Monday, November 14, 2011

Tamang Hinala



Akala mo lang ay pangit
Pero kapag iniisa-isa mo
Ang lahat ng detalye
Nang aking inibig
Na namataan ng aking puso
Na iyong pinipintasan
Mararamdaman mo ang ganda
At hahanga ka sa nasumpungan
Gamit ang aking mga mata...

Akala mo lang 'boring'
Na walang saysay ang lumilipas na oras
Sa walang hanggang paghihintay
Para sa isang tao na aking minamahal
Na hindi naman sa akin nagmamahal...

Subalit kapag ikaw ang nasa aking kalagayan
Mararamdaman mo ang kasiyahan
Kapag siya ay malapit sa aking tabi
Habang ang buong kalamnan ko ay ninenerbyos
Dahilan upang hindi ko masabi ng diretso
Sa kanya ang nararamdaman ng aking puso...

Ikaw lang naman ang nagsasabing wala siyang halaga
Na ako ay hindi nararapat para sa kanya
Maaaring, oo, para sa iyo
Pero para sa akin, ito ay hindi totoo...

Ilang beses na akong nagpapasaring sa iyo
Subalit hindi mo iniintindi ang aking damdamin
Wala kang tiyagang pakinggan ang aking mga kwento
Tungkol sa isang taong pinakamamahal ko
Hindi mo man lamang ako binigyan ng pagkakataon
Upang ipagtapat ang katotohanan
Upang masabi ko ang pangalan ng pinaka-iibig ko
Upang aminin ko sa iyo ng harap-harapan
Na ikaw ang taong nasa kwento ko
Ang taong tangi kong minahal sa aking buhay
Na lagi mong pinipintasan
Upang sarili mo ay iangat
Dahilan upang ako ay masaktan....




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: