Monday, August 31, 2015

Love


Love is our identity.
Love is who we are. den mar

OFW


OFW
marami sa mga OFW ay nangibang-bansa hindi dahil sa gusto lang nila kundi dahil nakikipagsapalaran sila para mabigyan ng higit na mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. kung may magandang trabaho dito sa ating bansa na may magandang pasuweldo, bakit pa nga ba naman sila lalabas para mangibang bayan?
oo, nangangarap sila pero hindi lang para sa kanila ang ambisyon na iyon kundi para na rin sa pamilya nila na kanilang iniiwan. nasasaktan sila kapag binabalewala sila kasi hindi naman sila pumunta sa ibang bansa para magbakasyon or mag-tour around the world kundi upang magtrabaho ng patas at kumita ng sapat na pera para makapag-padala sa kanilang umaasa na pamilya.
ang sabi sa akin ng tatay ko noong nabubuhay pa siya, "anak, mag-aral ka ng mabuti habang may pagkakataon ka... para hindi mo na ako gayahin na kailangan pang mag-paalipin sa ibang lahi at magtiis sa pagbibilad sa napaka-tinding sikat ng araw para lamang kumita ng pera para sa pamilya."
sa murang edad ko, doon ko nalaman na ang mga OFW ay hindi pala mga alkansya na anytime pwedeng hingian ng pera kasi naka-budget na pala iyon. kapag umuwi sila, nasasaktan sila kapag ang nagiging tingin sa kanila ay mga bangko na unlimited ang pondo dahil unang-una, mga tao sila na umuwi sa Pilipinas hindi para gumastos lamang kundi upang makasama ang kanilang mga pamilya kahit sa konting panahon lamang at makapagbakasyon para makapagpahinga mula sa mga nakakapagod nilang hanapbuhay.
swerte na lang kung may naipon sila na pampa-package ng balikbayan box, kung nakapagtabi ng konting pampagawa ng bahay, kapag may budget pa para pangkain sa labas, at panglibre sa mga kaibigan... pero ang lahat ng ito para mangyari ay kailangan ng pagtitiis sa maraming pagod sa overtime at maraming beses na pagtitipid kahit na minsan ay abutin pa sila ng gutom.
kapag araw ng remittance ng suweldo, marami sa mga OFW ay malimit hindi na inaalintana ang maubusan ng pera makapagpadala lang sa kanilang pamilya. hindi rin sila nawawalan ng pag-asa dahil andun sa kanilang lumang pitaka ang tanging pinaka-iingat-ingatang larawan ng kanilang pamilya.
ang malungkot na bahagi, hindi lahat ng OFW ay sinusuwerte sa kani-kanilang mga amo. marami rin sa kanila ang nabibigo. marami ang tumatakas dahil mayroong mga sinasaktan. meron ding nagtatago or nati-TNT, marami din ang nadi-deport, marami rin sa kanila ang nakukulong. marami sa kanila ang nagkakasakit. marami rin sa kanila ang naaaksidente... ang iba ay nababaldado at mayroon ding mga namamatay.
kahit na ganito ang sitwasyon, kapag tinanong mo sila "kung babalik pa ba sila?" ang laging sagot nila ay "oo" kasi wala pa namang ibang option or job opportunities dito sa pilipinas.
kaya tayo na nakakapagtrabaho dito sa pilipinas, maging masaya sana tayo para sa kanila kasi marami sa kanila ang nangangarap na dito rin sa pilipinas makapagtrabaho dahil gusto nilang makasama ang kanilang pamilya kaya lang hindi sapat ang kita.
tayong mga anak ng mga OFW, magmalasakit din tayo sa lahat ng mga pinaghirapan ng ating mga magulang... mag-aral ng mabuti para kapag dumating ang panahon, tayo naman ang mag-aalaga sa kanila.
ako, sampu ng aking mga kapatid, buong pagpapakumbaba kong inaamin na iginapang ako ng tatay ko na mapatapos ng pag-aaral upang malaya akong makapili ng aking kinabukasan. akala ko nga e matatawag na akong makabayan dahil mas pinili kong makapagtrabaho dito mismo sa pilipinas pero hindi pala. sa likod ng aking isipan, alam ko na ayoko palang mahirapan katulad ng tatay ko... hindi ko pala kayang magtiis katulad ng tatay ko... hindi ko pala kayang magmahal ng sobra-sobra kagaya ng tatay ko na dangang tiisin nya ang matinding kalungkutan ng pag-iisa at masidhing pangungulila para lamang sa kanyang pamilya.
ang tatay ko ay isa lamang na buhay na mukha para sa akin na sumasalamin sa milyun-milyong OFW na nakikibaka sa ibang bansa. marami silang kwento, hindi iyon kayabangan kundi iyon ay totoong buhay at totoong pakikipagsapalaran. malimit napapaiyak sila, at least, kapag nakinig tayo sa mga kwento nila ay napapagaan din natin ang kanilang mga kalooban. kapag nahawakan mo ang kanilang kamay at nahahagod ang kanilang sumasakit na likod at balikat, nababatid nila na ikaw rin ay nagmamalasakit para sa kanila.
ngayon ko lang masasabi... ang hirap pala maging OFW... kinakailangan pala na may puso ka na mapagbigay. kinakalingan din pala ay may puso ka na marunong ding magtiis... at minsan ay kailangan ding may puso ka na marunong ding lumaban para sa iyong mga minamahal sa buhay...
ang bawat pilipino saan mang panig ng mundo ay palagi niyang napapasaya ang saan mang sulok ng daigdig kung nasaan man siya. kasi ang pilipino ay likas na masayahin... likas na mapagkumbaba... likas na malikhain... at likas din sa kanya ang dedikasyon at kasipagan.
ang bawat OFW ay may lakas ng loob. ang bawat OFW ay may tibay ng pananampalataya sa Diyos... ang bawat OFW ay bayani ng kani-kanilang mga pamilya na umaasa at umiidolo sa kanila... at dahil diyan ay sumasaludo po ako sa inyo.
pagpalain nawa kayo ng Panginoon!

The Pain of God Shared Unto Us


I asked my professor, "is it right to say that God is 'just' to those who are asking me even I myself is not experiencing it? Further I asked, "am I not making a lie?"
He told me, "maybe that is the experience of God Himself, when he was persecuted and crucified. That is the same experience of many saints who are giving love but not receiving anymore love like St. Therese of Calcutta. She herself experienced the experience of God who is not loved by us."
I realized that when we embrace God, He will also let us to embrace and to experience the wounds that is hurting Him.
Jesus Christ is inviting us to love truly... to become a real person to others who will embrace not only the beauty but also the misery of the others.
den mar

On Relationship

when we have a distorted understanding God, we also have a distorted understanding of our self and a distorted understanding of what relationship is.
when we are not at peace with God... we are also not at peace within our self; and not at peace with the others. den mar

On Being Hurt


There is nothing wrong in accepting that you are hurt whenever you are in pain... for it is a time for you to cry for the moment, to rest for a while, and to think over on what has transpired.
Healing happens in silence. God works wonders even when we are asleep. den mar

On Being Hurt



there is nothing wrong in accepting that you are hurt whenever you are in pain... for it is a time for you to cry for the moment, to rest for a while, and reflect on what has transpired. den mar

Hope

sana dumating ang panahon
na makita natin ang mga taong magmamahal sa atin
kung hindi man natin sila makita
sana... sila ang makakita sa atin. den mar

Godlike Life

God becomes visible
to a mind that is wise
and to a heart that is holy.

Checking Your Actions


isa sa mga paraan
para malalaman mong mali ang iyong ginagawa
ay kapag ginawa ng iba sa iyo
ang gawain mo na inaakala mong tama
pero sa bandang huli ay ikaw ay nagagalit dahil nasasaktan ka. den mar

False Belief


ang KASAMAAN,
minsan akala natin
isa siyang mabuting kaibigan
kasi dumarating siya
sa bawat PAGKAKATAONG INIIWAN NATIN ANG DIYOS. den mar

Freedom


there is no absolute freedom
kaya nga siguro yung mga bansang malaya
e merong mga batas na pinapairal
para ipaalala sa lahat
na ang kalayaan ay may responsibilidad.
in every rule there is an exception
ibig sabihin lang nito na wala ring absolute equality
pero ang pag-avail ng exception
ay hindi dapat makapanglamang
kundi para maging patas sa ating kapwa.
hindi rin nangangahulugan na ang isang bagay na imoral
kapag maraming gumagawa
ay okay na rin ito
ang tawag doon ay corruption
ang corruption ay bumabago
at sumisira ng wastong pag-iisip at pagdedesisyon
ang epekto nito ay hindi lang sa taong gumagawa
kundi maging sa buong bayan kung nasaan siya naroon
ang sinisira nito ay hindi lang ang ngayon
kundi para itong anay na sumira din ng susunod na henerasyon
bakit may corruption?
kasi hindi na tayo gumagawa ng mabuti.
bakit may kasamaan?
kasi hindi na rin tayo gumagawa ng kabutihan.
ang pagbabago ng isang bayan ay nagsisimula
sa formation ng kanyang konsensya
ang kabutihan ay nagsisimula sa puso
ito ay nakikita at nadarama sa pamamagitan ng ating pag-gawa.
malalaman natin na may nangyayaring pagbabago
kung ang pinakadukha at pinakamalayo sa lahat
ay nagsasabing
"nararamdaman ko ang sinasabi mo"
"nakikita ko ang iniisip mo"
"nakikita ko ang sarili ko sa mga pangarap mo"
"na nagmamahal ako dahil minamahal mo ako"
"nabubuhay ako at humihinga dahil ako ay tumutugon sa pag-ibig mo."
den mar

Love

nung minahal kita,
nawala ang lahat sa akin
ngayong nakasama na kita,
ikaw na ang naging lahat-lahat sa akin. 
den mar

Rejections and Healing


the rejections we experienced
from our painful encounter of humanity
has taught us to reject and even to deny the real nature of our own self
we cope up by shaping our own destiny towards our own self
in hope that the experienced brokenness
would be healed by satisfying the greed of our desires
brokenness has become a new way of life
where we are moved whenever we see our self from the other
and we are mistaken to call this as love
the lost of our identity
has gradually shattered our 'personhood'
and has changed our understanding of our real purpose in life
yes, we long for our self that's why we are seeking for healing
yes, we want to be whole again that's why we are in search of love
but, we always fail because we do not choose the will of God.
den mar

Strangers


the world now is full of strangers...
divided by dreams
separated by pains
broken by wounds...
in the silence of everyone's frozen heart--
...is a longing for a human touch
...is a yearning to hear a human voice
who is touching and speaking through a loving heart. den mar

Separatedness

even it is burning hot outside
our heart is freezing cold inside
people nowadays,
don't engage in one another
we often avoid
even making eye contact with others
it becomes a lonely world
where we find ourselves lost
where we find ourselves homeless
untouched by fellow human beings
who happens to chose to be indifferent
despite of our nearness...
most of the time, we choose to be far away. den mar

Love


may the distance between all of us be love.
with love, we are always connected.
with love, we are always one.
love draws us nearer to one another...
for love is God...
for God is love. den mar

Life


the difference between the date of your birth
and the day of your death is TIME
and time means 'your way of living'
so use your time wisely...
to be wiser, pray
when you pray, meet God--
to thank him for your birth
to ask him to accompany you in your life
and to allow God to be with you at your death. den mar

God is Hurt When We are Hurt by Others


biktima...
minsan,
pinipilit na lang natin
na maging kuntento sa buhay natin 
na sinira ng iba.
hindi ka nga namatay
pero ang bawat araw
ay para na ring
paulit-ulit na kamatayan.
ramdam mo yung pait,
ramdam mo yung sakit,
ang nakikita mo ay pawang kadiliman
at ramdam na ramdam mo
yung masidhing kawalan ng pag-asa.
minsan, kahit gaano tayo kalakas,
napapagod din pala tayo.
minsan, sinasabi natin
na sumusuko na tayo.
gaya ng dati
mag-isa na naman tayo
makakatulugan na naman natin
ang mga panaghoy
ng ating pagtangis.
wala kang matakbuhan
wala kang mapagsabihan
wala kasing nakikinig
wala rin kasing uunawa.
bukas... may bago na namang araw
susubukin na naman nating buuin ang ating sarili
pupulutin na naman natin
ang mga nagkabasag-basag
na mga bubog ng ating pagkatao
at masusugatan na naman tayo ng paulit-ulit
habang pilit na binubuo natin
kung ano pa ba ang mayroon ngayon.
sa lahat ng ito
tsaka pa lamang natin
hahanapin natin kung nasaan ang Diyos?
malalaman natin
na siya pala ay nasa tabi lamang natin
nakiki-luha rin na kasama natin.
tatanungin natin siya
'bakit ka nakikiiyak?'
at sasabihin niya
"dahil nung ginawan ka ng kasamaan
kasama mo ako na nasaktan." den mar

Healing

'the most painful part of healing is to accept that your pain really hurts.'
-to be healed is not to forget; but to look with maturity and to embrace with acceptance what have transpired in your past. den mar

Memory

ang pinakamagandang ala-ala ay iyong pinakamakahulugan...
nagiging langit kahit pa ang pinakamasaklap
at pinakamasakit na nakaraan.
den mar

Prayer


the distance between your heart and God's heart is PRAYER.

Against the Devil


kapag kinuha na pala sa akin ang lahat-lahat
kapag nawala na ang pala ang aking mga pinanghahawakan
hindi na pala ako matatakot na harapin at labanan ang demonyo...
sa puntong ito
kung saan madilim ang lahat
ay may liwanag na sumisibol mula sa karimlan
doon ay maiintindihan ko na
na ang lahat pala ng dahilan
ng aking pagdurusa at pasakit sa buhay
ay hindi ang Diyos, kundi ang demonyo
na matagal nang lumilinlang at umaalipin sa akin
patungo sa bangin ng kawalan ng pananampalataya
na lumalamon sa aking natitirang pag-asa
mula ngayon, taas noo, bilang anak ng Diyos
ay kaya ko nang sabihin sa demonyo
"...na sapat na sa akin si Hesu-Kristo
kaya lumayas ka na sa buhay ko!" den mar