Saturday, November 19, 2011

Pag-susumamo



Kahit anong mangyari
Narito lang ako sa iyong tabi
Tahimik na sa iyo'y nagmamasid
Naghihintay sa iyong pagbabalik

Alam kong hindi ito lingid sa iyo
Sapagkat nararamdaman mo sa iyong puso
Ang nag-aalab na puso ko
Na nagsusumamo sa pagmamahal mo

Tawagin mo ako sa gitna ng iyong dilim
Darating ako upang ikaw ay aluin
Lahat ng bigat sa iyong puso't damdamin
Hahawiing lahat ng aking pag-ibig...




===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: