Minsan kapag tayo ay nagmahal
Ang minamahal pala natin sa ating kapwa
Ay ang ang repleksyon (reflection) ng ating sarili lamang
At kapag napukaw ito
Naglalaho na rin ang pagmamahal
Sa isang iglap ng kabalintunaan...
Hindi tayo nanghihinayang
Sa pag-ibig na dalisay na sa atin ay inialay
Na ating isinusuko
Dahil lamang sa ating pagkamaka-sarili
Sayang ang mga luhang sa atin ay inii-iyak
Kung ang ating puso ay hindi tapat
Kaylan man ay hindi tayo nararapat mahalin
Sapagkat hindi tayo marunong umibig...
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
No comments:
Post a Comment