Monday, February 4, 2013

Kapatiran

picture courtesy of Scout  Perlidomae M. Echavez

Magkakapatid tayo
hindi man tayo nagmula
sa iisang sinapupunan
ang nanalaytay na dugo sa iyong buhay
ay ang dugo na dumadaloy din sa aking puso at hininga

Baunin mo ang aking kasaysayan
ang lahat ng aking dahilan
at pangarap sa buhay
hindi mo man ito maunawaan ngayon:
yayakapin ko ang iyong bakas katulad ng sariwang kahapon

Aalingawngaw lagi ang nakaraan
iguguhit ng kalangitan
sa mga ulap niya ang ating larawan
kapag sumapit ang dilim, ipipinta ng bawat tala
ang ating larawang nakangiti na niyayakap ng buwan.





Den Mar





2 comments:

vince30 said...

naalala ko tuloy nun ATC naten, parang gann rin lng lakad nang lakad... :)

Den Mar said...

oo nga...
lakad tayo ng lakad
hanggang sa mawala tayo sa gitna ng kagubatan
at hanggang ang liwanag ay lamunin ng dilim
at sa bandang huli...
nagkita-kita rin naman tayo
sa liwanag ng iisang siga ng ating kapatiran