Sunday, December 30, 2012
Pag-ibig
mahirap ikubli na ako ay umiibig
sapagkat ang aking puso
ay sadyang nagiging maindakin (rejoice).
DenMar
Ulan
umulan ka pa habang kami ay naglalakad
upang hindi siya makatangging payungan ko siya
nang sa gayon kami ay magkalapit
at kapag bumuhos ka pa ng malakas
mapipilitan siyang yumakap sa akin
sa mga manunulat,
masasabi kong ako ay 'torpe'
kasi naman hindi masabi ng aking bibig
ang lahat ng sinasabi ng aking puso
gusto ko mang umamin sa iyo
nauutal ang aking dila sa tula na nilikha ko
buhos pa ulan...
ikulong mo kami sa iyong kanlungan
paglapitin mo ang aming mga puso
kagaya sa isang hawla ng mga nag-iibigang maya
hindi man ako makaawit nang kagaya nila
kumakabog naman ang aking puso
at lumulukso sa sobrang tuwa
buhos pa ulan
at hayaan mo kaming magtampisaw
sa kaligayahan ng sandali
na ayaw ko rin namang lumipas
umihip ka pa at lumakas
upang hayaan niyang
sa aking likod ay pasanin ko siya
at nang sa gayon ako ay mayakap niya
at nang sa gayon siya ay aking mapasaya.
DenMar
Saturday, December 29, 2012
Dapo (Orchid)
isa lamang ako
sa mga nagtatayugang puno sa kagubatan
sa ilang dekadang nagdaan
ng bawat sandaang taong hindi ko na mabilang
ang mundo ko ay walang kulay
pagkat hindi namumunga o namumulaklak--
pawang luntiang dahon lamang
ng aking naglalakihang mga sanga
ang maiaalay ko
upang maging kanlungan
ng buong sanlibutan
maaaring may himig na laging naririnig
mula sa mga laksang ibong nakikipamugad
sa aking mga nagtatayugang mga sanga
subalit ito ay hindi para sa akin
sapagkat ito ay para sa kapwa nila
at sa mahabang panahon
na ako ay naging saksi
ng pag-iibigan ng bawat pipit (bird)
naramdaman ko kung paano umibig
kahit na ito ay sa pagtingin
hanggang sa ikaw ay dumating
sa panahong hindi ko inaasahan
ikaw ang talulot (petal) ng masamyong (mabango) bulaklak
na dinala sa akin ng malayang hangin
kumanlong ka sa aking bisig
gaya ng mga nauna na nasaksihan kong lumisan
subalit nakapag-tataka
noong panahon ng taglagas
hindi mo ako iniwan
nanatili ka hanggang sa mag-talamig
binalot mo ako ng iyong yakap
sa karikitan (cuteness) mo
ikaw ang naging kumot ko
sa pag-iisa ko
ikaw ang naging langit ko
sa unang pagkakataon
umiyak ako
nang makita kita isang umaga
na nalalagasan ng mga dahon
tila wala ka nang buhay
naghihingalo at wala ng lakas
at sa pagkalanta mo
nakiusap ako sa hamog na ikaw ay diligan
at buong pusong ako ay nagdasal
na ikaw ay sana mabuhay
lumipas muli ang panahon
tagsibol ay muling sumapit
muli kong narinig ang mga huni ng mga pipit
na ngayon ay isa-isang nang bumabalik sa aking piling
subalit ikaw ay nanatiling walang imik
natutulog pa rin habang nakahimlay
na gaya ng isang sanggol sa aking bisig
at payapang nakikinig sa aking pintig
kaligayahan ko nang ikaw ay aking masilayan
mula sa iyong pagkakahimbing ikaw ay nagising
mula sa iyong pakikipaglaban sa buhay at kamatayan
narinig mo ang aking mga pagsamo at mga panalangin
dahil sa aking pag-ibig ikaw ay bumalik
upang ako ay kapwa mo ibigin
at bilang pasasalamat inalayan mo ako ng mga bulaklak
na nagbigay kulay sa aking mundong mapanglaw.
DenMar
Disyerto
itinuturing
ko na parang 'hamog'
ang nagtatapon sa akin ng
pagtingin.
kasi ako ang tuyong lupa
na sabik na sabik na maangkin
(mahalin)
ng sinomang hahaplos
ng banayad sa akin.
ng banayad sa akin.
kahit panandali lang
at panakaw ang sandali ng paghamog
...
ang alaala ng nakaraang mahamog na
kadiliman
ay laging nanariwa sa akin
sa gitna ng nakakapasong
sikat
ng isang bagong umaga
sa tigang na lupa
na uhaw sa pagmamahal.
Den Mar
sa tigang na lupa
na uhaw sa pagmamahal.
Den Mar
Labels:
Nature,
Outdoors,
Reflection,
Scouting
Friday, December 28, 2012
Hamog
ang halik ng hamog
upang pupugin ng pananabik
ang nag-aalinlangang kahoy
dahan-dahang gumapang
sa gitna ng kadiliman
ang banayad na haplos
sa kagubatang tuyot
magkatalik sa buong magdamag
sa saliw ng himig ng kagubatan
sa katahimikan ng daigdig
kapwa puso ay nasaling
pagsapit ng umaga
mamaalam ang hamog
damong ligaw na nadiligan
mananabik sa kanyang ala-ala.
Labels:
Nature,
Outdoors,
Reflection,
Scouting
Tuesday, December 25, 2012
Fairy Tales
BED TIME STORY-- after a dad read a fairy tale to a child:
daughter: do fairy tales come true?
dad: (hug the child) when you grow up, you would understand that life is not all about happy endings... perhaps, you will even forget all about cinderella and sleeping beauty as you face the reality of life... but for me... you will always be my princess. (kissed the child). good night and sweet dreams.
Den Mar
Labels:
Dreams,
fairy tale
Witty
thanks for not loving me
you just taught me how to become a stronger person
I became stronger
because I can still love you no matter what.
===
picture with 'witty' quote is courtesy of: Perlidomae M. Echavez
https://www.facebook.com/ScoutPearl
Labels:
Acceptance,
clever,
cleverness,
Love,
maparaan,
optimism,
optimistic,
Unappreciated,
unloved,
wittiness,
Witty
story telling
story telling is an art. most of the time people don't like to hear my stories because they simply don't want to see me.
Labels:
story telling
Halik
wala ka ngang sinabi
pero ang dami mo namang inisip
na masama laban sa akin
hindi mo man ako tingnan ng mata sa mata
ramdam ko ang talim ng iyong mga pasaring
iniiwasan mo man ako
pero wala akong magagawa
dahil laging nagku-krus ang ating landas
kung saan at kailan
kailangan kitang pakitunguhan
parehong asiwa ang ating mga pakiramdam
dahil sa tensyong namamagitan
pagmamahal ko na nilalabanan mo
pagmamahal ko na itinutulak mong palayo
nahihirapan din ako
hindi naman ako tuod upang hindi makaramdam
maliit lamang ang mundong ating ginagalawan
at hindi ko maaaring itago lagi ang aking sarili
tumatagos ang paningin mo
kapag napapadako sa akin
lagi, nilalagpasan mo ako ng iyong tingin
ipinamumukha mo sa akin ang iyong pagkarimarim
nararamdaman ko ito kahit pilit mo mang ikubli
MAHAL KITA...
kahit hindi mo man ako ganap na mahalin
kahit laging nangingibabaw sa iyo ang iyong madilim na hangarin
hindi ako magbabago kahit ako man ay mapalayo
gaya ng nais mo... gaya ng ibig mo...
at tatanggapin ko ang halik mo
hindi mula sa isang kaaway
kundi mula sa aking pinakamamahal na kaibigan
bilang kaganapan ng aking kapayapaan...
Monday, December 24, 2012
Bawat Pasko
Pasko'y narito na ngunit nangungulila
Tanging ala-ala ang kapiling ko ngayong Pasko
Kung maari lang sana humiling ngayong Pasko
Ang nais ko ay... makapiling ka...
Paskong anong lungkot nananabik sa piling mo
Sa araw ng Pasko lumuluha dahil sa iyo
Pangarap kang mahagkan, hangad makasalo
Sana, makapiling ka ngayong Pasko...
Paskong anong lamig, Paskong nananabik
Malayo ka man gunita mo pa rin ay iniisip
Laging akong umaasang na muli kang makapiling
Maghihintay bawat Pasko hanggang ikaw ay bumalik. Den Mar
Metanoia
May mga pagkakataon
Na kapag ako ay nagigising
Sobrang lungkot ko
Kasi may mga panaginip
Na hindi ko inaaasahan
Ipinamumukha sa akin
Ang lahat ng aking mga tinatakasan
Malinaw kong naririnig
Ang mga boses na kilalang-kilala ko
Malinaw kong naaaninag
Ang lahat ng mga yugto
Nang aking inaasam
Nang aking kinakalimutan
Nang aking nais balikan
Panaginip lang ito
Pero bakit parang totoo?
Bakit nararamdaman ko
Ang naglalagablab na impyerno?
Tsaka ako tumakbo
Nang marinig ko ang mga asong gubat
Na may mga nagbabagang mga mata
Pero hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan
Hanggang sa mahulog ako ng maubos ko ang lupa
At tuluyang lamunin ako
Nang sinapupunan ng kadiliman
Gusto kong sumigaw
Dahil sa pagkatakot at sindak
Pero walang boses na pumapalahaw
Sa aking tinig na naumid (muted)
Magdadasal ako
Nang panalanging tinalikdan ko na
Tsaka magigising ako
Habol hininga
Pawisang pawisan
Umiiyak
Mula sa bangungot
Nang aking pagtakas sa Dyos
Ganito pala yung tinatawag ng konsensya (conscience)
Kung saan nangungusap ang Dyos
Maaaring pagkatapos ng hilakbot
Nang bangungot na sa akin ay tumakot
Magrarason (reason out) na naman ako
Na hindi maaaring mangyari
Ang lahat ng ito
Kapag binabalikan ko ito
Pilit kong inuunawa ito
Maaaring ang tinatakasan ko
Ay ang aking maka-Diyos na sarili
Kung saan sa panahon kung nasaan ako
Pinalitan ko siya ng yaman at katanyagan
Nang mundo na walang kasiyahan
Dahil lagi itong gutom at laging uhaw
Ngayon nagtatanong ako
Ito na ba ang panahon ng pagbabago?
Maaaring ito ang pamamaraan ng Diyos
Upang bumalik ako sa piling Nya
Maaaring sa bawat isa
Kumakatok ang Diyos sa ating lahat
Sa iba't-ibang sitwasyon at pamamaraan
Kung saan at kailan natin Siya mauunawaan at masusumpungan
Sunday, December 23, 2012
Bokasyon
Hindi ko sigurado
Kung may bokasyon nga ako
Ang alam ko lang e may pagtugon ako
Sa isang pagtawag na narinig ko.
Kung bakit hindi ako sigurado
Sa aking bokasyon
Iyon ay dahil
Wala sa aking mga kamay
Ang katuparan nito
Tanging ang Dakilang Lumikha
Ang tanging nakakaalam
Kung kailan at saan ko matatanggap
Ang biyayang handog
Na regalong ito
Bagamat nagbabakasakali lamang
Kung aking masusumpungan
Nananatili pa rin ako
Sa kabila ng aking kahinaan
Kung sakaling hindi man mapasaakin ito
Mauunawaan ko rin sa bandang huli
Na ang aking biyayaya
Ay ang pagtugon at paghihintay
At sa susunod na aking hakbang
Na isa uling pagbabakasakali
Maaaring masumpungan ko na rin
Ang landas na aking tatahakin
Hindi ako naliligaw
Subalit hindi rin ako sigurado
Malabo man ang paglalakbay
Umaasa pa rin ako
Tanging sa habag at grasya lamang
Magkaroon ng ganap na katuparan
Ang buong buhay na katanungan ko
Na masasagot lamang
Sa oras ng aking kamatayan...
Labels:
Vocation
Pulubi
buti pa nga yung mga pulubi,
andaling magdecide about love.
kahit magsama lang sa isang kariton
kahit abutin ng araw at ulan sa lansangan.
tapos every year makikita mo habang pagala gala sila,
dun sa kariton e sumusulpot na parang kabuti yung mga anak nila.
kahit walang makain e masaya naman sila.
kahit wala silang kaluho-luho sa katawan e mukhang mas masaya pa sila kesa sa akin.
minsan ang reflection ko dun,
siguro mas mataas ang level ng trust nila kay God.
baka mas isinuko na nila ang sarili nila kay God kesa sa akin.
i'm wondering,
baka yung mere sufferings nila
e iyon na pala yung prayers na dinidinig ni God mula sa kanila.
e iyon na pala yung prayers na dinidinig ni God mula sa kanila.
Saturday, December 22, 2012
Out of the Blue
Out of the blue, this day.. I was told that I was not doing well at work... that things not good had been said against me... I felt sad...despite my hard efforts to be a good and patient nurse, I still fall short of their bar of excellence....
I feel humbled, I feel ashamed, I am brought down low... yet I offered this pain and sorrow at Mass a while ago... and together with our father Founder, Blessed Francisco Palau, OCD, i say "God allows my defects to humble me."
thank you Lord, for giving me this grace to be humble before You and to ask the grace to be more humble when I face You in my patients and their watchers... amen.
Mervyn Perez
Labels:
nurse,
Nurse's life,
Unappreciated,
Unwanted
A PRECIOUS GIFT: A Reflection about the Gift of Life amidst the RH Bill
THE FILM: THE BIOLOGY OF PRENATAL DEVELOPMENT
The documentary film, The Biology of Prenatal Development (it could also be watched from: https://www.youtube.com/watch?v=5FYjhbCMYoE&playnext=1&list=PLC32680F4224395B6&feature=results_main), which was distributed by the National Geographic, has followed the beginning of life from conception to birth. With the use of a sophisticated high-end camera and state of the art 3D imaging system, the documentary film has allowed the viewers to follow the rapid and highly detailed development of a single-cell human zygote into a fully developed fetus inside the mother’s womb.
There are so many technical terms that caught my attention. I am happy that the writer and the producer of the film recognized conception, the union of sperm and egg cell, each with 23 chromosomes, as the beginning of life. From the film, I quote: “pregnancy in humans normally lasts approximately 38 weeks as measured from the time of fertilization, or conception, until birth.” I also quote, “…during the first 8 weeks following fertilization, the developing human is called an embryo, which means growing within." This period is characterized by the formation of most major body systems. And from the completion of 8 weeks until the end of pregnancy, "the developing human is called a fetus," which means "unborn offspring."
From conception, it is only after 24 to 30 hours after fertilization, the zygote completes its first cell division. By 3 to 4 days after fertilization, the dividing cells of the embryo became a spherical shape called morula. The embryo became a blastocyst after 4 to days when a cavity forms within this ball of cells. The embryo traversed the uterine tube and implant itself in the uterine wall of the mother. Following implantation, placenta develops. For 2 to 4 weeks, germ layers and organ formation took place.
After four weeks, the amniotic fluid starts to surround the embryo. Amniotic fluid protects the baby. This time, there are the formation of the brain, heart limbs and lungs. While liver and kidneys start to develop after five weeks. By six to eight weeks, the embryo begins to make spontaneous and reflexive movements. The hands are visibly developing and the rest of the organs are maturing. Although there is no air in the uterus, the embryo displays intermittent breathing motions. After nine weeks, the fetus starts to swallow, sigh, and stretch. The fetal period continues until birth. Before the birth of the fetus, hearing, feeling and smelling were already developed.
REFLECTION
The movie has made me realized that life is a precious gift from God. Conception is the very start of personhood wherein God breathe the breath of life, the soul, to each human life. The human person, created in the image of God, is a being at once corporeal and spiritual. We cannot separate God in the creation of human life for every human ‘person’ is willed by God; each is imprinted with God’s image. Each one's dignity does not come from the work they do, but from the persons they are. The dignity of the human person is rooted in his creation in the image and likeness of God.
This little life in the womb of a mother is a little person who cannot defend himself yet. He is not merely a thing like any other utilitarian would want to think of him. He is a ‘life’ with a dignity coming from God. He is a person with full of bright potentialities when nourished and let to grow with love and compassion. He is a son to his father and mother who both offered him their genes to start living and growing. He is a little person who is created by God, a little person who has a purpose of his own. He is a being in the image of God…who is not just something, but someone.
We cannot limit our understanding of a person to his immediate capability of self-knowledge, of self-possession and of freely giving himself and entering into communion with other persons. Because each one of us is in need of time to grow. We are in need of time to reach our potentials. All of us were once a child who was so dependent to the caring of our parents. Going back to our childhood, we were once afraid to take a step to cross the street without holding the hands of our parents. Much more, when we were inside the womb of our mother, when we do not know yet what has to come for us? But like anyone else, when we were inside the womb of our mother, we already have the precious gift of life that God has endowed us. Like anyone else, we already have the human soul from the start of our conception. And that same life with a soul was already there even before the moment of our implantation to our mother’s womb as most legislators and doctors would claim and decide when and where we become a person in favor of RH Bill.
Promoting human dignity implies above all affirming the inviolability of the right to life, from conception to natural death, the first among all rights and the condition for all other rights of the person. According to Pope John II, “laws which legitimize the direct killing of innocent human beings through abortion or euthanasia are in complete opposition to the inviolable right to life proper to every individual; they thus deny the equality of everyone before the law. ” I am starting to be afraid because if the RH Bill would be fully enacted as a law, it would lead us to this end—a society so free to do his caprices and society playing God with other’s life. The bill is a threat for every defenseless and every unborn life. In my opinion, RH Bill is a water gate that would flood us with licentiousness to take other’s life where we would deny the sanctity of each life. What lies beyond this bill is lee way for abortion and euthanasia which have become preeminent threats to human dignity because they directly attack life itself. Whatever insults human dignity… they poison human society, but they do more harm to those who practice them than those who suffer from the injury.
In broad daylight, those who fight for the approval of the RH Bill already twisted the original biblical mandate of God to us: “Be fertile and multiply; fill the earth and subdue it. ” Most of our legislators has exhibited their lost of trust in God. They are unanimous in reasoning that they are so afraid that we are bloating as an over populated hungry nation. I am hoping that there's no personal interest behind all these. In this political and spiritual battle, most tend to lose their identity as being a ‘creation of God for all—a person, (sonare, sound back) who is open to communication. Legislators are expected to be the voice of their people who are their constituents. What they have relayed to the nation via national television is the pulse of those whom they are representing. Admittedly, the occasion has divided our opinions as a Church. All of a sudden, most of us Catholics seems to forgot the every Sunday Apostle’s Creed we always recite where we claim, “I believe in God…” and “I believe in the Holy Catholic Church.” In this occasion, I am reflecting on the question: “Do we fail as a Church?” In my opinion, no, we fail only as ‘teachers’ of our flock. They do not already recognize the voice of God in us because, maybe, they cannot understand the language we are now using.
I believe that the legislators who favored the RH Bill has inflicted serious wound in our society and our culture. They are the very people who ought to be society’s promoters and defenders of human life...even to the smallest scale, we see them as defenders of the weak and the incapable to defend themselves. The biting reality is already here, RH Bill is now gaining support. The block favoring it is getting stronger. The RH bill's bait is growing stronger and sooner or later we would be making a covenant with death. But despite of the present situation, we should still urge those Catholic officials who choose to depart from teaching of the Church on the inviolability of human life in their public life to consider the consequences based on their conscience for in their hands is law that would lead others into serious sin: “Thou shall not kill.” We must stand against the present relativism which tends to lead all of us into utilitarianism.
Utilitarianism is a civilization of production and of use, a civilization of "things" and not of "persons", a civilization in which persons are used in the same way as things are used. In the context of a civilization of use, woman can become an object for man, children a hindrance to parents, the family an institution obstructing the freedom of its members.
We must rekindle the spirit of God in every family. Each family is a community of God. Each family is a protector of every weak and of the unborn. Let us appeal to every parents, let us reach out to them to remind them that when they become parents-- spouses receive from God the gift of a new responsibility. Their parental love is called to become for the children the visible sign of the very love of God, "from whom every family in heaven and on earth is named."
