Thursday, June 2, 2011

Spoiled Brat



Hanggang kailan ka iiwas sa sakit ng pagkabigo?
Wala kang hinangad mula pagkabata mo kundi kaligayahan mo lamang
Hindi mo alintana ang paghihirap ng iba habang nakapangyayari ang iyong paghahangad
Ipinagkait mo ang pedestal na kinatatayuan mo at ipinagpakasakit ang iyong kapwa.

Walang maaaring bumali ng iyong salita 'pagkat ito ay batas
Sandata mo'y kayamanan, kapangyarihan ang lakas
Upang ikaw ay ibigin kakailanganin mo pa ng dahas
Maangkin mo man ang nais mo, subalit hindi ang pagmamahal.

Hanggang lumipas ang panahon, nangunsinti sa iyo ay pumanaw
Doon mo malalaman na kailangang magbanat ng buto upang mabuhay
Lahat ng iyong layaw isa-isang maglalahong parang bula sa iyong harapan
Kagaya ng paglisan ng mga taong hindi sa iyo nagmahal.

Sa huli, kagaya nila, pulubi ka rin...

Mababatid mong nangangailangan ka rin pala
Na may mga pulubi palang higit sa iyo na mapagbigay
Masarap din palang kumain ng limos ng iyong kapwa
Lalo pa't kung ito ay nagmula sa pusong dakila.

No comments: