Saturday, January 12, 2013

Karnabal (Carnival)


Ito yung kabataan ko na nais kong balikan
Yung masasayang panahon na kapiling ko ang aking AMA
Kung saan sa lahat ng masasayang sandali ng aking buhay
Naroon siya at lagi kong kasama

Kaya lang wala akong babalikang ganitong ala-ala
Dahil walang panahon para sa akin ang aking AMA
Mananatili lamang itong ala-ala na hindi naganap
Dahil nais kong maala-ala ang isang AMA na mapag-mahal

Oo, pinapaniwala ko lamang ang aking sarili
Pero kung ang iyong AMA ay nakasama mo lamang ng saglit
Mamatamisin mo pang alalahanin ang maaari nyang gawin
Na naunsiyami (hindered) ng pagkakahiwalay na dagli

Kung ako ay magiging AMA
Hindi ko maipapangako sa aking ANAK
Na masasamahan ko siya sa bawat kanyang YAPAK
Subalit iiwan ko rin sa KANYA
Ang nag-uumapaw kong PAGMAMAHAL...





Den Mar

No comments: