bakit kailangang gawin natin ito?
para ba ito sa ating sarili
o para sa mga bata ba talaga?"
hindi pwedeng nasa gitna
kapag pinili mo ang kapakanan ng mga bata,
pinili mo na rin ang pagiging mabuting guro
dahil sa pagiging mabuting guro
napaglilingkuran mo ang dahilan ng pagkaguro mo
dahil kailanman--
ang pagiging guro at paglilingkod ay laging iisa.
kung hindi man natin kaya
na mahalin ang ating mga estudyante
at least mapaglingkuran man lamang natin sila.
maglingkod tayo sa kanila sa pamamagitan ng pagiging mabuting guro."
bilang guro...
kapag pinili natin ang ating mga sarili,
parang sinabi na rin natin,
na tayo dapat ang paglingkuran at unawain.
tayo nga etong may mga may pinag-aralan,
kung kaya tayo dapat ang nakakaunawa.
kapag pinili natin ang ating sarili,
ang pinapasaya lamang natin ay ang ating mga sarili.
at sa kaligayahang ito
hindi makikinabang ang ating mga estudyante.
kung ganun...
bakit pa tayo naging guro
kung ihihiwalay natin ang paglilingkod sa ating kapwa?
bakit pa tinawag natin ang ating mga sariling guro
kung saan tayo mismo ang nagtuturo ng kamalian?
oo...pare-pareho tayong nagkakamali
subalit higit na malaking kamalian
ang paniniil ng iba upang ipagmagaling
ang ating kamaliang pinipilit nating tawaging tuwid
hindi mo lamang tinatanggalan ang mga estudyanteng magkaroon ng mabuting guro
kundi ipinagdadamot mo pa sa kanila
ang paglilingkod na hindi mo kayang ibigay.
Den Mar
No comments:
Post a Comment