Tuesday, August 27, 2024

Matthew 20:1-16

 ANG DIYOS AY NAPAKA-MAPAGBIGAY

Matthew 20:1-16
Mababasa mula sa Gospel Reading na ang may-ari ng ubasan ay kumuha ng mga manggagawa sa iba't ibang oras ng araw. Ngunit sa pagtatapos ng araw, binayaran niya silang lahat ng pare-parehong sahod.
Matutunghayan natin kung paano ang mga nagtrabaho nang mas matagal ay nagreklamo kasi sa tingin nila ay hindi makatarungan na ang mga nagtrabaho nang mas kaunti ay makatatanggap ng parehong bayad. Subalit hindi nagpatinag ang may-ari ng tahasan niyang sinabi, "Naiinggit ka ba dahil ako'y mapagbigay?"
Sa statement na ito, mababanaag natin ang lawak ng wisdom ng Diyos. Gayundin, masasalamin din natin ang kanyang kapangyarihan upang mabasa ang kaloob-looban ng ating puso.
Lahat tayo ay gusto ng fairness or justice. Subalit ang justice ay minimum lamang ng pagmamahal. Dahil ang totoong pagmamahal ay maraming kinakailangang gawing sakripisyo. Yes, pwede tayong tumulong kahit hindi tayo nagmamahal pero ang tawag dun ay kawang-gawa or social works lamang. Ang totoo, hindi tayo kailanman pwedeng magmahal ng hindi tayo gumagawa ng mabuti sa ating kapwa. Kabalintunaan iyon.
Ganun ang Diyos, marami siyang isinakripisyo dahil sa pagmamahal niya para sa atin. Siya ang unang nagmahal. Siya ang unang nagpatawad. Siya din ang unang nag-alay ng buhay sa krus para sa atin. Ito yung kabuuan ng grasya na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Sapagkat ang plano niya para sa atin ay ang makasama niya tayo sa kanyang kaharian sa buhay na walang hanggan.
Sinasabi ng parabula na ito na walang limitasyon ang pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat. Hindi niya ito ipinagkakait kahit pa sa mga pinakamahirap mahalin at unawain. As long na tumugon ang sinuman sa tawag ng Diyos... gaano man katagal o kahuli ang pagtugon na ito, para sa Diyos ang pagsunod natin sa kanya ay sapat na upang makamit natin ang buhay na walang hanggan kapiling niya.
Mahirap bang ma-visualize na ang kaaway mo ay makakasama ng Diyos sa kanyang kaharian? Kung sa assessment mo ay hindi siya karapat-dapat, huwag tayong magpadala agad-agad sa ating personal judgment dahil hindi nagsasawa si God na baguhin ang bawat isa sa atin sa bawat araw. Ika nga, 'Grace abounds, where sins abound.'
Sa halip na mainggit at mag-feeling insecure, nais ng Diyos na gayahin natin ang kanyang identity na mapagmahal. Gusto ng Diyos na mas lalo pa natin siyang makilala upang ang kanyang wisdom ay maarok ng kahit na limitado nating pag-unawa.
===
Sanggunian (References):
1.IBreviary (for the Daily Readings)
2.The Jerome Biblical Commentary
3.William Barclay’s Daily Study Bible (Commentary)

No comments: