Monday, December 24, 2012

Bawat Pasko



Pasko'y narito na ngunit nangungulila
Tanging ala-ala ang kapiling ko ngayong Pasko
Kung maari lang sana humiling ngayong Pasko
Ang nais ko ay... makapiling ka...

Paskong anong lungkot nananabik sa piling mo
Sa araw ng Pasko lumuluha dahil sa iyo
Pangarap kang mahagkan, hangad makasalo
Sana, makapiling ka ngayong Pasko...

Paskong anong lamig, Paskong nananabik
Malayo ka man gunita mo pa rin ay iniisip
Laging akong umaasang na muli kang makapiling
Maghihintay bawat Pasko hanggang ikaw ay bumalik.  Den Mar