanya.
For now, pagtibayin mo ang relationship mo kay God kasi si God din naman ang magbibigay sa iyo ng right person na makakasama mo habang buhay.
I will pray na sana dumating ang panahon na masabi mo ng buong ngiti: "God thank you po... dahil kahit na ako ay 'Nasaktan at Nabigo'... ako naman ay 'Muling Nakabangon' dahil sa Iyo."
No comments:
Post a Comment