Thursday, September 4, 2014

Panalangin para sa Pagtitimpi


Panginoon,
Parang sasabog na ako
Sa pagkakataong ito
Ang biyaya mong pasensya
Ay tila naubos na

Sagad na sagad na ako
Hindi ko na kayang magtimpi
Dahil dinudusta na ang pagkatao ko
Na nag-uugat lamang sa maling hinala
Na wala naman akong ganap na kinalaman

Nawa, Panginoon,
Kung pahihintulutan Mo po sana
Na baguhin mong ganap ang puso namin
Dahil wala naman akong matatakbuhan
Kundi Ikaw lang at wala nang iba

Bigyan Mo po nawa ako ng pag-asa
Na sa sakabila ng kadilimang ito
Habang pinapasan ko ang Krus Mo
Na makita ko sana ang liwanag Mo
Na ikatitiwasay ng napapagod kong puso

Tunawin Mo, Panginoon, ang galit
Na naghuhumiyaw sa lumuluha kong puso
Sa halip, gawin mo itong pag-ibig
Na bumubukal mula sa Iyo
Na magpapaliyab muli ng pag-ibig ko. Amen.

denmar

No comments: