Tuesday, August 27, 2024

Matthew 19:23-30

ANG DIYOS BA O ANG KAYAMANAN?

Matthew 19:23-30
"Mas madali pang makaraan ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos."
Ang Ebanghelyo mula sa Mateo 19:23-30 ay naglalaman ng isang magandang aral mula kay Jesus tungkol sa pagpili between sa earthly riches at ang pag-achieve ng Kaharian ng Diyos.
Sa Gospel Reading na ito, si Jesus ay nagsasalita sa kanyang mga alagad matapos piliin ng isang mayamang kabataan ang kanyang kayamanan kaysa sumunod sa kanya. Hindi naman sinasabi ni Jesus na masama ang pagiging mayaman, ginamit ni Jesus ang metaphor na ito upang ipaunawa kung paano nagiging hadlang ang labis na pagmamahal sa kayamanan sa pagpili sa Kaharian ng Diyos. Ipinakita ni Jesus kung gaano kahirap talikdan ang kayamanan lalo pa kung ito na ang nagiging source of security at tiwala sa sarili ng isang tao.
Marami sa atin ang nanghihinayang na mabawasan at natatakot maubusan ng kayamanan dahil hindi tayo lubos na nagtitiwala sa Diyos. Dahil sa takot na ito, hindi natin lubos na nauunawaan na nais ng Diyos na gamitin natin ang lahat ng ating mga biyayang natanggap mula sa kanya ng naaayon din sa kalooban niya. Nais ng Diyos na magbahagi tayo nang maluwag sa ating kapwa at mabuhay nang may kababaang-loob. Subalit nagiging imposible ang choice na maging generous kung lubusang nating inaari ang ating kayamanan dahil ang palaging katwiran natin ay 'pinaghirapan ko ito.'
Yung metaphor ng hirap na pagdaraanan sa paglagos ng isang mayaman sa butas ng maliit na karayom ay maaaring larawan kung paano tayo makakarating langit. Kung ang lahat ng mga natamo nating mga biyaya sa ating buhay ay naibahagi natin sa ating kapwa, maluwag din tayong makakapasok sa Kaharian ng Diyos. Kung hindi man tayo naging generous dahil nabalot tayo ng takot na maubusan, dahil nabalot tayo ng galit bunga ng mga trauma natin sa buhay, or dahil naging indifferent tayo at naging manhid sa pangangailangan ng ating kapwa na nagdurusa dahil sa karamdaman at kahirapan... naroon palagi ang grasya ng Diyos habang tayo ay nabubuhay pa na nagbibigay sa atin ng opportunity na makatulong sa ating kapwa.
Sa huli, lahat tayo ay inaanyayahan na suriin ang ating mga priorities sa ating buhay-- kung ang mga ito ba ay naglalapit sa atin patungo sa Diyos or kung ito ba ay naglalayo sa atin mula kanya.
===
Sanggunian (References):
1.IBreviary (for the Daily Readings)
2.The Jerome Biblical Commentary
3.William Barclay’s Daily Study Bible (Commentary)

No comments: