Thursday, January 17, 2013

Muling Magmahal



wala naman tayong pwedeng kalimutan
ang pwede lang nating gawin e hindi isipin ang mga bagay-bagay
kung hindi mo man mawaglit iyon sa iyong isipan
at least, huwag kang magpaapekto at huwag kang magpabagabag

tanggapin mo ang katotohanan na mayroong nawala
ramdamin mo ang pait hanggang sa ikaw ay kumawala
mula sa pagkakabihag sa isang bahagi ng nakaraan
patungo sa ngayon na iyong pilit tinatalikdan

sabihin mo sa iyong nakaraan
na kaya ko nang tanggapin ang naghihintay na umaga
mahirap man... kakayanin ko muling mabuhay
at sasabihin ko... na handa na muli akong magmahal.




Den Mar

No comments: