Monday, December 19, 2011
Trauma
Ano nga ba ang pakiramdam nang binabalikan mo ang isang bagay na nakakasugat sa iyo?
Maaaring ang tawag doon ay katapangan
Dahil mahirap muling tingnan ang isang bagay na nagmulat sa iyong natutulog na damdamin....
Mahirap muling sulyapan ang isang bagay na nagturo sa iyo upang magalit sa isang bagay na hanggat maaari ay pilit mong iniiwasan
Mahirap pakitunguhan ang isang bagay na bumasag sa iyo ng paulit-ulit....
Masakit at masyadong nakakapagod
Subalit mahirap kalimutan ang bahid ng pait at kalungkutan
Naroon lagi ang mga latak ng nakaraan
Sa puso natin na ito ay patuloy na kumukurot
Nangungulila rin pala tayo sa mga bagay na sadyang nagbigay kaligayahan
Kahit sa mga bagay na nais nating kalimutan
Kung saan tayo nasadlak
Kung saan tayo napariwara
Nawala at muling nahanap
Nadapa at muling nakabangon
Subalit... sabandang huli...
Mai-isip mong kailangan din palang balik-balikan
Upang gunitain
Ang ating pagkamatay at muling nabuhay...
Bakit nga ba?
Bakit nga ba may mga bagay na kinakalilangang balik-balikan
Pwede naman sanang hindi na
Kaya lang kapag tumambad na sa iyong paningin
Wala ka nang magagawa
Sa mga multo ng kahapon
Nang ating mga madidilim na gabing pilit tinatakasan...
Malayang dumadaloy upang salingin ng paulit-ulit
Ang ating mga pangamba at pagkatakot
Madalas...
Mas kinatatakutan pala natin
Ang ating mga sarili
Dahil mas masakit pala ang masaktan
Kaysa sa makasakit ng iba...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment