Pope Visit Chronicle: Banal na Misa, ang Pagbaba ng Langit sa Lupa.
Grabe man ang ulan at ang lamig sa Luneta ngayong hapon, ang lahat-lahat ng mga kaganapan dito ay talaga namang napakagandang experience pa din. Masasabi kong napaka-mystical ng pangyayari dahil nagmeet ang divine at ang humanity sa pamamagitan ng napakagandang celebration ng Banal na Misa.
Sa Banal na Misa napakaganda ng homily ni Pope Francis. Kapuri-puri ang kabuuan ng liturgy. Napakaganda ng mga inawit ng choir at napakagaling ng orchestra na nag-accompaniment. Maganda ang mga na-composed ng mga kanta para sa okasyon dahil ang mga mensahe ng mga awit ay talaga namang nakakaantig ng damdamin. Napakagaling din ng mga servers, na kalimitan ay mga classmates namin sa San Carlos Seminary, Makati City.
In behalf of the entire Filipino, napakaganda ng mga mensahe ng pasasalamat through cardinal tagle at archbishop socrates ang inihandog nila para sa ating Pope.
Umabot pala kaming mga umattend ng humigit sa 6 million ayon sa BBC News pero bagamat napakadaming dumalo, masasabi kong napakaparticipative naming lahat.
Ang katiwasayan ay pinamahalaan ng ating National Government kung saan nagdeploy ng napakaraming mga pulis para masigurado ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa. Marami ring mga volunteers na tumulong upang magbigay ng mga pang-unang lunas tulad ng Red Cross na laging handang tumulong.
Maraming salamat sa mga nakapalagayan ko ng loob. Bagama't kaunti lamang ang panahon na tayo ay nagkadaupang palad, masasabi kong sa itinuring ko na kayo agad na aking kapamilya. Ito marahil ay dahil sa maraming mga tao ang nag-offer sa akin ng kanilang mga pagkain, nag-share ng kanilang plastic upang gawing pananggalang sa ulan. Marami ring nag-share ng mga kwentong buhay nila at marami ring nakinig sa mga kwento ng aking buhay. Sa pamamagitan ng aming pagpapalitan ng mga kwentong buhay, nalagpasan namin ang matagal na pagkakababad sa ulan kahit na ang aming mga daliri ay nangulubot na dahil sa matinding pagkakababad sa pagkakabasa; at kinaya namin ang ginaw na nararamdaman sa kabila ng malamig na panahon. Ang lahat ng ito ay nangyari habang hinihintay namin ang Santo Papa sa kanyang pagdating sa Luneta at hanggang sa celebration ng Banal na Misa.
Hay, heaven on earth ang experience ito. Nasaksihan ko ang heavenly liturgy na pumasok sa history natin bilang mga filipino sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ng Santo Papa. den mar
No comments:
Post a Comment