Any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person, that is, his/her nature is endowed with intelligence and free will. Indeed, precisely because s/he is a person, s/he has rights and obligations flowing directly and simultaneously from her/his very nature.
When RH Bill becomes a fully established law, we can't be open anymore to express our opinions against it. We will be dead-silent. What we can offer by that time are concrete alternatives which not every parishes have as of the moment. Our silence would not mean our blind-obedience to the implemented law. The virtue of prudence will guide all of us and hope will always remain as our inspiration to carry on.
Like the rest, some of us are doing what we can contribute. And we are doing it urgently. We are earnestly praying that more and more hearts would listen to our small voices-- who are not as intelligent as they are but simple principles which are simply rooted from our Christian conscience which is based on Christian truth.
CONCLUSION:
Human dignity originates from God and is of God because we are made in God’s own image and likeness. Human life, no matter how small a life is, remains sacred because the human person is the most central and clearest reflection of God among us. It is necessary for us to respect life because life is a precious gift of God to each one of us. We should not create it nor take it with our own hands. We are mere stewards only of God. We are mere stewards only of this precious gift of God. Beyond ourselves, as persons who communicate with one another, each one of us is a brother and sister’s keeper… for we are all responsible to one another as brothers and sisters in Christ, as children of God.
-------------
[1] CCC, no. 362.
[2] Cf. The Hundredth Year, no. 11.
[3] CCC, no. 1700.
[4] Cf. CCC, no.
357
[5]The Social Doctrine of the Church
and the Catholic School, no. 553.
[6] Evangelium Vitae (1995), no. 72.
[7] The Church and the Modern World,
no. 27
[8] Genesis 1:26.
[9] Pope John
Paul II, Evangelium Vitae (1995), no. 59.
[10] Pope John Paul II, Letter to Families, February 2, 1994, no.
13.
[11]Familiaris Consortio, no.
14.
[12] Peace on Earth,
no. 9.
[13] Cf. Gn 1:26-27.
Labels:
Pro Life
Buhay
dun sa tanong na kung saan daw ba nagsisimula ang buhay?
sa ganang akin, magandang itanong sa ating sarili--
KAILAN BA NAGSIMULA ANG AKING BUHAY?
para sa akin,
bago ako naging malaki e naging sanggol muna ako
bago ako naging sanggol e naging bata muna ako sa tiyan ng nanay ko (fetus)
yung fetus e nagsimula sa pagsasanib ng spermcell (similya) at eggcell (itlog) ng mga magulang ko (conception)
kung binigyan ako ng pagkakataong mabuhay ng mga magulang ko...
sana bigyan ko rin ng pagkakataong mabuhay ang iba dahil wala sa aking mga kamay ang mga buhay nila
hindi nangangahulugang hindi natin nakikita ang maliliit na detalye ng buhay ay hindi na natin ito pahahalagahan
hindi dahil sa hindi kayang ipaglaban ng mga maliliit na buhay na ito ang kanilang mga sarili ay gagawin na lamang natin ang ating bawat magustuhan
oo, nakakatakot na baka wala tayong maipakain sa kanila
subalit mas nakakatakot na mapariwara ang ating mga kaluluwa
malimit nabubuhay tayo sa mga pinaniniwalaan nating nakakatakot
subalit ang totoong nakakatakot pala
ay ang ating mga sarili
dahil hindi na tayo marunong magbigay sa nangangailangan nating kapwa
kung kaya lagi at laging may nangangailangan at nangagugutom
gumagawa tayo ng maraming mga bagay na pagkakaabalahan
nakalimutan natin na ang pinakaunang dapat pala nating gawin
ay ang magmahal ng ating kapwa
sa halip na magmahal ng ating sarili
patawarin ninyo kung namimilosopiya po ako
siguro, ang dahilan kung bakit nananatiling hindi tayo nasisiyahan
sa kabila ng makamit natin ang hinahangad nating tagumpay
ay dahil nilikha tayo hindi para doon
kundi para sa ating kapwa buhay
habang hinahanap natin ang ating sarili
habang pinipilit nating mapasaya ang ating sarili
lalo pa tayong nababaon sa masihing pangungulila
marahil dahil hindi tayo nilkha para lamang sa ating sarili.
Labels:
Pro Life
Monday, December 10, 2012
Loneliness
look around you
there are so many 'people' who care about you
but still,
you chose 'loneliness' to be at your side... WHY?
Den Mar
Kahilingan
malimit
kapag ako ay nananalangin
marami akong hinihingi sa Diyos
kasi marami akong kailangan
marami akong gustong gawin
nagrereklamo ako
kasi
hindi ang hinihiling ko
ang nangyayari
akala ko ini-ignore ako
akala dinidedma ako
akala ko walang nangyayari
akala ko hindi sumasagot ang Dyos
sa paglipas ng panahon
napagtanto ko
ako lang pala
ang hindi handa
sa mga kasagutang
ibinibigay sa akin
ng Dakilang Lumikha.
Sunday, December 9, 2012
Thursday, December 6, 2012
Panalangin ng mga Scouts (Scouts' Prayer)
Ama naming Lumikha,
naririto na naman po kami sa Inyong harapan
magkakasamang nagpupuri sa Inyong kadakilaan
na nasasalamin namin sa lahat ng Iyong mga likha
itinataas namin ang aming mga sarili
bilang iyong mga abang tigapaglingkod
isinasamo naming linisin mo ang aming mga puso
upang maging bukas kami sa tinig mo at makasunod
nagpapasalamat din po kami sa lahat ng Iyong mga biyaya
ngayon pa lamang ay nag-uumapaw na po ang aming kaligayahan
dahil sa ibinigay mo sa aming pagkakataon upang kami'y magkasama-sama
sa iisang bubong ng Iskawting bilang magkakapatid sa Iyong kabanalan
Itinataas namin ang lahat ng aming mga alalahanin:
Ang aming mga mahal sa buhay na pansamantalang iniwan namin
Sa iyong mga mahabaging kamay ay ipinagkakatiwala namin sila
Lakip ang lahat ng mga biyayang sa iyo nagmula at sa iyo rin ay aming inaalay
Pagpalain Mo po nawa kami aming Panginoon
Sa bawat araw nawa'y manatili ang Iyong Ispiritu sa aming piling
Turuan mo kaming makita Ka namin sa bawat isa
Dahil sa pag-ibig Mo lamang makakapaglingkod kami sa aming kapwa.
Turuan mo kaming umibig at magpatawad ng wagas
Upang mapuno namin ng pag-ibig ang aming mundong ginagalawan
Nawa'y mangyari ang kalooban Mo, O Panginoon, sa amin
Upang ang kapayapaan Mo ay ganap na mapasaamin. Amen.
===
Scouts' Prayer
(translated on January 12, 2015)
Our heavenly Father who created us all
Once again, we are gathered here in your Divine Presence
Together, we give You praise for all Your glory
That is reflected through all of Your creations which is the work of Your divine hands.
We lift to You, dear God, all of our self
Accept us as your children and bless us as Your servants
We ask You to teach our hearts to love and to purify our minds
So that we can hear Your voice clearly for us to obey Your words.
We are so thankful for all of the graces You have given us
There is no perfect word that can best express the deep joy we feel
Because of the countless chances You have given us
For us to be gathered together, here again
As brothers (and sisters) under the one banner of Scouting.
We lift to You, O God, all of our worries--
(Specially, our beloved ones who we left back in our homes
and who are waiting for our safe return)
We ask You to take care of them while we not yet with them
We lay them all in Your merciful and loving hands
Together will all the gifts You have given us that we are offering back to You.
May You always bless us, our dear God
May Your Holy Spirit be with us in every moment of our lives
Teach us to see and appreciate You in the presence of one another
For only through Your divine inspiration
We could truly love and serve wholeheartedly those who are in need.
Teach us, O Lord, to love and to forgive
So that we can start to change the world we are living
May Your will be done unto us, O God
Make us all your instrument of PEACE! Amen.
Den Mar
To Scouter Evelyn Abines Lumor
Subscribe to:
Posts (Atom)