Friday, February 6, 2015

I Love the Catholic Church


Papal Visit Chronicle: Bakit nga ba napamahal sa akin ang simbahang Katoliko?
Sa mga makabuluhang mensahe ng Santo Papa Francisco sa atin, maganda rin namang minsan ay manahimik tayo upang magdasal habang ninanamnam natin ang mga mensaheng ito na naka-touch sa ating puso.
Mga simpleng salita lamang ang ginamit ng Santo Papa sa kanyang misa sa Leyte... "nung malaman kong nagdurusa kayo dahil sa bagyong Yolanda...nung mga sumandaling iyon, nasabi ko sa aking sarili... kailangang pumunta ako diyan... kailangang makasama ko kayo." Ito ang mga salita na mula sa kanyang puso na tumagos din sa aking puso. Pawang mga simpleng mga salita na nagpatulo sa aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit kasi nakikinig lang naman ako sa radyo... pero... napaka-powerful ng mensahe.
Kahapon, nung nakita ko ang Santo Papa ng malapitan, masasabi kong nakakaramdam ako ng nag-uumapaw na pagmamahal. Yung sulyap niya sa amin na tumagal lamang ng ilang segundo ay isang makapangyarihang sulyap na tumagos sa kaibuturan ng aming mga pagkatao.
Kapag tinanong ko ngayon ang aking sarili kung "Bakit ko nga ba minahal ang Simbahang Katoliko?" Parang napakadali ngayong sagutin kasi malinaw kong mailalarawan na mahal ko ang simbahang Katoliko dahil mahal ako ng Tatay ng aming simbahan... dahil mahal ako ng Santo Papa.
Ansarap tuloy ngayong mas magmahal ng aking kapwa-- mapa-ibang relihiyon pa man o mapa-ibang sekta, kasi alam na alam ko na ngayong may nagmamahal sa akin at may nagdadasal palagi para sa akin kahit pa nasa kabilang panig pa ng mundo ang ating mahal na Santo Papa.
God bless us all. den mar

No comments: