Tuesday, January 15, 2013

Kasal





tayo ay dalawang kaluluwa
na may pinag-isang katawan
na may dalawang puso
na ang tibok ay iisa...


nawa...

ang iyong katawan ay maging aking katawan
at ang aking diwa at kaisipan ay maging iyong diwa at kaisipan
nang sa gayon ang ating kaluluwa ay mapag-isa
nang ating mga pusong nag-iibigan.
ang iyong mga hakbang
ay maging mga hakbang ko na rin
kung saan ang bawat bakas ng iyong bawat yapak
ay ang maging patutunguhan ko na rin

nais kong manahan sa iyong tahanan
kung saan ikaw ang makakapiling ko
hanggang sa magpakailanman
sa iisang bubong ng ating umaasang ibigan
bubuuin natin ang ating bawat mga pangarap

binigkis tayo ng ating mga pangako
mga salita ng pag-ibig na sumaksi ang Dyos
mula ngayon ang aking hininga at tibok ng puso
ang tanging dahilan ay ang pag-ibig ko sa iyo.








Den Mar

No comments: