Tuesday, July 31, 2012

Tamang Hinala (Gossip)



Gusto sana kitang pasayahin

Kagaya ng dati
Kung kailan sabay nating tinatawanan
Ang mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay

Gusto ko sanang ibalik ang dati
Kung kailan tayo ay nag-aasaran
Hanggang sa magkapikunan
Na malimit ay nauuwi
Sa wagas na iyakan

Wala mang ka-torya-torya
Ang mga simpleng dahilan ng ating kaligayahan
Ang mga kwentuhang ito
Ang nagpalalim ng ating samahan

Narinig natin ang ating kapwa-buhay
Na nagpupumilit makipagtagisan
Sa unos ng ating buhay
Magkaiba man malimit ng pinanghahawakan sa buhay
Ano pa't ang mga prinsipyong ito
Ang nagpalalim sa ating pagkakakilanlan

Subalit...

May mga taingang nakikinig
Mga mga matang nakatingin
Nais man kitang saluhan sa iyong pangungulila
Hindi ko magawa
Dahil ang mga tainga at mga matang ito
Ang nananaig na katotohanan
Sa kabila ng kabulaanan

Kung sakaling hindi na kita kibuin
Hayaan mo lamang ako
Hindi ako lumalayo
Dahil pansamantala...
Sapat na muna ang mga ala-ala
Pag-unawa at pagpaparaya
Upang ang katotohanan
Ay mabunyag
At mgangibabaw sa maling hinala



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS


Sunday, July 29, 2012

Buhay-buhay



mahiwaga talaga ang buhay
kahit araw-araw ko siyang pagnilayan
lagi pa ring may sisibul at sisibol
na pagpapakahulugan upang magmahal




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

So Special

(On Special Children)



They have a silent world
A world without worries
Where everyday is a thanksgiving
For life and for all

I believe inside their world
Angels make them laugh all day
Where when they cry, God cries with them
And hug them all day long

In their eyes, I see God fully alive
For they are the meek and humble witnesses of our time
In their littleness they chose to love God
More than I would sacrifice, more than I would love.






Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, July 28, 2012

Life




child: (crying) my classmates tease me that i have no mommy. see, she's not here in our pictures when i was a baby!
father: don't cry my child, your mom is the one who took all the photos.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Ang Puno-- Part II

PART II:

lumipas ang mahabang mga dekada
namatay na may-ari ng puno
wala na sa kanyang nag-alaga
hanggang isang araw
ginambala ang katahimikan ng kagubatan
ng maingay na tunog ng 'chainsaw' at palakol

takot na takot ang ibang puno
subalit hindi ang puno na laging nananabik
na muling makita ang bata
na nagsulat ng kanyang pangalan
sa kanyang malaking sanga

sa matagal na panahon ng kanyang pangungulila
wala na siyang dahilan upang lumigaya
hanggang sa maramdaman niya
ang sobrang sakit ng paghiwa ng lagari sa kanyang tagiliran
hanggang sa huling hininga niya
nakita nya ang kanyang sarili
bumagsak patungo sa kanyang malagim na kamatayan
Isa lang ang dinasal niya
'Sana mayakap ko ang batang nagpasaya sa akin.'

Mula sa kabundukan
Pinadausdos siya patungo sa pampang
Pinaanod siya sa ilog na patungo sa syudad
Hanggang mapasakamay siya ng Dakilang Manlilikha

Narinig ng anluwage (carpenter) ang panalangin ng puno
Bibigyan kita ng bagong buhay ng ayon sa iyong kalooban
Kung saan ang pangalan ng batang iyong inaasam
Ay iyong makakayakap hanggang sa walang hanggan

Siya ay ginawang kabaong ng Dakilang Manlilikha
Kung saan sa kanya inihimlay ang bangkay ng batang pinanabikan niya
Ang batang nagbigay sa kanya ng dahilan upang tumawa
At humalakhak ng buong puso at kaluluwa.

['Dolphy Quizon' ang pangalan na isinulat ng bata sa malaking sanga ng puno]




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Si Muymoy at RH Bill

muymoy: tay! pabor po ba kayo sa RH bill?
tatay: anak, kahit na no-read, no write ako, e hindi ako papabor dyan. kahit nauso pa iyan nuong bagong kasal pa lang kami ng nanay mo.
muymoy: bakit po?
nanay: (niyakap si muymoy) e di wala sana kaming malambing na bunso na ang pangalan ay muymoy.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Adventures ni Scout Muymoy

muymoy: hindi ko ipapakita ang CARD ko sa tatay at nanay ko.
classmate: oo nga, baka sila ma-CARDiac arrest, puro bagsak o!
muymoy: tulungan mo naman ako pards. gawan mo ng paraan kailangang may maipasa ako kahit isa man lang na subject.
(maya-maya)
classmate: o ayan okay na.
(pinakita ni muymoy ang card kay tatay, after 1 hour na kakatingin at buntong hininga.)
tatay: basahin mo nga honey, nakalimutan kong hindi pala ako marunong magbasa.
nanay: aba! grade 1 ka pa lang e parang may law subject na ata kayo? RECESS... 100!
tatay: aba! tuwing kelan ba ang hearing? maka-attend nga!
(namutla si muymoy)
muymoy: bad trip talaga si classmate! ipinahamak pa ako!

Sir Silo-- Teacher ni Scout Muymoy

sir silo: pare, ang hirap ng ginawa kong exam sa mga bata.
sir denmar: mukha nga pare, e... kahit ikaw e hindi mo masagutan.




Br. Dennis DC. Marquez, SSS

Reklamo

muymoy: tatay naman! ang hirap mag-aral, nakaka-kalyo ng kamay magsulat.
tatay: anak ka naman ng teteng. lapis pa nga lang ang binubuhat mo, nagre-reklamo ka na! ikaw kaya ang magkargador sa palengke at ako ang mag-aaral!
nanay: hep! hep! hep! kung mag-aaral ka e dapat kasama ako!
tatay: at bakit naman?
nanay: e kung mag-iiyak ka sa loob ng class room!
muymoy: ang hirap talaga magpalaki ng magulang!




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pag-aaral ni Scout Muymoy

muymoy: bakit ba naman kasi kailangan pang mag-aral!
teacher: para malaman mo ang sagot kapag nakatapos ka.




Br. Dennis DC. Marquez, SSS

Monday, July 23, 2012

Ulan



Malakas ang ulan. Sumilong ako sa waiting shade kaninang umaga. Isang matandang lalaki ang naabutan ko doon habang naghihintay tumila ang ulan. Naka-shades pa nga at may dala siyang bulaklak. Sabi ko, "Okay yan manong, a. Anniversary?"
Sumagot naman siya, "Hindi, next month pa. Pero, ibibigay ko pa rin kay misis."
"Ha? Bakit? May kasalanan ba kayo? Guilty?" usyoso ko, pero pa-joke.
"Kasi naman si misis e kanina pa ako inaantay. Malamang may luto nang ulam iyon. Malakas ang ulan, sobrang late na nga ako. Yun pa naman, hindi kakain kapag wala ako. Parang dala ko ang kaldero." Natawa si Manong.
"At your age manong? Ang sweet naman," sabi ko.
"Oo, lagi akong kini-kiss, hina-hug, laging pinupunasan ako ng pawis...."
"At sinasabihan kayo ng 'I love you?" usisa ko.
"Hindi e..."
"Bakit?" Tanong ko.
"Pipi kasi siya..."
"Aaaa...," ang tanging nausal ko na lamang dahil medyo nag-loading ang utak ko dahil pagkamangha ko.

Mamaya-maya may matandang babaeng dumating... may dalang payong. Hinalikan nya si Manong at sabay ini-hug. May dala siyang twalya pinunasan ang matanda. Malamang ito ang asawa niya.
"Binigay ni Manong ang pulang rosas."
Sabi ko sa sarili, 'eto na nga ang asawa niya.' Pero nangealam uli ako. Binulong ko kay Manong, "Manong wala man lang siyang sinabi na 'I love you?' sa iyo?"
"A, kasi pipi rin siya." Natawa si manong, nang ngumiti si Misis ay natawa na rin ako.
"Sige Bro, una kami."
Lalo akong nabigla nung inakay ng matandang babae ang ang matandang lalaki, bulag pala siya. Nawala ang aking pagtawa, napalitan ng paghanga. Maya-maya ay naiyak na lamang ako habang pinagmamasdan ko silang magkaakbay na papalayo sa aking harapan.



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, July 20, 2012

mt 12: 14-21


Humility, sincerity and love… these are the values that I reflected from Jesus’ healing ministry.

Humility in the sense that there is no need for me to brag about my good deeds to others; sincerity in the sense that I ought to practice my generosity as a way of my life; and love for me to give myself to God and to serve the people he loves so much.

The Pharisees failed to realize that Jesus is the Son of God. Instead, all of Jesus’ good deeds were misinterpreted by them. The Pharisees were blinded to understand the message and the actions of Jesus because they let their selves to dwell in severe jealousy. This jealousy blinded them to understand Jesus. With their anger and pride, they failed to show compassion and they failed to love the poor and the sick people who were really in need.

Sometimes in my life, I am like a Pharisee. I am blinded by so many hindrances to love others. With these hindrances—pride, jealousy at ‘pagiging matampuhin,’ I usually misinterpret the good actions of other people. They become my stumbling blocks that hindered me to love others, most specially, my brothers. Sometimes, I failed to see Jesus in the eyes of my very own brothers. It is only through the help of the community that I could improve myself.

I am a wounded person. Wounded by my past. But despite of my woundedness, I would like to imitate Jesus, the wounded-healer to be a healer to others. I am praying that with humility, sincerity and love… we could see Jesus Christ in the eyes of one another. That with humility, sincerity and love… we could be wounded-healers to one another. Amen.

Friday, July 13, 2012

Pagbabalik Tanaw


Sa ilang taon ko sa formation, masasabi ko na ang bawat bokasyon ay espesyal. Kahit na masasabi kong masalimuot ang aking vocation story dahil puno ito ng kalungkutan at pagkabigo, hindi ko maaari itong ikumpara sa vocation story ng iba na puno ng kasiyahan at puno ng kulay. Ang simpleng sagot lamang sa mga bagay na hindi ko maunawaan e ang katagang “Dyos na ang bahala.” Nung tinawag nya ako, “Siya na ang bahala.” Nang tumugon ako sa kanya, “Siya na ang bahala.”`Kapag may problema sa formation… magmula sa issue ko sa aking buhay, mga problema sa aking pamilya, hanggang sa mga exam na hindi ko masagot-sagutan sa pag-aaral, lagi ko na lang sinasabi ang katagang, “Bahala na ang Dyos.” “May awa din ang Dyos.” “Dyos na ang bahala.”

Basta ginagawa ko ang buo kong makakaya at kung ano ang hindi ko magagawa e "Diyos na ang bahala."

Malimit:
Sinasabi ng isip ko
na pagod na ako
Subalit sinasabi ng puso ko
Na kailangan kong magmahal

Sa matagal ko nang pakikipag-ulayaw sa Banal na Sakramento, maraming bagay akong napag-tanto. Ito yung mga bagay-bagay na naging malinaw para sa akin upang maunawaan ko ang aking ngayon. Naunawaan ko na kailangan palang mayroon akong isuko upang makilala ko ang Dyos. Na kailangang mayroon akong iwan upang mapalapit ako sa Diyos. At kailangang yakapin ko ang Diyos ng buong-buo upang ibigin ko ang Dyos.

Ang Diyos ang una sa aking nagmahal. Kung nasaktan man ako, nasaktan din Siya ng ialay Nya ang kanyang sarili para sa aking mga kasalanan. Hindi lang ako ang sugatan, maging si Hesus ay nasugatan at nasaktan.

Sa kinalalagyan at katatayuan ko, malinaw sa akin na ang lahat ng ito ay pagbabakasakali lamang. Malimit, maraming pagsubok at maraming pagkabasag ng pagkatao. Subalit sa dulo ng lahat ng ito, hindi ko man lubos na maunawaan sa ngayon ang mga bagay na nangyayari akin ay nasasalamin ko sa mga pangyayari ang aking dalisay na pananalig. Pananalig na may magandang mangyayari matapos ng mga pagsubok sa aking buhay, pananalig na mayroong mangyayaring biyaya matapos ang mga kabiguan na aking kinakasadlakan at pananalig na mayroong pagpapala na kung hindi man maipagkaloob sa akin ang mga hinihiling ng aking puso ay laging mayroon mas magandang kalooban para sa akin ang Diyos. Nagbabakasakali man ako, nanalig ako na mayroong magandang mangyayari ayon sa ninanasa ng Dyos.

Naunawaan ko na kinakailangang bitiwan ko ng buong pagtitiwala ang lahat ng mga dala-dalahin ko sa aking buhay upang ganap akong makakapit sa Dakilang Lumikha. Kung saan man patutungo ang aking paglalakbay, hahayaan ko lamang ang kamay ng Diyos Ama ang gumabay sa akin. Katulad ng mga ibon sa himpapawid, mananalig ako ng buong puso. Mananatili ako kung saan Niya ako tawagin. Pipilitin kong manatiling tapat sa kabila ng unos at ligalig.

Bilang isang ordinaryong tao, aaminin ko, sa edad kong ito, napapagod din ako. Subalit sa piling ng Diyos, ang nagiging kapahingahan ko ay ang magmahal at wala nang iba.





===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, July 12, 2012

Ang Puno


may isang puno sa gitna ng kagubatan
mahal na mahal siya ng nag-aalaga sa kanya
kung kaya wala sa kanyang nakakalapit

isang araw nung wala ang may-ari
may batang naligaw sa kanyang kinalalagyan
gutom ang bata kung kaya kinuha niya ang mga bunga nito
"ang sarap ng bunga" sabi niya
naglaro siya sa malilim na paligid ng puno
at nung napagod ang bata
natulog siya habang idinuduyan sa malalaking sanga ng puno

dumating ang may ari
nagalit siya ng makita ang bata
pinalayas niya ito at sinabi sa puno
"ayan matahimik ka na uli, wala nang gugulo sa iyo."

umiyak ang puno
tinanong siya ng may-ari kung bakit
sumagot ang puno
malungkot niyang sinabi...
"kasi tinanggalan mo ako ng dahilan
upang ako ay mabuhay ng maligaya..."


====

PART II:

lumipas ang mahabang mga dekada
namatay na may-ari ng puno
wala na sa kanyang nag-alaga
hanggang isang araw
ginambala ang katahimikan ng kagubatan
ng maingay na tunog ng 'chainsaw' at palakol

takot na takot ang ibang puno
subalit hindi ang puno na laging nananabik
na muling makita ang bata
na nagsulat ng kanyang pangalan
sa kanyang malaking sanga

sa matagal na panahon ng kanyang pangungulila
wala na siyang dahilan upang lumigaya
hanggang sa maramdaman niya
ang sobrang sakit ng paghiwa ng lagari sa kanyang tagiliran
hanggang sa huling hininga niya
nakita nya ang kanyang sarili
bumagsak patungo sa kanyang malagim na kamatayan
Isa lang ang dinasal niya
'Sana mayakap ko ang batang nagpasaya sa akin.'

Mula sa kabundukan
Pinadausdos siya patungo sa pampang
Pinaanod siya sa ilog na patungo sa syudad
Hanggang mapasakamay siya ng Dakilang Manlilikha

Narinig ng anluwage (carpenter) ang panalangin ng puno
Bibigyan kita ng bagong buhay ng ayon sa iyong kalooban
Kung saan ang pangalan ng batang iyong inaasam
Ay iyong makakayakap hanggang sa walang hanggan

Siya ay ginawang kabaong ng Dakilang Manlilikha
Kung saan sa kanya inihimlay ang bangkay ng batang pinanabikan niya
Ang batang nagbigay sa kanya ng dahilan upang tumawa
At humalakhak ng buong puso at kaluluwa.

['Dolphy Quizon' ang pangalan na isinulat ng bata sa malaking sanga ng puno]




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Tuesday, July 10, 2012

Birthdays

Congregation of the Blessed Sacrament
Province of Our Lady of the Assumption
Philippines

AUGUST BIRTH DAY CELEBRANTS

DATE NAME COMMUNITY
6 Fr. Allen La salle
11 Fr Dannen Davao
21 Fr. Zaldy Eymard Formation Center
24 Sr. Gorgonia USA
29 Fr. Mark Hawaii/Sta. Cruz
29 Br. Mark Divine Eymard Formation Center

Holy Trinity in the Holy Blessed Sacrament


now i see the Holy Trinity in the Holy Blessed Sacrament
The Father, the Son and the Holy Spirit
Jesus, the Bread of Life given by the God the Father
made present in our midst by the Holy Spirit.




Br. Dennis DC. Marquez, SSS

Sunday, July 8, 2012

Katawan ni Kristo



Tinatanggap ko ang komunyong ito
At ibinabahagi ko sa iba
Sa pamamagitan ng panalangin
At pakikiisa sa kanila
Lakip ko sa aking panalangin
Ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob
Mula sa Iyong
Pag-aalay ng sarili.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, July 7, 2012

Panalangin


Panginoon
Ikaw nawa na ang aking maging kamay
Upang mahawakan ko
Ang taong minamahal ko
Na malayo ngayon sa aking piling
Na ngayon ay nagdurusa
Nag-iisa
At nangungulila

Samahan mo nawa siya
Sa lahat ng kanyang pinagdadaanan
Ihatid mo sa kanyang pisngi
Ang aking halik ng pag-asa
Upang ipaalala lagi sa kanya
Na hindi siya nag-iisa. Amen.



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pag-asa


Panginoon
Bigyan mo po ako ng dahilan
Sa araw na ito
Upang tumawa at humalakhak
Upang manatiling umaasa
Upang manatiling masaya



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pag-asa


Hindi tayo mahahadlangan
Ng hindi natin kayang gawin
Sapagkat nananatili tayong aasa
Sa mga kaya nating gawin





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pagmamahal



Sinasabi ng isip ko na pagod na ako
Subalit
Sinasabi ng puso ko
Na kailangan kong magmahal




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Opening-up



Open the door...

Jesus Christ is outside
knocking for us to open the closed door
of our weary hearts.



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Personhood


our personhood
is tested
through the chaos
we met along the way
of our daily and simlple lives




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pangamba



Iba-iba ang anyo ng paghihirap
Ng pagdurusa o agam-agam
Kailangang gamitin natin ang ating puso
Upang tumugon sa bawat sitwasyon
Na nasa ibat-ibang anyo
Na nasa iba't-ibang pagkakataon.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Hope


Our midst is a call for us to be saints
Wherever we are
There will be always a chance for us--
to be generous to give
to receive as an act of humility
to serve when we are strong

and in the silence when we are sick--
to pray for those who provide
and to share with God
our life's suffering
as we embrace the pains of the cross
which Christ bears for us all




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Dahilan


Minsan
Hindi naman tayo nabubuhay
Dahil sa gusto lang natin
Kasi mayroon tayong nakikitang magandang dahilan
Isang inspirasyon para sa atin
Upang manatiling buhay

Paano kung wala na tayong dahilan
Upang mabuhay pa sa daigdig
Dahil ang buong pag-aakala natin
Ay wala na tayong maaari gawin pa
Nang kahit anong ikabubuti
Sa halip
Ang gawin na lamang natin
Ay huwag na lamang mag-isip ng hindi makakabuti
Laban sa ating kapwa
Laban sa ating sarili





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Obrero


May mga tao
Na nag-uubos ng lakas…
Ng kabataan
Ng talino
At buong kakayahan
Para lamang
Sa isang pagawaan
Na hindi nagmamalasakit
O rumerespeto
Sa kanya

Wala na kasing matakbuhan
Kung kaya
Hinahayaan na lamang nya ang kanyang sarili
Na gamitin na parang makinang de-susi
Kahit na inaabuso na
Ang kanyang karapatan
Na ituring siyang tao

At ngayon
Matapos ang matagal na panahon
Kagaya ng isang bateryang diskargado
O isang pyesa ng sasakyang tumirik na
Kinakailangan na siyang kalasin
Sa sistemang natutunan nyang mahalin
At itapon ng walang pakundangan
Sa basurahan
Kung saan sinasabi sa kanya
Na siya ay wala nang silbi

Kung saan
Lahat sa kanya ay wala na
Sapagkat bago siya pakawalan
Sinaid muna ang lahat ng kanyang lakas
Hanggang sa pinahuli-hulihang patak ng dugo
Na nagsilbing langis na nagpapaandar
Sa lahat ng makina ng dambuhalang industriya

Bagkus ang itinira sa kanya
Ay ang lupaypay nyang katawan
Mga namamagang kalamnan
Na binugbog ng sobrang pagod
Mga nagsabugang ugat
At katawang hindi na makuhang igalaw
Pagkat manhid na at laspag na laspag

Pinabaunan siya sa huli ng limos
Na sapat lamang upang maigapang
Ang ilang araw na gamutan
Sa sakit na wala nang kagalingan
Sakit na nagmula sa usok ng turbina
Na dumaloy na parang nakakasulasok na lason
Sa baga at himaymay ng kalamnan

Walang pagmamalasakit
Walang pagmamahal
Kung mayron mang magtapon ng pansin
Sa pobreng ordinaryong obrero
Ang kanyang talambuhay
Ay pagkakakitaan pa rin
At aabusuhin ng paulit-ulit
Hanggang sa kanyang kamatayan
Ililibing ng walang dangal
Hanggang sa malimot
Ng industriya at nang sangkatauhan.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Paghinga



Kapag ikaw ay naghinga
At tumanggap ng payo mula sa iba
Hindi man tuluyang nawawala ang problema
Subalit nababago naman ang ating pagtingin sa mga bagay-bagay
Kung saan higit na lumiliwanag
Ang mga dating hindi natin maunawaan





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Misyon


Lahat naman tayo
Ay may gustong gawin
Sa mundong ating ginagalawan
Ang misyong ito
Na bahagi ng ating buhay
Ang nagiging dahilan natin
Upang tayo ay mabuhay

Gaano man ito kahirap
O sabihin na lang natin
Gaano may ito ka-simple
Sa mata ng ibang tumitingin
Ito iyong niyakap natin
Dahil ito ang pinaniniwalaan natin

Ito ang pagkaunawa natin
Sa kahulugan ng buhay
Karangalan ang ating pamantayan
Kakayanan ang ating sukatan
Kayamanan ang ating pinanghahawakan
Kung kaya buong buhay natin
Ito ang ating inaasam
Ito ang ginawa nating dahilan
Upang magpunyagi
Upang manatiling buhay

Subalit kailangang harapin ang katotohanan
Na hindi tayo mabubuhay kailanman
Na kailangan ding dumating tayo sa pagkakataon
Na kailangan nating isuko ang ating buhay
Na gaano man kalaki ang ating salapi
Ang lahat ng ating mga nakamit na karangalan
Ay iiwan din natin sa dingding na ating pinagpakuan

Hindi natin masisisi ang ating sarili
Kung bakit tayo ganito
Kung bakit lagi tayo ay punung-puno ng pag-aalala
Kung bakit tayo ay laging binabalot ng takot
Sapagkat ito ang naging pagkakakilala natin sa mundo
Kung saan nag-uugat ang lahat ng ito
Mula sa ating nakaraan
Na maaaring mapait
Na ayaw nating bitiwan
Mula sa nakaraang
Masasabi nating madilim
Na hindi natin matakas-takasan

Subalit hindi naman lahat
Mula sa ating nakaraan
Ay malagim at nakakarimarim
Hindi naman lahat sa atin ay nagdamot
Hindi naman buhat sa ating nakaraan
Ay nagdulot sa atin ng kapighatian
Dahil mayroon din naman sa ating nagmalasakit
Mula sa mga ordinaryong tao na ating nakasalamuha
Na hindi naghangad ng kapalit
Sa kanilang pagmamahal at pagbibigay

Buong buhay natin
Pinangarap nating maghiganti
Sa pamamagitan ng pagkamit ng mga bagay
Na ating pinanabikan
At nung makuha natin ito
Hindi pa rin tayo nasiyahan
Dangang agawin pa rin natin
Ang natitirang bahagi para sa ating kapwa
Dahil nakaramdam tayo ng kaligayahan
Mula sa kawalan ng iba

Mula sa pagkaganid
Natuto nating yakapin ang kapangyarihan
Na nakakalasing
Na nakakabulag
Na nakakahibang

Ang ating pangamba ay napalitan ng pagkamuhi
Pagkamuhing balikan ang ating nakaraan
Kung kaya nais nating ikubli ito
Sa kapangyarihang kinakapitan natin

Akala natin
Ito ang kahulugan ng buhay
Akala natin
Ito ang pamantayan ng buhay
Akala natin
Ito ang patutunguhan ng buhay
Dahil ito ang niyakap nating misyon
Dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kaligayahan
Nang katuwaan
Nang lakas
Nang dahilan
Upang makatakas
Sa kahinaan ng ating pagkatao
At kalungkutan ng ating kaluluwa
Na ating ikinukubli
Sa ating mga pinanghahawakan



Wala tayong panahon sa iba
Dahil wala tayong minahal
Kundi ang ating mga sarili
Mula sa ating natamasa
Sinukat natin ang ating kapwa
Wala tayong kinakapitang iba
Dahil akala natin
Habang buhay tayong malakas
Hanggang isang araw
Makikita natin ang ating mga sarili
Na malulugmok sa banig ng karamdaman

Lahat ng ating pinagsikapan
Kulang pa palang panduktong ng ating buhay
Mababatid natin
Na may mga bagay pala
Na hindi kayang bilhin ang pera
Maaaring kapag tayo ay nagkasakit
Mao-ospital tayo sa pinakamagandang institusyon
Pero aalagaan tayo
Hindi dahil sa pagmamahal
Kundi dahil sa ating ibabayad

Maaring nabili natin
Ang pinakamaganda at pinakamamahaling ataul (coffin)
Mabayaran natin ang pinakamahal na serbisyo
Nang alinmang sikat na punerarya (funeral parlor)
Subalit ano ang mayroon
Sa pagkatapos ng ating kamatayan?
Dahil hindi ito ang wakas
Dahil ito ang simula lamang
Saan patutungo ang ating kaluluwa?
Nagbabagang apoy lamang ba ang lalamon dito
Ano ang ihaharap natin sa Dakilang Lumikha
Kung wala tayong naibahagi sa ating kapwa
Mula sa pagpapalang ipinagkaloob niya


Kung iisipin natin
Habang tayo ay pinagpapala
Lumalalaki rin ang pananagutan natin
Sa Dyos na nagbigay sa atin ng lahat ng ito
Kung paano natin ginamit ang ating talino
Kakayanan, lakas at kabataan
Kung paano natin ito naunawaan
Ay ganun din ang ating pagkakakilala
Sa Dyos na nagbigay sa atin ng lahat ng ito
Na maaari nating hindi pinahalagahan
Ating kinalimutan
O tuluyang itinatwa

Kinakailangan pa ba
Na mamatay tayo
Upang maniwala tayo
Sa mga bagay na hindi natin kayang tanggapin?
Kung kailan mabubunyag sa atin
Doon sa kabilang buhay
Na may Diyos na buhay na mangingibig
Na una sa ating nagmahal?

Dahil sa kabilang buhay
Mabubunyag sa atin ang lahat ng katotohanan
Na pawang kasagutan
Sa lahat ng katanungan
Kung saan natin inuubos
Ang lahat ng ating lakas
Kung kailan mauunawaan natin
Na ang ating pinagkakaabalahan
Na naglayo sa tao upang umibig sa Dyos
Ay mga kabulaanan
Na ating pinapatotohanan

Pinilit kasi nating isipin ang lahat ng bagay
Itinampok natin
Ang ating pag-iisip bilang tao
Sa kapamaraanan ng Panginoon
Na nagbigay sa atin ng katwiran
Upang itaas natin ang ating sarili
At hangaan tayo ng sangkatauhan
Ang ating inaakalang talino
Bilang diyos-diyosan
Na kasamba-samba

Ginamit natin ang ating talino
Upang gumawa ng himig at musika
Na magtuturo ng galit sa tao laban sa Dyos
Ginamit natin ang ating pamimilosopiya
Upang pabulaanan na may umiiral na Dyos
Na nagmamahal at namamatnubay
Ginamit natin ang ating kapangyarihan
Upang gutumin at apihin
Ang mga mababang (poor) inibig ng Panginoon

At kahit na makamit natin ang lahat ng ito
Sa bandang huli
Sa dulo ng ating kawalang kasiyahan
Nabatid natin na tayo ay mag-isa pa rin
Na wala palang kasiyahan
Sa mga pinanghahawakan natin

Kung kailan natanggap natin
Na ang niyakap natin ay hindi ang kahulugan ng buhay
Matapos nating abusuhin ang biyayang ating nakamtan
Saka natin sasabihin
Na tayo ay pinabayaan ng Dyos
Na tayo ay iniwan ng Dyos
Na hindi tayo inibig ng Dyos

Makikita natin na mas mapala pa pala
Ang mga ipinagtabuyan nating mahihirap
Sila na nagdurusa mula sa mga pang-aapi at ating panlilibak
Sila na may mga ordinaryong buhay
Na kahit walang masilungang bubong
Ay palaging nakukuhang magpasalamat
Sa kakarampot na biyaya
Na napupulot nila
Mula sa iyong mapag-imbot na basurahan
Matatanaw mo mula sa iyong mamahaling bintana
Sila na kahabag-habag
Na sa kabila ng pagtulog kahit na kumakalam ang sikmura
Sa isang bangketa na walang kumot o maging bubong
Habang dinadaan-daanan ng iba't-ibang magagarang sasakyan
Naroon ang anghel ng Dyos
Kapiling nya
Ipinaghehele siya
Habang siya ay natutulog

Subalit...
Mahal din ng Diyos ang gaya nating makasalanan
Walang dahilan upang isipin nating iniwan tayo ng Dyos
Dahil ang bawat araw na ipinagkakaloob Niya sa atin
Ay ang mga araw na magbibigay sa atin ng pagkakataon
Upang magsisi at magbago
Buhat sa ating mga pagkukulang
Buhat sa ating mga pagkakamali

Ang Diyos ay mapagpatawad
Wala tayong dahilan upang mangamba
Ano man ang ating nagawa
Kapag tayo ay nagbalik-loob
At isinuko natin ang ating buhay sa kanya
Makakasa tayo
Na tayo ay mamamahalin Nya
Nang buong puso at pagpapatawad

Hayaan natin Siyang maghari sa ating mga puso
Gamitin natin ang ating mga natitirang sandali
Upang makita natin ang Diyos sa ating mga nangangailangang kapwa
Mula sa atin
Ibahagi natin ang Diyos na ating nasilayan
Isang Diyos na mapagbigay
Isang Diyos na mapagpala
Isang Diyos na mapagpatawad

Tayo ay minahal
Ang ating pangalan
Ay hindi kaylan man nawaglit sa palad ng Ama
Kasa-kasama natin Siya sa buhay natin bawat saglit
Kung kaya alam Niya
Kung gaano tayo nasasaktan

Mayroon pang panahon upang magbago
Hindi pa huli ang lahat
Mula sa kadilimang ating binabagtas
Paroroon din tayo isang araw
Sa kaliwanagang
Dyos ang patutunguhan
Kung saan mauunawaan natin
Mula sa ating pagbibigay sa ating kapwa
At pagbabahagi ng ating buhay sa kanila
Naroon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay
Mula sa kanila na kapus-palad
Mapupuno tayo ng pagmamahal
Na nagmumula
Sa Dakilang Lumikha

Ito ang ariin nating misyon
Kung saan hindi na natin kailangan pang lumayo
Upang hanapin ang Dyos
Dahil narito na sa ating harapan Dyos
Kumakatok sa ating harapan
Nanghihingi ng kaunting habag
Nanlilimos kahit na karampot na pagmamahal.





Br. Dennis DC. Marquez



















Friday, July 6, 2012

Matthew 9:14-17



It is given that the Jews, including the Pharisees are all waiting for the Messiah. They fail to realize that Jesus is the one who they are waiting for. But the disciples whom Jesus called allow their selves to follow Jesus and believe with their whole heart giving them reason to rejoice, to celebrate and to feast. The Pharisees were so occupied (busy) in observing the tradition of the observance of fasting that they fail to recognize that Jesus is the bridegroom of the wedding feast. Jesus is the reason to believe… the reason to be happy… the reason to gather and dine together.

The new and old cloth and wineskin are mere symbolisms. It could be in the context of tradition. Fasting is one of the traditions of the Jews from Moses. Jesus did not abolish the tradition but fulfills it. Jesus Christ is the fulfillment of the Messiah they are waiting for. Jesus is the reason for feasting.

In relation to my personal context, old wine skin could represent my old sinner self and the new skin could represent the teaching of Jesus. If I would not let my old self die, I would not be able to understand and love Jesus. What I would only love is my old self… my selfish self, my sinner old self, my proud old self. But if I renew myself like a new cloth, I could embrace the new life which is offered by Jesus.

For me, this would always be a challenge. To remain in Jesus by being faithful to his teachings is my day to day struggle. But, I always remind myself that there is no more turning back. I need to let go so that I could let God to work in me.

There’s still reason for me to rejoice even Jesus is not around with us physically. The Eucharist that we share everyday is the presence of Jesus in our midst. Like Jesus’ apostles, we always have reasons to feast and be gathered as one family of God… sinners and saints, rich and poor, and we as brothers---all of us are invited in the table of the Lord. Amen.







Thursday, July 5, 2012

Kalayaan



Habang ikinukulong mo ako sa Iyong bisig
Lubos akong nakadarama ng kalayaan
Habang ibinibigay kong ganap ang aking sarili
Nabubuo ang aking basag-basag na kaluluwa




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Inibig


nagmamahal ako sapagkat ako ang unang minahal
naggpaparaya ako sapagkat ako ay lubos na nagtitiwala
nananalig ako sapagkat ako ay nananatiling umaasa
hinihimlay ko ang aking puso sa Iyo na mapagmahal



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Tuesday, July 3, 2012

Malayang Hangin



Malayang Hangin
Hipan mo ang aking nagugulumihanang kaluluwa
Patungo sa sinapupunan
Ng walang hanggang katiwasayan

Spirit of God rest upon me
Bring peace to my weary soul
Shelter me in your dwelling place
Hide me in the shadow of your wings




Br. Dennis DC. Marquez

Engkwentro


Sa isang bubong ng kalangitan
Nagkasama tayo sa isang paglalakbay
Liko-likong daan ay sabay nating binagtas
Hanggang dalisay na sumibol ang ating pagkakaibigan

Dinaluyong natin ang matataas na bundok
Lumusong tayo at sumisid sa malalim na karagatan
Nagpatuloy tayo kahit na tirik na tirik ang haring araw
Habang sabay tayong sumisipol ng himig ng buhay

Kapag kumagat naman ang pagbadya dilim
Sabay nating binabalikan ang ating nakaraan
Walang humpay na nagtatawanan sa liwanag ng isang siga
Sapagkat pinag-isa ng karanasan ang puso nating malaya

Ang piling mo sa malamig at malalim na gabi
Ang nagsilbing kumot ko sa aking pangungunyapit
Sa kanlungan ng tila walang hanggang daigdig
Pinuno mo ng pag-asa ang aking bawat paghimbing

Hanggang... sa... tinawag mo akong kapatid
Kahit maraming pagkakaiba, niyakap mo ako ng mahigpit
Kung kailan pawang nangibabaw ang isang paniniwala
Na bumigkis sa ating puso... sa pinapangarap na kapayapaan

Hanggang... hindi natin namalayan
Dahil mabilis na lumipas ang panahon
Ngayon ay kinakailangan na nating maghiwalay
Sa nagsangang daan... mamamaalam tayo sa isa't-isa

Baunin mo ang aking puso sa iyong paglalakbay
Sa iyong paglayo, humayo kang matiwasay
Mula sa pagpapala ng pinaniniwalaan kong Diyos
Dasal ko ang walang hanggang kaligayahan mo

Kapag narating mo na ang iyong patutunguhan
Ihalik mo ako sa iyong mga mahal sa buhay
Nawa ang yakap mo sa kanila ay maging yakap ko na rin
Lakip ng aking pag-asa na muli tayong magkakapiling

Lumipas man ang panahon subalit puso ko ay mananatili
Aasa ako palagi sa iyong maluwalhating pagbabalik
Sa bawat pagsikat ng umaga ang puso ko ay mananabik
Sa dating tagpuan... pagdating mo ay hihintayin.



Br. Dennis DC. Marquez, sSSS