Sunday, February 10, 2013

Pagmamahal




sa bawat bagay
lagi tayong nagtataya ng ating sarili
lagi tayong namumuhunan ng pagmamahal
pero hindi nangangahulugan iyon na kailangan nating maningil
dahil ang pagmamahal ay dalisay na ibinibigay

kahit tinatanggihan
may pagmamahal pa ring umiiral
kahit walang tumatanggap
kahit ang pag-ibig na ating inaalay
ay malimit, hindi pinapahalagahan

pag-ibig ang laging naghahari
kahit pa ito ay mangahulugan
ng ilang libong kamatayan
ng ilang ulit na pagsasakripisyo
alang-alang sa minamahal

pagmamahal ay ang hindi lamang puro pagbibigay
ito ay ang pagtanggap din
nang pinagpakasakitan ng ating kapwa
upang tayo ay mahalin
sa paraang likas sa kanila kung paano umibig

pagmamahal ay parang hangin
malayang gumagalaw
humihipo sa bawat damdamin
hindi mo man nakikita
mararamdaman mo itong umiihip.






Den Mar

No comments: