Monday, September 1, 2014

Metanoia


Panginoon,
Baguhin mo po ako
Upang ng sa gayon
Maibigay ko sa iyo ng buo ang aking buhay at puso

Nabatid ko na ngayon
Na madali akong maakit ng mundo
Dahil ang masamang pagkahumaling ay natural sa akin
Hindi ko po kayang baguhin ito
Kung kaya Kayo na po lubusang bumago

Samahan Ninyo po lagi ako kung saan man ako mapadpad
Punuin po ng Inyong Presensya ang puso kong nangungulila
Kung sakaling abutin po ako ngayon ng dilim ng kamatayan
Nawa'y kalugdan po Ninyo ang lahat ng mga pagpupunyagi ko
Kahit kalimitan ay bigo subalit lahat ng ito ay para sa Iyo. denmar










No comments: