Monday, July 23, 2012
Ulan
Malakas ang ulan. Sumilong ako sa waiting shade kaninang umaga. Isang matandang lalaki ang naabutan ko doon habang naghihintay tumila ang ulan. Naka-shades pa nga at may dala siyang bulaklak. Sabi ko, "Okay yan manong, a. Anniversary?"
Sumagot naman siya, "Hindi, next month pa. Pero, ibibigay ko pa rin kay misis."
"Ha? Bakit? May kasalanan ba kayo? Guilty?" usyoso ko, pero pa-joke.
"Kasi naman si misis e kanina pa ako inaantay. Malamang may luto nang ulam iyon. Malakas ang ulan, sobrang late na nga ako. Yun pa naman, hindi kakain kapag wala ako. Parang dala ko ang kaldero." Natawa si Manong.
"At your age manong? Ang sweet naman," sabi ko.
"Oo, lagi akong kini-kiss, hina-hug, laging pinupunasan ako ng pawis...."
"At sinasabihan kayo ng 'I love you?" usisa ko.
"Hindi e..."
"Bakit?" Tanong ko.
"Pipi kasi siya..."
"Aaaa...," ang tanging nausal ko na lamang dahil medyo nag-loading ang utak ko dahil pagkamangha ko.
Mamaya-maya may matandang babaeng dumating... may dalang payong. Hinalikan nya si Manong at sabay ini-hug. May dala siyang twalya pinunasan ang matanda. Malamang ito ang asawa niya.
"Binigay ni Manong ang pulang rosas."
Sabi ko sa sarili, 'eto na nga ang asawa niya.' Pero nangealam uli ako. Binulong ko kay Manong, "Manong wala man lang siyang sinabi na 'I love you?' sa iyo?"
"A, kasi pipi rin siya." Natawa si manong, nang ngumiti si Misis ay natawa na rin ako.
"Sige Bro, una kami."
Lalo akong nabigla nung inakay ng matandang babae ang ang matandang lalaki, bulag pala siya. Nawala ang aking pagtawa, napalitan ng paghanga. Maya-maya ay naiyak na lamang ako habang pinagmamasdan ko silang magkaakbay na papalayo sa aking harapan.
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS