Saturday, December 29, 2012

Disyerto






itinuturing ko na parang 'hamog' 
ang nagtatapon sa akin ng pagtingin. 

kasi ako ang tuyong lupa
na sabik na sabik na maangkin (mahalin) 
ng sinomang hahaplos
ng banayad sa akin. 

kahit panandali lang 
at panakaw ang sandali ng paghamog ... 
ang alaala ng nakaraang mahamog na kadiliman 
ay laging nanariwa sa akin 
sa gitna ng nakakapasong sikat 
ng isang bagong umaga
sa tigang na lupa
na uhaw sa pagmamahal.




Den Mar