Saturday, February 2, 2013

Witnessing



sabi nung friendship ko last year sa akin na nagsa-suffer sa kidney failure,
"friend, natatakot ako... baka mauna pa akong mamatay kesa maoperahan... hindi ko na ata kaya..."
sabi ko, "friend, huwag ka matakot... gagaling ka pa... makakahanap din tayo ng donor ng kidney..."
tapos naitanong nya ito, "friend, saan ba napupunta yung tao kapag namamatay?"
sabi ko, "e di sa langit. doon na sila tumitira kasama ni God."
tapos sabi nya sa akin na parang biglang nawala yung takot, "friend, kung kasing bait mo si God, hindi na ako matatakot mamatay."
sabi ko... 'wehhhh!' tsaka niyakap ko siya.

tapos some few days ago, nag-message sa akin yung kapatid nya sabi, 'patay na siya... namatay siya na masaya...' tapos tumahimik... dahan-dahang sinabi, 'excited daw siyang makita si God...' tsaka umiyak ng umiyak...

May he rest in peace.




Den Mar

No comments: