Saturday, January 14, 2012
Pagdurusa
Kapag dumating ang dagok sa ating buhay
Ang lahat ng kinang...
Ang lahat ng dahilan upang tumawa
Ang lahat ng dahilan para manalig
Ang lahat ng dahilan upang umasa
Ay tila nawawala sa iglang iglap
Dahil dagling nilalamon
Nang masidhing pagdurusa ng kalooban
Na ating binabata (tinatahak, tinitiis)
Nang walang kalaban-laban
Tila nawawala ang kahulugan ng buhay
Humihinto ang ating daigdig
Tumitigil ang oras
Naiiwan tayo sa malikot at maingay na galaw ng mundo
Naluluoy ang musika ng ating buhay
Hindi na natin matanaw ang liwanag na ating inaring kaligayahan
Sa ating paningin
Tila lahat ay kumukupas
Nawala ang busilak na ningning
Kapalit nang ligalig
Na kumikirot
Sa ating puso at damdamin...
Katahimikan...
Tanging mga hikbi na kinikimkim
Ang pinid na maririnig
Na pumapalahaw mula sa kaibuturan ng nagdurusang kalooban
Mga pagsisisi sa mga nasayang na panahon
At mga pangarap na nauwi sa bula ng kahapon
Subalit sa katahimikang ito
Doon natin maririnig ang tinig ng Dyos
Na nangungusap sa ating mga puso
Nang walang paggambala
Mula sa maingay na mundo
Sa silong ng kadilimang ito
Umuusbong ang totoong pagmamahal
Mula sa mga pusong dakila at mapagpatawad...
Dumadaloy ang tubig ng pag-asa
Mula sa masidhing pagyakap ng Diyos...
Dahil kapag tayo ay niyakap ng Diyos
Kinukumutan niya ng yakap ang ating buong pagkatao
Kung kaya ang kadilimang nararanasan natin
Ay hindi kadiliman ng kawalan ng pag-asa
Kundi kadiliman ng pagsuko natin
Sa mapagmahal na bisig ng Dakilang Lumikha
Magkakaroon ng kaliwanagan ang ating pagkatao
Kung ang gagamitin nating mga mata ay ang mata ng Panginoon
Mga mata na may pag-unawa sa paghihirap ng mundo
Na nag-uugat sa pusong mapagmahal
Kahandang magsasakripisyo
Kahit mag-alay pa ng sariing buhay...
Ang ating pagdurusa
Ay ang ating pakikibahagi
Sa pagdurusa ng iba
Na kapwa natin nagdurusa...
Kapwa natin na pawang...
Problemado o may sakit
Nanganganib o naghihingalo
Naniniwala o hindi
Naghahanap o nangungulila
Pawang nasasaktan o nagdurusa...
Doon lamang natin mauunawaan
Na ang ating pagdurusa
Ay ang tanging maiaalay natin
Upang makibahagi sa pagdurusa ng ating Panginoon
Sa krus na kanyang pinagpakuan
Dahil ang ating tinitiis na pagpapakasakit...
Ang kamatayan na hangganan ng buhay
Ang laging magpapaalala sa atin
Na ang buhay natin
Ay hindi lamang para sa daigdig na ito...
Mula sa mga dagok na ito
Sumisibol ang pag-asa
Upang higit tayong lumalim bilang tao
Mula sa mga pagluha ng pangungulilang ito
Sumisibol ang kahulugan ng buhay
Na magmahal at magmalasakit sa kapwa
Mula sa sakit at kamatayan
Sumisibol ang bagong buhay...
Bagong buhay na may pag-ibig
Na may pag-papatawad
Na may malalim na pagbibigay ng buhay
Para sa kapwa nating nagdurusa...
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
From: Beng Paras- Malapitan: Den, lahat ng sinulat mo dito ay totoong nararamdaman ng tao kapag sya ay nagdurusa. "Ang lahat ng dahilan upang umasa ay tila nawawala sa isang iglap." Tama ka. Pero sa ating katahimikan kapag tayo ay nag iisa doon nga natin maririnig kung ano ang gustong sabihin sa atin ng Dios. Sa gitna ng ating pagdurusa nagpapadala ang Dios sa atin ng mga mensahe....ng mga tao na maghahatid sa atin ng mensahe ng Dios....mga taong mararamdaman mo kung gaano ka nila dinadamayan sa mga pagdurusa na dinadaanan mo. God is all wise and all good. He sends healers to mend our brokeness. As I experience pains, God sends me angels. And those angels are my friends. Thank you for being one of my angels....for posting inspirationals that
Labels:
Abandonment,
Acceptance,
Challenges,
Faith,
God's Providence,
Healing,
Inspiration,
Realization,
Reflection,
Self-giving
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment