Saturday, January 21, 2012

MATUTONG MAKUNTENTO



Nagagalit ka sa magulang mo
kasi di ka binigyan ng pambili ng HAVAIANAS MO?
Nagagalit ka
kasi yung mumurahin lang na sapatos kayang bilin para sayo?
Nagagalit ka
dahil hindi ka makasabay sa uso?
Nagagalit ka kasi
hindi mo binubuksan yang utak mo at puso mo.

Sana naman maintindihan mo.
Magpasalamat ka
dahil kahit papano
nagkakaroon ka ng mga gamit na gusto mo...
Maswerte ka pa rin kung tutuusin.

Sana naisip mo
na habang reklamo ka ng reklamo...
may ibang mga tao
na sadyang tinatanggap
at nakukuntento nalang
kung ano ang mapulot nilang bagay
para kahit papano
ay mairaos nila ang araw-araw nilang buhay.

MAG ISIP KA.

MATUTONG MAKUNTENTO.




By: Joyce 'ate joyce' Vergel Corral

Note: Si ate joyce po ay cousin ni Br. Dennis DC. Marquez, sSSS. Super-dooper kakulitan at ka-'LIKE'mate sa FB. Super nanay ni 'Phoebie' and super asawa ni 'doc kuya Rommel.'