Monday, August 31, 2015

God is Hurt When We are Hurt by Others


biktima...
minsan,
pinipilit na lang natin
na maging kuntento sa buhay natin 
na sinira ng iba.
hindi ka nga namatay
pero ang bawat araw
ay para na ring
paulit-ulit na kamatayan.
ramdam mo yung pait,
ramdam mo yung sakit,
ang nakikita mo ay pawang kadiliman
at ramdam na ramdam mo
yung masidhing kawalan ng pag-asa.
minsan, kahit gaano tayo kalakas,
napapagod din pala tayo.
minsan, sinasabi natin
na sumusuko na tayo.
gaya ng dati
mag-isa na naman tayo
makakatulugan na naman natin
ang mga panaghoy
ng ating pagtangis.
wala kang matakbuhan
wala kang mapagsabihan
wala kasing nakikinig
wala rin kasing uunawa.
bukas... may bago na namang araw
susubukin na naman nating buuin ang ating sarili
pupulutin na naman natin
ang mga nagkabasag-basag
na mga bubog ng ating pagkatao
at masusugatan na naman tayo ng paulit-ulit
habang pilit na binubuo natin
kung ano pa ba ang mayroon ngayon.
sa lahat ng ito
tsaka pa lamang natin
hahanapin natin kung nasaan ang Diyos?
malalaman natin
na siya pala ay nasa tabi lamang natin
nakiki-luha rin na kasama natin.
tatanungin natin siya
'bakit ka nakikiiyak?'
at sasabihin niya
"dahil nung ginawan ka ng kasamaan
kasama mo ako na nasaktan." den mar

No comments: