Thursday, September 11, 2014

Paglaya


Lumulubog na naman ang araw
Muli na namang nilalamon ng dilim ang sanlibutan
Unti-unti ko na namang nararamdaman ang lamig
At kalungkutan ng pangungulila dahil sa iyong pag-alis

Mag-isa na namang hihimlay sa katahimikan
Iisipin ng paulit-ulit ang naglahong ligaya
Mapapaluha kapag nasaling ang pusong nananabik...
...Ipagdadasal na lumayang ganap ang aking sarili.

den mar



No comments: