Wednesday, September 27, 2017
Diligan ng Pag-ibig ang Puso ng Bawat Isa Araw-araw
Ang pag-ibig ay parang halaman na kinakailangang alagaan. Ang halamang tinutukoy ko ay wala sa labas ng bawat isa kundi ito ay nasa kaibuturan ng puso ng bawat isa. Kung ang bawat puso ay hindi didiligan ng pagmamahal, ito ay unti-unting malalanta at kalaunan ay mamamatay. Obligasyon ng na bawat nagmamahalan ang pangalagaan ang puso ng bawat isa dahil kapag ikaw ay nagmahal ay hindi mo pababayaan ang iyong minamahal.
Ang pag-ibig ay pagbibigay ng pagmamahal at pag-ibig din yung tumatanggap ka ng pagmamahal na ibinibigay sa iyo. Hindi pwedeng puro bigay or puro tanggap ka lang. Hindi usually nagtatagal ang pag-ibig na ganun kasi nakaka-drained sa part ng nag-e-effort. Sabi nga, “It takes two to Tango.” Ibig sabihin, hindi pwedeng isa lang ang mag-effort. Ang nararapat ay sabay na mag-sacrifice para sa ikabubuti ng relationship.
Upang mag-grow tayo sa pagmamahal ay maging appreciative tayo. Kinakailangang suklian natin ng kapwa pagmamahal ang pag-ibig na ibinibigay sa atin. Maging appreciative sa mga efforts ng bawat isa. Kapag may mahahalagang dates ay mag-celebrate kahit na simpleng lang. Sa ganitong paraan ay nagiging mas makulay ang relationship. Sa ganitong paraan ay mas lalong lumalalim ang pagkakakilala sa bawat isa.
Ito ang magandang balikan kapag tayo ay tumanda na: yung mga sacrifices na ginawa natin para mapasaya ang bawat isa, yung panahong magkasama tayo, yung panahong lumalaki na ang inyong pamilya dahil sa mga supling ninyo, yung panahong naroon ang bawat isa upang palakasin ang loob ng bawat isa… yung magkasama kayo sa hirap at ginhawa. Beyond sa family pictures ninyo… ang lahat ng ito ay nakatago sa inyong mga puso-- kumpleto kasama pati ang lahat ng mga detalye. Ang mga matatamis na alal-alang ito ay masarap balik-balikan ng magkahawak kamay habang nakaupo sa silyang tumba-tumba kapag kayo ay matanda na.
Isa sa mga sikreto ng masayang relationship ay DASAL. Let God always bless your relationship. Isama ninyo si God sa inyong buhay-pamilya. Lagi tayong magdasal na maging faithful tayo sa isa’t-isa upang anumang pagsubok ang dumating sa inyo ay mananatili kayong matatag.
Maging mabunga nawa ang inyong pag-i-ibigan. Araw-araw ay diligan ninyo ang inyong mga puso ng pagmamamahal.
Pagpalain nawa kayo ng ating Diyos na Dakila sa lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment