Tuesday, January 8, 2013

Katahimikan


kapag masama ang loob mo
huwag kang magsalita
kasi ang sasabihin mo
ay ang gusto lamang ng iyong 'ego'
at hindi ang gusto ng iyong puso.

may mga tao na naghihintay ng iyong pagbagsak
kasi lagi silang nasa baba upang batuhin ka mula sa itaas
subalit kung ang bunga mo ay malaglag dahil sa kanila
Maaari ka namang tumubo at lumago mula sa iyong pagkakasadlak.




Den Mar




Den Mar

No comments: