Monday, November 14, 2011

Kamay ng Manlilikha


Kaluluwa't
Pinagbasag-basag na pagkatao
Kung saan lumigwak
Pusali ng nakaraan

Isa-isang hinugasan
Bawat bubog na nakakasugat
Upang pagtagni-tagniin
At maging kristal na may lamat

Muling binigyang buhay
Nang pinagpalang kamay
Ang nabasag na kaluluwa
At nabuong pagkatao

Pinuno ng pagmamahal
Upang muling maging daluyan
Nang pag-ibig at pag-asa
Mula sa Manlilikha...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: