Thursday, February 12, 2015

Mark 7:31-37


Ephata, "Be Open!"

In our reading for today, the first reading is somewhat contradicting with the Gospel of today.
There in the first reading from the book of Genesis, we heard that when Adam and Eve ate the forbidden food, both of their 'eyes were opened' and they realized that they were naked so they hid themselves from God. But in the Gospel of Mark, Jesus said to the deaf man, Ephata which means 'Be open.'

In the Book of Genesis, what is written there is the origin of our sin. Our sin made us to separate from God. At the back of our sin is a temptation which was caused by the serpent. The serpent is the devil who is behind our fallen nature; but since we were given freedom and freewill by God, we were held liable by God to what had happened to us. From then on, all forms of human sufferings became present in our midst. Why? Because we open our eyes towards ourselves; and we closed our eyes for God, our creator. Somehow, the lies of the devil that provoked our desire to become like God himself has made us blind to see that we were already created and formed in the image and likeness of God. By following the serpent who was the devil, we wounded ourselves and our relationship with God... we disobey God and we cease to listen to God's words. With this woundedness, once and for all, we are in need of a healer who is Jesus Christ, the Son of God who will reconcile once again our broken relationship with God, the Father.

In the Gospel of Mark, Jesus told to the deaf man, Ephata which means 'be open.' During those times, the people believe that illnesses and human physical challenges were brought by sins of the parents. Perhaps, there could be some realities in that kind of a situation; but this time, in this scenario, it seems that it doesn't apply. In Jesus' time-- people with physical challenges like the blinds, lames, deafs and alike  were accused of having sinful parents or a sinful life instead of being helped and treated with mercy and compassion.
Somehow, some of us may also have the same unmerciful and uncompassionate treatment to our less fortunate brothers and sisters. We as sinners are like the deaf man who is also sick and who is in need of a cure. Unless, like the deaf man, that we also allow Jesus to say to us 'be open' so that we could open our hearts and minds to Jesus' good news of salvation. It reminds me of a bible passage asking ‘who is the mother and who are the brothers of Jesus’ where Jesus replied: "My mother and my brothers are those who listen to the Words of God and act on it."
From this point of view, by opening our lives to Jesus, we become a new family of Jesus who listens to the Words of Jesus and who acts on them.

As for me, the words of Jesus "be open" challenges me to see my own sinfulness and to hear the voice of God who is calling me-- I realized that it is not to blame myself ceaselessly; but, more than that, to be humbled and ask for God's forgiveness. This experience has made me realized that I am not a perfect person. I accept now the reality that I am a person who is in need of a merciful and compassionate God who will become my Savior... as a Christian, for us, our savior has a name... and He is Jesus Christ. As I reflect, there in my sinfulness, for the many times of my disobedience to God and for the many times I have given my self to the lures of temptations... I have witnessed that the grace of God was truly overflowing.
Through Jesus Christ, the fallen state of our humanity was restored. Our original sin was forgiven through baptism. Through Jesus, our relationship with God the Father was mediated and reconciled. Through Jesus in the Blessed Sacrament, our lives are continuously blessed and inspired. The psalm for today, "Happy the man whose offense is forgiven" truly reflects the meaning of the grace of God that I have personally witnessed.
To reconcile my first statement saying that our first reading for today being contradictive to the Gospel of today, it is because when Adam and Eve ate the forbidden food which made both of their 'eyes opened'—that act of disobedience is based on the selfish will of man that has brought woundedness between the relationship of God and Man that has led to sin—sin has blinded Adam and Eve to see God’s image in themselves; but in the Gospel of Mark, when Jesus said to the deaf man, Ephata which means 'Be open' it is the will of God that is heard by a converted heart and mind that has brought healing to the deaf man... that obedience to the will of God has become a healing to the relationship of the deaf man and God.

The challenge to hear Jesus faithfully remains an invitation for all of us. Unless we allow ourselves to become 'open,' then we could be possibly healed from all of our woundedness. Say yes, to Jesus when he asked you to "be open" so that like Him, we can also become a wounded-healer to others who are in need of our mercy and compassion.

"Be open," Jesus is calling us now... let us listen to Him! Amen.

=======================

Br. Dennis DC. Marquez, SSS

Friday, February 6, 2015

repleksyon para sa paghahanap ng katarungan at kapayapaan sa mindanao

repleksyon para sa paghahanap ng katarungan at kapayapaan sa mindanao
ang kaguluhan sa mindanao ay hindi dahil may muslim o kristiyano
hindi ito usaping pangrelihiyon kundi higit sa lahat, ito ay usaping pang-pulitikal
nasaksihan kong pwede palang magkasama 
sa isang bubong ng kalangitan ang kristiyano, muslim at lumad.
ang malalim at matagal nang pinag-ugatan ng kaguluhang ito
ay ang mga lupain na mula sa mga muslim na kinamkam
nangyari ito dahil sa kawalan ng respeto sa kultura ng ating kapwa
sila na dating may kalayaan sa ilalim ng kani-kanilang mga kaharian
dahil sa kawalan ng hanapbuhay bunga ng giyera
naging mabilisang hanap-buhay ang makidigma
upang kahit paano ay may ipangtawid ng gutom ang kani-kanilang pamilya
upang kahit sa pagkapit sa patalim ay may pag-asang mabanaag
pare-pareho pala tayong naghahanap ng katarungan
ang nakikita lang natin sa bawat isa ay ang mukha ng paghihiganti
subalit sa bandang huli, pare-pareho pala tayong mga biktima
na kailangang magpatawad at magpalaya sa ating sarili at sa ating kapwa. den mar

on the Death of SAF44

"humimlay ka, aking anak,
sa sinapupunan ng daigdig
baunin mo, aming mga luha
at nagbabagang hinagpis..." den mar

alay sa mga bayani ng digmaan.

Bread and Wine


Holy Eucharist

Corruption


corruption is present in our society because we make love absent in our lives. instead, we overly cling into material possessions and earthly prestige just to hide our 'brokenness' and guilt. we will never be free unless we let go of all our selfish desires... for a corrupt conscience, as always, is the cause of humanity's 'woundedness.'
a society without love is a society without God. without God, a society has no soul to reflect the mere meaning of its very existence even before life and history ever existed; and no hope to look forward to its future beyond life after death where the justice we long for ultimately becomes the 'justice of God.' den mar

Scouting


Scouting is a virtue oriented movement. We can still be Scouts even we are materially poor... even we become empty from riches, as Scouts, we can always innovate to create something new... but without honor and without God, Scouting is meaningless--it becomes a movement driven by personal ambition to elevate only oneself above the others which is not among the objectives of Scouting as founded by Lord Baden Powell. Scouting is a brotherhood that promotes peace right from the beginning of its foundation. For us, Scouts, the way to peace is through the virtue that we are clinging into. As servant-leaders for others, we share to everyone the 'peace of God' which inspires us to change the world to a better place. God is the root of our faith... God's goodness is the origin of our virtue.
This virtue is the reason behind why we 'do our best' in whatever endeavor we are into. It is a part of our training to work hard in earning our merit badges-- this is to inculcate deeply in our conscience the 'spirit of goodness' in everything we desire and in everything we do. With this virtue in us-- we value humility... we value honor... we value service... for all of these are highly essential for us to master ourselves with the guidance of our Scout Oath and Law.
Scouting is not a religion which worships money, prestige nor feeds those who lust for power; but, it is a humble movement with a trail leading us all Scouts into a path towards God. In our own little ways, we serve God through the love of our neighbors... we heard the call that's why we responded to serve our fellowmen with joy and gladness. Through our service, we share to others the 'happiness' which overflows from our simple lives. To love is our vocation... our virtue, as Scouts, is our indelible mark that imprints LOVE in our hearts. den mar
===
Amid the controversies that are currently shaking our movement, there is a 'sacred call' springing from our conscience which invites us to reflect on our identity as Scouts.

Holy Spirit


Holy Spirit... 
stir my heart to be creative
fill my soul with Your inspiration
use my hands to paint Your wisdom
so that through my humble works 
I may reveal Your love. den mar

Youth of Today


Ang mga kabataan ng aming panahon… sa murang gulang ay nauulila na sa kanilang mga magulang na kadalasan ay parehong napipilitang maghanap-buhay upang maitaguyod ang kani-kanilang pamilya. Ang mga gadgets—TV, celfon, computers, mga laruan… ang mga nagiging kasama nila sa kanilang paglaki.
Sa murang edad, tinuturuan sila ng lipunan kung ano ang maganda sa kanilang paningin-- kung ano ang uso, kung ano ang mahal, kung ano ang makakapag-pasaya sa kanilang sarili lamang. Sa murang gulang, tinuturuan na sila unconsciously na maging isang bahagi ng isang higanteng ekonomiyang umiiral… pero hindi bilang mga tigalikha ng mga produkto kundi bilang mga end-user consumers lamang na gumagastos at sunud-sunuran sa idinidikta at ipinauuso ng global market. den mar

Pope Visit Chronicle: Banal na Misa, ang Pagbaba ng Langit sa Lupa.

Pope Visit Chronicle: Banal na Misa, ang Pagbaba ng Langit sa Lupa.
Grabe man ang ulan at ang lamig sa Luneta ngayong hapon, ang lahat-lahat ng mga kaganapan dito ay talaga namang napakagandang experience pa din. Masasabi kong napaka-mystical ng pangyayari dahil nagmeet ang divine at ang humanity sa pamamagitan ng napakagandang celebration ng Banal na Misa.
Sa Banal na Misa napakaganda ng homily ni Pope Francis. Kapuri-puri ang kabuuan ng liturgy. Napakaganda ng mga inawit ng choir at napakagaling ng orchestra na nag-accompaniment. Maganda ang mga na-composed ng mga kanta para sa okasyon dahil ang mga mensahe ng mga awit ay talaga namang nakakaantig ng damdamin. Napakagaling din ng mga servers, na kalimitan ay mga classmates namin sa San Carlos Seminary, Makati City.
In behalf of the entire Filipino, napakaganda ng mga mensahe ng pasasalamat through cardinal tagle at archbishop socrates ang inihandog nila para sa ating Pope.
Umabot pala kaming mga umattend ng humigit sa 6 million ayon sa BBC News pero bagamat napakadaming dumalo, masasabi kong napakaparticipative naming lahat.
Ang katiwasayan ay pinamahalaan ng ating National Government kung saan nagdeploy ng napakaraming mga pulis para masigurado ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa. Marami ring mga volunteers na tumulong upang magbigay ng mga pang-unang lunas tulad ng Red Cross na laging handang tumulong.
Maraming salamat sa mga nakapalagayan ko ng loob. Bagama't kaunti lamang ang panahon na tayo ay nagkadaupang palad, masasabi kong sa itinuring ko na kayo agad na aking kapamilya. Ito marahil ay dahil sa maraming mga tao ang nag-offer sa akin ng kanilang mga pagkain, nag-share ng kanilang plastic upang gawing pananggalang sa ulan. Marami ring nag-share ng mga kwentong buhay nila at marami ring nakinig sa mga kwento ng aking buhay. Sa pamamagitan ng aming pagpapalitan ng mga kwentong buhay, nalagpasan namin ang matagal na pagkakababad sa ulan kahit na ang aming mga daliri ay nangulubot na dahil sa matinding pagkakababad sa pagkakabasa; at kinaya namin ang ginaw na nararamdaman sa kabila ng malamig na panahon. Ang lahat ng ito ay nangyari habang hinihintay namin ang Santo Papa sa kanyang pagdating sa Luneta at hanggang sa celebration ng Banal na Misa.
Hay, heaven on earth ang experience ito. Nasaksihan ko ang heavenly liturgy na pumasok sa history natin bilang mga filipino sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ng Santo Papa. den mar

Papal Visit Chronicle-- Pope Francis sa Tacloban, Leyte.


Papal Visit Chronicle-- Pope Francis sa Tacloban, Leyte.
Sumabay man ang bagyo sa pagbisita ni Pope, I pray na sana ay maging healing na rin ito para sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda. Mula ngayon, ansarap nang isipin na kahit ano pa man ang kalamidad na dumating sa ating bansa, kahit gaano mang nakakatakot ang mga ito, maisip ko lang na may nagmamalasakit sa ating mga Filipino na Pope Francis ay mapapanatag na ang kalooban ko. Salamat sa mga dasal, salamat sa mga inspirasyon, salamat sa pagdalaw dahil inihatid mo sa amin ang pag-ibig ni Hesu-Kristo. Lolo Kiko, mahal ka naming lahat. Salamat dahil 'nakiiyak' ka rin sa aming mga Filipino nuong kasagsagan po nang aming pagdurusa.
God bless us all. den mar

Papal Visit Chronicle-- 'Limang Segundo:' Sa Kalsada Ay May Langit Din.

Papal Visit Chronicle-- 'Limang Segundo:' Sa Kalsada Ay May Langit Din.
Alas dos ng madaling araw, gising na kami sa seminaryo. Kasi kailangan na bandang ala-tres ng madaling araw ay bumiyahe na kami papuntang Maynila. Doon sa isang parokya na ina-administer ng congregation namin, yung Sta. Cruz Church, doon kami magkikita-kita upang isang grupo kami na sabay-sabay pumunta sa lugar na naka-assign sa amin para tumulong sa mga pulis na mag-human barricade.
Mula New Manila, kung nasaan ang aming seminaryo, ay bumiyahe kami. Sa awa ng Diyos, wala pang traffic, mabilis kaming nakarating sa Sta. Cruz Church kung saan ang mga tao ay nag-aagahan na ng lugaw na sinamahan ng nilagang itlog. Syempre, kwentuhan habang naghihigupan ng sabaw ng lugaw. Maraming mga tulad ko ang mga nagku-kwento sa mga nakababatang henerasyon ng aming mga experiences noong World Youth Day 1995. Well, 20 years na nga pala iyon, tumanda na kami pero eto ang mga kabataang ito, excited na maranasan yung sinasabi naming "NGINIG FACTOR."
Alas-kwatro ng madaling araw, nagsimula na kaming maglakad. Binagtas namin ang landas patungo sa Ayala Bridge na malapit sa Malacañang Palace. Ayon sa schedule na ipinalabas ng CBCP, doon manggagaling ang Pope mula sa meeting nya with President P-noy patungong Manila Cathedral.
Alas-singko na halos nung nakarating kami sa tulay. Tawanan kapag may nag-crack ng joke. Patayu-tayo lang pero nung medyo napagod na sa kakatayo ay sumalampak na rin ng walang kakiyeme-kiyeme sa kongkretong kalsada. Eto naman, timing si Kuya Magtataho, kainan na naman na parang nagpi-piknik habang nagse-selfie at groupie ang mga magkakabarkada at mga bagong nagkakilala sa lansangan.
Sa mahabang paghihintay ay nagkaroon kami ng pagkakataon na kamustahin ang aming mga katabing pumapalibot sa amin. Masaya kapag nalaman mo na may mga kababayan kang naroon din na kasama mo mag-serve. "Kabalo ka magbinisaya?" tapos sagot naman ako ng "lagi," tiga-Mindanao pala yung katabi kong pulis na naka-assign sa amin. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas, mula Aparri hanggang Jolo, ay naroon at nakadaupang palad namin. High-tech na ngayon, kung dati address ang hinihingi ngayon ang sinasabi, "pa-accept naman sa FB" after kunin yung FB at email address namin. Naibulong ko sa aking sarili, iba na talaga ngayon ang panahon. Lahat halos ay may camera na. Lahat halos ay naghahangad na makunan ng larawan ang Santo Papa.
Alas-sais, isa-isa nang nagbubukas ang langit kasabay din ng mga nag-uumapaw na grasya. Yung natapatan naming destino ay saradong gasolinahan, yung may ari tinawagan ng guard sa celfon at dumating upang buksan para sa amin ang kanilang palikuran.
Medyo naboring na kami ng konti kaya nagsimula nang maglakad-lakad hanggang sa dulo ng ginawa naming pila. Nakita namin dumadami na ang mga tao. Merong mga may edad na, si Ate Mila, na ang-alok sa akin ng kape. Napa-kwento ng konti sa mga buhay-buhay at nadiskubre naming pareho pala kaming public school teacher dati. Siya ay retired na at ako naman nagresign na para pumasok sa seminaryo. Pinapasok nya ako sa bahay nya, naki-CR na rin ako doon. Tapos nagpaluto nung kanin at hotdog na may itlog, naki-agahan na rin. Sabi nya, tawagin ko raw yung mga ka-brothers ko kaya pinaunlakan namin siya. Halos lahat kami ay tumikim ng kanyang nilutong agahan. Kwentuhan uli, sharing, question and answer, kuhaan ng FB address, picture taking together habang kumakain... at bandang huli naghabilin kami na i-tagged na lang kami sa mga pics na kuha nila.
Bandang alas-nuwebe nung dumami na ang mga tao, yung kaninang mangilan-ngilan lang ay biglang kumapal. Dumating ang napakarami pang mga pulis na nai-deploy sa aming lugar. Syempre kwentuhan, kamustahan, etc. 'Et cetera' na lang ang sasabihin ko kasi parang the same din yung pattern... magwawakas sa "pa-tagged na lang ng mga pics. hahahaha!" May mga mababait na tao ang mga nagbibigay nang mga candy. Yung mga pulis at kaming mga members nung human barricades ay binigyan din. Merong mga mineral water. Merong kape... halos nakatatlo nga ako! At meron ding mga grupo ng kabataan na matiyagang nangongolekta ng mga basura kasi doon daw sila sa maintenance ng kalinisan naka-assign.
Habang nagkakape, eto naman at napakwento ako sa isang may edad na mag-asawa. Mga aktibista daw sila, pero ngayon ay retired na. Marami silang tanong tungkol sa buhay, tungkol sa social justice at tungkol sa mga bagay na may kinalaman kung nasaan nga ba si God sa lahat ng mga pait at sakit na nararanasan natin sa buhay. Naroong mangatwiran kami, mamilosopiya, at mag-theolohiya. Na-realized namin na sa kabila ng mga pasakit sa buhay, naroon pala ang Diyos at dahil sa kanyang mapagmahal na grasya, nakakayanan nating mabuhay at manatiling umamaasa bilang mga Filipino sa bawat araw. Sabi nga namin, lahat pala ng mga nangayayari sa atin ay may dahilan gaya na lang ng pagtatagpo namin kung saan maraming mga bagay ang naliwanagan sa amin, mula sa kanila natutunan ko ang realidad ng buhay at mula sa akin, nakapagbahagi ako ng tungkol sa konting natutunan ko mula sa aking pag-aaral ng Social Justice at Theology.
Alas-diyes, nagsimula nang tumirik ang araw, sabi sa mga bali-balita, nasa Malacañang na raw ang Santo Papa. Mayroong napadpad sa aming reporter kumuha ng picture at mga messages para sa kanilang interview. Feeling namin, "eto na, malapit na si Pope." Yung isang reporter merong walkie-talkie, naririnig namin yung nangyayari sa Malacañang, nag-speech si P-noy, tapos ang Santo Papa. Tapos, andami nang mga dumaraan na mga sasakyan galing sa Malacañang. Akala namin ay yun na, sigawan kami tapos nung wala namang Pope-mobile sa dulo nun ay tawanan kami. Wow mali! Sila pala yung mga sasakyang pinauna nang papuntahin sa susunod na venue, doon sa Manila Cathedral para i-media-cover naman yung meeting ni Pope Francis dun sa mga religious leaders.
Pahinga uli, wrong signal kasi. Kanya-kanyang silungan uli sa tabi-tabi. Yung mga nakasampa sa mga silya na may hawak na camera ay pansamantalang nag-unat-unat uli. Back to normal--bigayan ng candy, nguyaan ng chichiriya, tawanan at picture taking ng wagas at to the max. Maya't-maya na ang pagronda ng mga pulis na nakamotor na sumusuyod sa pila namin, sinisiguradong makakadaan ang convey ni Pope Francis. Swerte kami kasi cooperative ang mga nasa likod namin. Padungaw-dungaw sila sa aming likuran at nagka-crack ng mga jokes most of the time. Yung mga tao sa kabilang kalsada ay tawid pa rin ng tawid kasi ang comfort room ay nasa side namin. Sabi ng lady police, "after five minutes po, wala na pong tatawid..." yun na pala ang isa sa mga "go signal."
Sabi ng mga pulis, "eto na po, mag-human barricade na po tayo." Mabilis pa sa kidlat ay andun agad kami sa aming mga estasyon. Kapit bisig naman kami. Naririnig na namin yung sigawan ng mga tao doon sa kabilang tulay. Malapit na raw ang Pope!
Labasan ang camera. Kanya-kanyang shot ang mga may dala. Hayan na nga si Pope Francis sakay ng Pope-mobile. Kumakaway sa aming lahat. Nakangiti at masayang masaya na makita kaming sabik na sabik na naghihintay sa kanya. Nagsigawan kami at nagpapalakpakan. Naramdaman naming lahat yung "nginig factor" marami ang naiyak habang kumakaway sa kanya.
Limang segundo lang ang engkwentro namin sa kanya pero pang nag-slow motion ang lahat. Malinaw kong nakita ang kinang sa kanyang mga mata at ang abot taingang ngiti ng kaligayahan na nag-uumapaw mula sa kanyang puso.
Limang segundo ito ng nag-uumapaw na kaligayahan para sa akin at sa aming lahat dahil halos abot kamay lang namin si Lolo Kiko (Pope Francis). Ang nasabi ko na lamang sa gitna ng mga hiyawan ng mga tao... "kamukha nya yung napapanood ko sa TV." Natawa yung mga nakarinig sa akin, ang ibig sabihin ko kasi, naramdaman ko yung sincerity nya na akala ko ay nadadaan lamang sa magandang anggulo ng camera at mga magagandang memes na naipo-post sa FB. Para sa akin, natural pala talagang magiliw siyang tao. Malalim ang pinaghuhugutan ng kanyang kabutihan at sa naramdamang kong "NGINIG FACTOR" masasabi kong katulad ni Pope John Paul II na isa nang Santo ngayon, sumasakanya rin ang Espiritu Santo na nagpaalab ng aking pananabik sa isang Ama na si Pope Francis na Tatay ng relihiyong Katoliko.
Limang segundo, pero hanggang ngayon habang isinusulat ko ang salaysay kong ito, "star strucked" pa rin ako. Pagkatapos nga ng maikling engkwentro namin ng Santo Papa, lahat kami ay nakangiti. Lahat kami ay masaya. Lahat kami ay na-inspired na magbigay din ng "mercy at compassion" sa aming kapwa... nasabi namin habang kami ay naglalakad pauwi... kung kaya ni Lolo Isko, kakayanin din natin.
Para sa akin, ang limang segundong ito ay isang napakagandang ala-ala na masarap balikbalikan. Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko pa rin ang nakangiting si Pope Francis, nasasabi ko sa aking sarili, "ang sarap palang maging Katoliko" hindi dahil sa marami kami or marami kaming kayang gawin kapag magkakasama; kundi masarap maging Katoliko dahil sa pamamagitan ng kabutihan ng bawat isa sa pangunguna ng Santo Papa, naramdaman ko ang tunay at buhay na si Jesus Christ na nananahan mula sa aking kapwa.
Sa limang segundong iyon, kapwa namin nadama ang langit mula sa aming kinasasadlakan. Bata, matanda, may ngipin o wala, magkakaiba man ng relihiyon, magkakaiba man ng pananampalataya o kahit may pagkakaiba pa sa mga pananaw sa aming mga buhay... naroon kami, magkakasama-- isang masa ng dagat-dagatan ng mga tao na nakaramdam ng awa at habag mula sa Santo Papa. Sa gitna ng mainit na tirik ng araw at makapal na dami ng tao... nakakawala ng tensyon at pagod dahil sa sandaling iyon naramdaman namin ang pag-ibig ng Diyos mula sa langit na yumakap sa aming lahat.
Hay... limang segundo ng engkwentro with Pope Francis, pero hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako. Ito na nga siguro yung tinatawag nilang "POPE FRANCIS EFFECT" ... "limang segundo na pang-habambuhay na makalangit na kaligayahan!"
God bless us all. den mar

Throwback

Throwback:
World Youth Day 1995, bumisita si Pope John Paul II.
20 years ago, sumibol ang isang 'punla' ng pananampalatayang Katoliko sa aking binatilyong puso. Senior Scout ako ng Rizal High School. During that time, ang Rizal High School ang pinakamalaking school sa buong mundo, maraming manpower at Scouts, kung kaya marahil kami ay napili na isa sa mga mag-host ng mga participants from Mindanao. Hindi man ako Katoliko sa aking puso pero dahil Boy Scout ako, nag-serve pa rin ako. Bukod sa pag-aasikaso ng mga 200 bisita namin sa school, sumasabay din kami sa kanila sa pagpunta sa Grand Stand. Doon, tumutulong din kami kasama ang buong Boy Scout of the Philippines na maglinis ng buong Luneta from time to time, magbigay ng first-aid kasama ng Philippine National Red Cross, magbigay ng mga direksyon sa mga naliligaw kasi hindi pa uso ang celfon nun, at magsulat ng mga balita at updates para sa aming school paper. Sa kabuuan ng 1995 WYD, Masasabi kong isang magandang engkwentro ito para sa akin at Pope John Paul II, na ngayon ay isang Santo na, na nakadaupang palad namin kasama ng mga tao habang kami ay nagse-serve sa Luneta.
Ngayong 2015, si Pope Francis naman ang makakadaupang palad ko. Mami-meet ko naman siya ngayon as a Scouter. Pero may dagdag pa, kasi bukod sa pagiging Scouter ay Seminarista na rin ako ngayon. At kagaya ng dati, magse-serve uli ako...ngayon naman as human barricade at mag-a-assist sa mga nangangailangan.
Sana, ang panalangin ko, lalong dumami pa ang ma-touched na mga kabataan na gustong magpari or magmadre; o mga kabataang gustong maging mabuting leader o pastol ng kani-kanilang kinaaanibang pananampalataya .
Actually, hindi ko akalain na dito ako dadalhin ng aking pakikipagdaupang palad kay Pope John Paul II some 20 years ago. Kahit pasaway ako, makulit at maurirat na Senior Scout noong high school ako; at isang aktibista naman noong naging kolehiyo hanggang sa naging ganap na teacher din ako nung makatapos ako.
Hanggang sa matapos ang ilang taong pagtuturo, kasama ng napakaraming kabiguan sa buhay, sa pag-ibig at sa aking propesyon ay nadama kong muli ang 'punla ng pananampalatayang Katoliko' na naging butil ng bokasyon na aking tinugunan. Finally, pumasok na ako sa seminaryo kung saan ko nadama ang kaligayahan na matagal ko nang hinahanap.
Nanalig ako na sa mga susunod na taon, kahit bumilang pa ito ng ilang dekada, alam ko, maraming sorpresa, biyaya at pagpapala ang maipagkakaloob sa ating lahat ng engkwentrong ito na sobrang kaysarap balik-balikan dahil ramdam natin ang mapagpagpakumbabang galaw ng Diyos sa pamamagitan ni Pope Francis na magbibigay ng inspirasyon sa ating lahat upang lalong magmahal at lalong maglingkod para sa ating nangangailangang kapwa.
God Bless us all. den mar

pagbabagong loob


pagbabagong loob
sa mass, after makinig ng homily ng Pari
napagtanto ko
na lagi pala akong nagku-kuripot sa pagbibigay sa Diyos
ang ibinibigay ko lang kasi
ay ang mga kasobrahan ng aking pagkatao
kapag may time lang tsaka magsisimba
kung may problema tsaka lang makaka-alala sa pagdarasal
pati sa mass offering din ay nadala ko ang attitude na ito
kasi, yung mga sobrang barya ko na nagpapabigat lang ng aking bulsa
ang aking pawang lagi na ibinibigay sa kanya
kung magbigay man ako paminsan-minsan ng papel
ay talaga namang kinukwenta ko agad
at kulang na lang isumbat ko ang lahat ng aking na-abuloy
sa mukha ng Panginoon na nakabayubay sa krus
natauhan lamang ako
nung tinanggap ko nang buong puso ang Panginoon
sa Hostiya na tinanggap ko sa aking dalawang mga kamay
kung saan nahawakan kong ganap ang Panginoon
na nagbigay ng Kanyang sarili ng buung-buo...
nang walang sumbat... nang walang pagtutuos
tahimik lamang at totoong nagmamahal
patawarin mo ako Panginoon,
dahil napakadamot ko pala
ang mga ipinagdadamot ko sa Iyo
ay ang lahat ng bagay na mayroon ako
na sa Iyo lang din naman nagmula. den mar

Pamamaalam ni Lolo kay Lola

pamamaalam ni lolo kay lola
kung uulitin kong muli ang buhay ko
isa lang ang nais kong mangyari
yun ay yung muling makita kita sa unang pagkakataon
yun ay yung muling mahalin kita matapos ang maraming pagsubok
yun ay yung marinig ko ng paulit-ulit na mahal mo rin ako
at nung yakapin mo ako nung sumusuko na ako
ito yung nais kong gawing muli
kahit paulit-ulit
kahit pabalik-balik
hindi ako magsasawa
hindi ako magsisisi
dahil para sa akin
hindi sapat ang minsan
upang ikaw ay aking ibigin
aaminin ko sa iyo
kahit makailang beses pa
na nung minahal kita
kinalimutan ko na rin ang aking sarili
dahil ang alam ko mula noon
na para sa iyo, kung bakit ako humihinga
na para sa iyo, kung kaya ako ay nabubuhay
kaya lang... hindi ko magagawa ang nais ko
(na ulitin kong muli ang aking buhay)
dahil ang buhay ko ay may hangganan
dahil ang ating buhay ay may wakas
pero sa kabila ng lahat ng ito
ang naging pinakamahalaga para akin
ay yung nakasama kita
hanggang sa huling sandali ng aking buhay
"mahal na mahal kita"
ito ang lagi mong pakakatandaan
sumuko man ang aking buhay
pero hindi ang aking pagmamahal
lilisan ako sa daigdig
pero hindi ako mag-iisa
dahil babaunin ko
ang iyong matamis na ala-ala...
happy valentine's day. den mar

Artist

an artist gives life to a beauty conceived in the womb of God. den mar

Conscience

the conscience of our society is reflected through the poor in our midst. den mar

Ang Filipino at ang Pananampalataya sa Diyos


Ang Filipino at ang Pananampalataya sa Diyos
Kaming mga Filipino, araw-araw ay nakikibaka sa buhay. Laging nagbabakasakali at laging umaasa. Marami sa amin ay nangangamuhan lamang. Malimit, kami ang mga laborers na umaasa sa awa at habag ng mga kalimitang dayuhan na namumuhunan sa loob ng aming bansa. Dahil sa paghahangad na mas mapabuti ang aming mga pamilya, marami rin sa amin ang lumalabas ng aming bansa upang maging mga overseas workers (OFWs). Kung tutuusin, halos isang kahig at isang tuka ang bawat isa sa amin—kung hindi maghahanap buhay ngayon--malamang, walang kakainin o gagastusin bukas.
Kami ang bansang sinasalanta ng halos tatlumpung (30) bagyo kada-taon. Bukod pa dito ang mana-nakang lindol at mga pagsabog ng bulkan na gumugulantang sa aming katiwasayan. Eto na ata ang pang-araw-araw na buhay namin. Mula nang kami ay isinilang, ito na ang nakagisnan namin.
Kami rin ang bansang napasailalim sa mahabang panahon ng kolonisasyon at naging alipin sa mga kamay ng mga dayuhan. At nung ganap na nakamit namin ang aming kalayaan, kami rin ang bansa na inalipin ng sarili naming kapwa Filipino… pinagnanakawan, tinatanggalan ng dangal at patuloy na pinapaasa sa mga pangako na hindi naman tinutupad. Sa sistemang naghahari sa aming lipunan, ramdam namin ang epekto ng malawakang korupsyon na lumalamon sa aming pag-asa na magkaroon ng malawakang pagbabago sa aming bansa.
Sa kasalukuyan, lalong lumalaki diprensyang namamagitan sa kakaunting mayayaman at napakaraming mahihirap. Ang mga likas na yaman namin ay pinagpapasasahan ng mga nasa kapangyarihan… kinakalbo araw-araw ang mga kagubatan, sinusuyod hanggang sa masaid ang mga yamang dagat, minimina ng walang patumangga ang mga kabundukan na lumalason sa mga kanugnog nitong mga ilog at batisan… naglipana kasi ang mga iresponsableng factories na pumapatay sa likas na yaman ng aming bansa.
Sa sobrang dami ng hirap naming pinagdadaanan, Ang tanong na “Kung bakit pinababayaan ng Diyos ito na mangyari sa amin?” ay nananatiling walang nakakaalam ng eksaktong sagot. Sa pagdurusang nangyayari sa amin, ang alam lang naming ay kailangang ituloy ang buhay pagkatapos ng mga bagyo, ng mga lindol, o kahit ng mga pagputok ng bulkan.
Bilang mga manggagawa na nakakaranas ng mga kawalang katarungan, oo, nasasaktan din kami pero may pamilya kami na dapat naming buhayin kung kaya tinitiis na lang namin na kami ay dustahin at hamakin ng paganun-ganon na lamang ng aming mga pinaglilingkuran. Hindi kami manhid… nagkataong mayroong mga tao na nagmamahal sa amin at minamahal namin... sila ang mga kinakapitan namin upang maging matatag sa kabila ng napakaraming pagsubok sa buhay. Ang aming pamilya ang aming inspirasyon sa lahat ng mga hirap na ito… sila ang dahilan kung kaya kami ay nagtitiis… sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon kami ay umaasa. Sana huwag naman ninyo kaming abusuhin... dahil nagkataong wala kaming mapupuntahan sa ngayon kundi kayo na sa amin ay tumanggap.
Mapapalad ang mga bansang katulad ninyo na mayayaman. Pinagpala kayo sa langis, ginto, teknolohiya at sa napakaraming likas na yaman. Ipinapanganak ang bawat isa sa inyo na mayroon na agad na magandang kinabukasang nakalaan. Tatanda ang bawat isa sa inyo na hindi na kailangang manlimos gaya ng nakararaming matatanda sa aming bayan upang may ipambili lamang ng mga gamot sa mga nananakit nilang katawan. Hindi na ninyo kailangang danasin ang pumila ng napakahaba para lamang maka-avail ng libreng check-up sa pampublikong health centers o sa mga pampulikong ospital kapag sumusuka na ng dugo o kapag nag-aagaw buhay.
Pero marami pa rin sa inyo-- na mga tiga-ibang bansa na pawang mayayaman, ang hindi masaya sa buhay. Samantalang kaming mga Filipino, sa kabila ng mga problemang panlipunan at mga delubyo na sa amin ay dumarating at nananalasa… nakukuha pa rin naming ngumiti. Nakukuha pa rin naming tumawa. Kahit minsan, paniniwala namin na mailap sa amin ang swerte sa buhay ay palagi pa rin kaming umaasa...
Nakakalungkot dahil sa kabila ng kayaman ng inyong mga bansa… nakuha pa ninyong itakwil ang paniniwala sa Diyos na nagbigay sa inyo ng lahat ng mga yamang ito, samantalang kami… sa awa ng Poong Maykapal, hindi pa rin kami natitinag sa paniniwala sa Diyos. Ang Diyos pa nga ang ginawa naming saligan ng aming natitira at kakaunting pag-asa. Sa kasalatan ng aming buhay... tanging ang Diyos ang naging aming tanging kayamanan.
Sa kabila ng aming karukhaan nais naming sabihin sa inyo na mapapalad po kayo. Na kayo ay pinagpala ng Diyos. Hindi namin malilimot ang kabutihang loob ng marami sa inyo sa amin noong sinalanta kami ng bagyong Yolanda (Typhoon Hayain). Isang bansa kaming sumasaludo sa kabutihan ng kalooban ninyong lahat na para sa amin ay hinipo ng Diyos upang maging bukas-palad na kami ay matulungan. Kami, na kalimitan ay pawang mga abang tigapag-lingkod lamang ay buong puso ninyo ring pinaglingkuran noong kami ay nangangailangan... kaming mga Filipino... ay may ugaling tumanaw ng utang na loob, ngunit sa laki ng inyong naitulong sa amin, ipinapaubaya na namin sa Panginoong Manililikha ng lahat ng bagay ang pagtanaw ng utang na loob sa inyo dahil kung kami lamang... hindi po namin ito agad-agad masusuklian... hindi po namin ito agad-agad matutumbasan.
Salamat sa malasakit... sa pamamagitan ninyo, nakakapagsimula na kaming makapag-move on... mabagal man... pero nagsisimula na. Unti-unti na kaming nahihilom mula sa malagim na ala-ala ng kahapon lalo na ngayon na binisita kami ng Santo Papa. Sana ay maka-full circle na rin kami... nagsimula sa bagyo ang lahat... sana sa bagyong Amang na sumalubong sa aming engkwentro sa Papa, sana humupa na rin ang mga trauma na idinulot sa amin ng nakaraang sigwa. Ipagdasal nyo po kami... ipagdadasal din po namin kayo.
Oo, ang daming tanong ng bawat isang Filipino tungkol sa buhay-buhay. Pero kailanman… hindi kami nagalit sa Diyos dahil alam naming hindi niya kami pinababayaan kailanman. Magkakaiba man ang aming paniniwala bilang isang bansang Filipino; at malimit pa nga ay nag-aaway-away kami tungkol sa iba’t-ibang pag-unawa hinggil sa aming iba’t-ibang relihiyon-- pero ang suma-tutal, pare-pareho pa rin kaming nananampalataya sa Diyos.
Ang aking panalangin, sana dumating ang panahon na ang iisang Diyos na sinasamba namin ay pagbuklurin na kaming ganap. Sana tunawin nya ang makasariling paghahangad ng bawat isa sa amin. Sana hipuin nya ang bawat isa sa amin upang magmahal at ituring ang bawat isa bilang aming kapwa-Filipino at yakapin siya bilang aming kapatid. Sana isang araw ay mapagtanto namin ang kagustuhan ng Diyos para sa aming lahat nang dumating na ang panahon na isang araw… tunay na kabutihan at totoong pagmamahal na lamang ang maghari sa aming Inang Bayan.
Pananampalataya-- ito na marahil ang maihahandog namin sa buong mundo... ang ipadama na lagi kaming may nababanaag na pag-asa sa kabila ng kawalang pag-asa sa buhay sapagkat may Diyos na buhay na sa atin ay nananahan.
den mar