Friday, February 6, 2015

Throwback

Throwback:
World Youth Day 1995, bumisita si Pope John Paul II.
20 years ago, sumibol ang isang 'punla' ng pananampalatayang Katoliko sa aking binatilyong puso. Senior Scout ako ng Rizal High School. During that time, ang Rizal High School ang pinakamalaking school sa buong mundo, maraming manpower at Scouts, kung kaya marahil kami ay napili na isa sa mga mag-host ng mga participants from Mindanao. Hindi man ako Katoliko sa aking puso pero dahil Boy Scout ako, nag-serve pa rin ako. Bukod sa pag-aasikaso ng mga 200 bisita namin sa school, sumasabay din kami sa kanila sa pagpunta sa Grand Stand. Doon, tumutulong din kami kasama ang buong Boy Scout of the Philippines na maglinis ng buong Luneta from time to time, magbigay ng first-aid kasama ng Philippine National Red Cross, magbigay ng mga direksyon sa mga naliligaw kasi hindi pa uso ang celfon nun, at magsulat ng mga balita at updates para sa aming school paper. Sa kabuuan ng 1995 WYD, Masasabi kong isang magandang engkwentro ito para sa akin at Pope John Paul II, na ngayon ay isang Santo na, na nakadaupang palad namin kasama ng mga tao habang kami ay nagse-serve sa Luneta.
Ngayong 2015, si Pope Francis naman ang makakadaupang palad ko. Mami-meet ko naman siya ngayon as a Scouter. Pero may dagdag pa, kasi bukod sa pagiging Scouter ay Seminarista na rin ako ngayon. At kagaya ng dati, magse-serve uli ako...ngayon naman as human barricade at mag-a-assist sa mga nangangailangan.
Sana, ang panalangin ko, lalong dumami pa ang ma-touched na mga kabataan na gustong magpari or magmadre; o mga kabataang gustong maging mabuting leader o pastol ng kani-kanilang kinaaanibang pananampalataya .
Actually, hindi ko akalain na dito ako dadalhin ng aking pakikipagdaupang palad kay Pope John Paul II some 20 years ago. Kahit pasaway ako, makulit at maurirat na Senior Scout noong high school ako; at isang aktibista naman noong naging kolehiyo hanggang sa naging ganap na teacher din ako nung makatapos ako.
Hanggang sa matapos ang ilang taong pagtuturo, kasama ng napakaraming kabiguan sa buhay, sa pag-ibig at sa aking propesyon ay nadama kong muli ang 'punla ng pananampalatayang Katoliko' na naging butil ng bokasyon na aking tinugunan. Finally, pumasok na ako sa seminaryo kung saan ko nadama ang kaligayahan na matagal ko nang hinahanap.
Nanalig ako na sa mga susunod na taon, kahit bumilang pa ito ng ilang dekada, alam ko, maraming sorpresa, biyaya at pagpapala ang maipagkakaloob sa ating lahat ng engkwentrong ito na sobrang kaysarap balik-balikan dahil ramdam natin ang mapagpagpakumbabang galaw ng Diyos sa pamamagitan ni Pope Francis na magbibigay ng inspirasyon sa ating lahat upang lalong magmahal at lalong maglingkod para sa ating nangangailangang kapwa.
God Bless us all. den mar

No comments: