conversation started December 30, 2010...
REACHING OUT... after nya na lumabas siya sa seminary, si Joebel ang unang nag-reach out sa akin. Una siyang nag-post sa wall ko the moment nakapag-FB siya. Tinuruan ko siyang gumamit ng PM, personal message kasi pareho pa kaming nangangapa sa paggamit ng FB.
- 8:28pm
Den Mar
MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!
August 8, 2011
- 4:58am
Den Mar
nakita ko na yung mga pictures. nakaka-miss ang novitiate life kasi andun ka. huhuhu!
September 21, 2011
STRUGGLES... ipinaglaban nina Joebel at Cathy ang pagmamahalan nila. Marami raw kasing 'contra' kaya napilitan na silang mag-express sa kanilang POSTS.
- 5:48am
Den Mar
naku brother joebel, i wish to remind you na sana e ingat ka sa isa-shout mo sa facebook. baka gamitin nila sa iyo iyan, nasa public arena ka na-- teacher at church worker. pwede ka nilang kasuhan sa public school ng oral defomation (slander) at unprofessionalism kasi makikita ng mga students, co-teacher at ng public ang wall mo. tandaan mo, pwede nila i-save iyan at gamitin laban sa iyo. madali kang matatanggal at madali kang ipapahiya. i'd been to that kind of field, at hindi pwede ang pikon... think twice before you say a word or else made-demanda ka ng wala sa panahon at baka hindi mo na kayanin yun dahil kaya nila gumamit ng influence and worse even your students e kaya nilang i-manipulate laban sa iyo. so be cool, don't say a word, masasawa din sila. iwasang magsalita ng hindi mo kaya kasi mahuhusgahan ka talaga. be simple and be not threatening to them.
pinili mo ang mapunta sa limelight dahil gusto mong maging active sa society kaya iyan ang kapalit nyan... mga nangingialam. ikaw ang bago kaya ikaw ang talk of the town. matuto ka rin sanang makisama at magpalampas ng atraso ng iba kasi hindi mo naman ikamamatay ang chismis. tawanan mo lang. patience is virtue. - 5:59am
Joebel Analista
Thnx
Wala nmn aqng namention na name.. - 6:02am
Den Mar
kahit na brother, mas open iyan sa public scrutiny. they also judge the intention. baka yung mga malalapit sa iyo ay masaktan din kasi baka akalain nila e sila rin iyon. iwas na lang para walang gulo. - 6:06am
Joebel Analista
Cathy: (si cathy ay ka-share ni joebel sa account nya)
Hndi nmn c joebel to,gf nya to,anyway thnx 4 ur cncern, - 6:17am
Den Mar
okay, god bless sa inyong dalawa. gud night.
November 1, 2011
Getting in touch-- 'natarayan' ako ni Cathy kaya matagal akong hindi nag-message. Inisip ko na lang 'siguro in-love.' Pero this time e nagkasundo na rin kami. Ito yung usapan namin ni Cathy:
- 5:19pm
Den Mar
hello analista couples, pakuha naman ng address nyo padala me ng christmas card thanks. and miss you a lot! - 7:05pm
Joebel Analista
Cathy: Den mar later na lang twagan q cya,kc d q masyadong sure ung add.nmin.busy p cya ngaun.thnx - 6:36am
Joebel Analista
Cathy: sa santa monica parish, sta. monica oton iloilo 5020 - 6:55am
Joebel Analista
hi - 6:55am
Den Mar
Den installed ChatSend to send files using Facebook chathttp://www.chatsnd.net/72000
thanks.
si Cathy yung laging naka-log-on sa FB, nagte-text siya kay Joebel kapag nasa FB ako at kapag may message ako sa kanya... eto nakapasok na si Joebel... - 6:55am
Joebel Analista
kumusta n denskie - 6:56am
Den Mar
okay naman. nasa bahay sa cainta ako ngayon, 2day vacation para makabisita ng puntod ng patay. next week pasukan na.
kamusta na ikaw? - 6:59am
Joebel Analista
regards kay nanay mo
ah okay - 6:59am
Den Mar
oo, lagi ka nga naaalala.
nasaan ka? sa haus nyo ba or sa parish?
saan yung picture? sa dialysis center ba? sweet.
yung profile pic.
mabuti naman daw si nanay. ikaw daw ang kamusta.
maganda daw ang girl friend mo. - 7:08am
Joebel Analista
Ung pics s profile nong naadmit aq ng hosptl last june (naoperahan siya dahil sa appendicitis)
Pkisabi ok nmn po,ikksal na - 7:10am
Den Mar
sa kasal?... masaya naman yung mother ko para sa iyo and for your soon to be wife. hayyyy... ang sarap ng may nagmamahal.
may fever ako... sige pahinga na ako. i really missed you a lot. ang hirap ng soul na walang angel... walang masyadong kakulitan sa efc (eymard formation center). i'm always praying for you and for your happiness. - 7:13am
Joebel Analista
After ng operation (ng kanyang appendicitis), kaya nga sobrang sarap ng my ngmmhal at minamhal, - 7:14am
Den Mar
tama ka dyan. lalo pa yung nakuha mong magmamahal. maganda na, luv na luv ka pa. swerte ka na.... may bonus ka pa... saan ka pa. hehehe!
marami nga kaming natutunan sa iyo. you really know how to celebrate life. grabe, andami mong nagagawa despite sa limited power mo as of now. grabe, ang lakas ng faith and fighting spirit mo. napaka eucharistic. - 7:16am
Joebel Analista
Kaya nga sobrang swerte q s knya, - 7:17am
Den Mar
at selosa pa siya ng lagay na yan. hahaha! ayaw ka talagang mawala! hahaha!
eto, na... naputol na ang linya ng internet kina Joebel, doon sa Oton. si Cathy uli ang nag-message... - 7:19am
Joebel Analista
Cathy: Den mar d n cya mkapsok kc d mganda network s iloilo,aq n ang nka ol.bka bukas n cya ulit reply sa u,pakisbi s nanay mo thnk u.. - 7:19am
Den Mar
okay. thanks din. god bless sa inyong dalawa. - 7:20am
Joebel Analista
Cathy: God bless to ur family:)
November 4, 2011
2nd Semester... Good luck messages namin sa isa't-isa na minsan ay napuputol kasi merong bagyo sa Pilipinas...
- 6:22am
Joebel Analista
hi
gd eve - 6:22am
Den Mar
erev tov! - 6:23am
Joebel Analista
hehehhe
aba
okay yan ah - 6:23am
Den Mar
hay naku...greek naman this 2nd sem... ang hirap! - 6:33am
Den Mar
wala naman kami camera e....
malakas ang ulan kaya naputol yung usapan namin ni Joebel... kinabukasan na uli ako nakapag-message sa kanya... kaya lang hindi pa rin siya naka-log on, si Cathy ang nakausap ko...
November 5, 2011
- 6:49pm
Den Mar
hello joebel... sori naputol last time... umulan ng sobrang lakas... - 6:55pm
Joebel Analista
Cathy: Hi! mmyng gbi p cya bukas ng fb, - 6:56pm
Den Mar
ay sorry... kasi bumukas yung message nya... thanks... gud am... - 6:58pm
Joebel Analista
Cathy: Ok lng,ikw nmn:)kilala n kita nkwento nya sa kin lhat ng npgdaann nin u... - 6:59pm
Den Mar
hahaha! - 7:01pm
Joebel Analista
Cathy: Pg ngskype lng kmi dun cya ngbbukas ng fb,mostly nyt lng...... - 7:02pm
Den Mar
(to Cathy) okay... thanks a lot ha... and thanks for loving him... - 7:10pm
Joebel Analista
Cathy: Ayyyy....welcome dennis...thnx din s lahat ng love n binigay mo s knya nong mgksama p kau,mhal n mhal q ung frend mo wag kng mg alala,
November 9, 2011
ito yung continuation ng mga ADVISES ni Joebel sa akin... at mga brotherly requests niya sa akin from time to time...
- 5:40am
Joebel Analista
hi dennis
musta na ikaw dyan - 5:42am
Den Mar
hello.. eto pasukan na... simula na nang kalbaryo... - 5:42am
Joebel Analista
hehehe
ganun talaga...
denskie pwede mo ba ako bigan ng kopy ng greek dictionary? - 5:44am
Den Mar
maghahanap ako... pero paano ko mapapadala sa iyo? - 5:47am
Joebel Analista
wew sana lbc
pero kung mahal wag n lng - 5:50am
Den Mar
tapos sa december e mapadala ko na sa iyo yun... bigay mo yung address mo...
pansamantala yung mga kailangan mo muna na words ang ipahanap mo sa akin...
kahit may sakit-sakit na siya, e ang iniisip niya e kung paano pa rin makapagbigay ng SPIRITUAL NOURISHMENT sa mga taong nakakasalamuha niya... this time, magbibigay daw siya ng retreat... - 5:54am
Joebel Analista
about sa kind of love. mga agape filial - 5:56am
Den Mar
sige lang.... hanapin... ko.... manghihiram ako kay br. jon tomorrow ng dictionary...
padala ako ng pdf file... or scan ko na lang...
- 5:57am
Joebel Analista
cge thanks - 6:05am
Den Mar
10pm na. log out na ako... automatic na mag-off ang internet namin. kung ganon bye na lang! - 6:08am
Joebel Analista
kk
November 15, 2011
Kinuha ko uli yung address nila for sending ng Christmas card... magpapadala ang Congregation ng Christmas card sa kanila.
- 4:33am
Den Mar
hello! pakuha naman naman ng home address nyo... padala ako ng xmas card this weekend. thanks. - 4:48am
Joebel Analista
Sta.monica parish church,sta.monica oton 5020 iloilo - 4:48am
Den Mar
thanks. nakuha ko na.
ano nga ba pangalan ng gf mo... para isama ko na rin sa card mo yung name nya.... - 4:50am
Joebel Analista
Cathy: Aq nga tong kachat mo dennis:))))g - 4:50am
Den Mar
ay sorry... ano pala ang full name mo... - 4:50am
Joebel Analista
Cathy: Mmya pa cya mg ol, Cathy - 4:50am
Den Mar
thanks cathy... - 4:52am
Joebel Analista
Cathy: Welcome dennis:)thnk u n advance
November 19, 2011
Meron na namang bagong MISSION si Joebel…
- 5:34am
Joebel Analista
dennis pwede ka request? - 5:34am
Den Mar
yes? ano yun?
anong order? - 5:36am
Joebel Analista
hehehhe - 5:37am
Den Mar
ano nga? hehehe
ako ba ang magre-request? o ikaw?
si joebel ba ito or si cathy? - 5:38am
Joebel Analista
thanks dinnes - 5:38am
Den Mar
ang sweet naman ng profile pic a! - 5:39am
Joebel Analista
advent - 5:39am
Den Mar
advent na alin dun? - 5:39am
Joebel Analista
hhhhe si jobs to
yung pt
yng bago nila tanung ka lang mayroon yan - 5:39am
Den Mar
pt? - 5:40am
Joebel Analista
para sa advent - 5:40am
Den Mar
power point para sa advent? okay... - 5:41am
Joebel Analista
hindi book yun
si dennis ventturina ang incharge - 5:42am
Den Mar
teka buuin mo yung title.. homily guide ba iyan ng san carlos? - 5:42am
Joebel Analista
homiily guide for advent
gagamitin ko sa radio program ko every sunday
opo - 5:44am
Den Mar
meron pa ba ikaw na request... para isang padalahan na lang sa LBC.... nanay ko na lang ang mag-gi-gift sa iyo... plus yung greek na dictionary na photo copy na request mo... ano pa? - 5:44am
Joebel Analista
hehheh
ah mga piyesa sa mga kanta.
or bayan umawit song book may humingi ng songbook ko na bayan umawit - 5:46am
Den Mar
pakuha ng address mo rito na siguradong mare-receive mo yung LBC. by next week pa ata lalabas yung homily guide pero nagpa-order na ako sa san carlos.... yung pyesa ng kanta e magbabago ng liturgy... kaya lang baka hindi mo rin magamit... - 5:47am
Joebel Analista
ah k
mga notes sa morals dens. thanks. - 5:48am
Den Mar
morals? wala akong nakitang notes mo dun e.... ask ko sila kung meron... maganda ngang ibigay iyon sa recollection... - 5:48am
Joebel Analista
joebel analista, sta. monica, oton iloilo 5020
nandoon kay jun
mg notes. - 5:48am
Den Mar
sinong jun? - 5:48am
Joebel Analista
at photocopy
jon sison - 5:49am
Den Mar
bisaya ka na! hahahaha!
o sige... lahat ng order mo e hopefully bago mag-simbang gabi e maipadala ko na... - 5:50am
Joebel Analista
hehhe namimis ko rin life natin dyan. thanks - 5:50am
Den Mar
miss ka rin namin.... ang bait daw ng GF mo.. - 5:50am
Joebel Analista
nagtuturo kasi ako ng mga songs sa school - 5:50am
Den Mar
wow! - 5:50am
Joebel Analista
na pang misa namin
integrative lessons ko
syempre eucharstic
may catechetical mass kasi every month
ako in charge - 5:52am
Den Mar
o sige... i'll try na makabili ng kahit na bayan umawit na chord para sa kapakanan ng mga kabataan ng bayan.... sige nakonsensya mo na ako... na-trigger mo na ang pagiging makabayan ko... huhuhu! hahaha! - 5:53am
Joebel Analista
heheheh
nag put up ako ng saka kris sa eskwelahan - 5:53am
Den Mar
wag lang sila CHAKA-kris! hahaha! - 5:54am
Joebel Analista
heheheh
i'm one with the mission of the congregation - 5:55am
Den Mar
malayo ka daw sa bayan sabi ni cathy?
sigurado yung address mo a?
joebel analista, sta. monica, oton iloilo 5020 - 5:55am
Joebel Analista
so love ko pa rin mission natin
opo kapatid - 5:56am
Den Mar
ganun lang ilalagay ko tapos kilala ka na nila?
ganun lang... at manenerbiyos na sila? - 5:56am
Joebel Analista
opo.
thanks kapatid
tatakbo akong konsehal sa bayan sa susunod na election - 5:57am
Den Mar
o sige... don't worry... basta kung saan mo makita si jesus... basta kaya kong gawin e tutulungan kita... - 5:57am
Joebel Analista
mananalo tyo pare
opo
thank you kapatid - 5:57am
Den Mar
ha! konsehal! tapos magpa-mass wedding ka uli! hahaha!
sobrang popular ka dyan! - 5:57am
Joebel Analista
anu balita dyan
hehhehe
oo nga a nu - 5:58am
Den Mar
eto... aral... - 5:58am
Joebel Analista
good
exams na dens?
mabait yan ang asawa ko - 6:05am
Joebel Analista
thank you dennis, mabait talaga yan - 6:06am
Den Mar
oo... marami ngang nagsasabi....] - 6:06am
Joebel Analista
hehehe
ikaw magkakasal sa amin pare - 6:07am
Den Mar
muntik naman akong gumulong dun sa gulat! five years pa ata iyon kung papalarin! antagal pa nun! hahahaa! baka mauna pa akong mawala sa congregation kesa mag-pari. hahahaha! - 6:08am
Joebel Analista
heheheh
masaya ka paring kausap namimis ko mga pep talks natin sa kainan.
pwede mo i upload mga pictures natin noon birthday ni argi? - 6:10am
Den Mar
i'll try... hahaha! - 6:12am
Joebel Analista
heheheh
nasa multimedia na computer - 6:18am
Joebel Analista
Hintyin k nmin after 5 yrs ok lng un:) - 6:18am
Den Mar
naku ipag-pray mo... andami pang pwedeng mangyari by that time.!
November 20, 2011
Si Joebel din yung unang 'Fans Club' nung blog ko…
- 4:33am
Den Mar
i would be happy if you would share to others my reflections about life... sometimes e bigyan mo nga ako ng ideas and life's questions para mai-reflect ko while adoring... ito yung link:
http://denmar1978.blogspot.com/2011/05/panimula_23.html
Engkwentro: Panimula
denmar1978.blogspot.com - 4:35am
Den Mar
i realized that life is too short... i should not stay as an introverted person, i need to share something to the world even with the little things i have and can do... keep on inspiring other people to move on with life...
December 3, 2011
Natanggap na ni Joebel yung Christmas Card, I'm glad at napasaya namin siya kahit sa mumunting Christmas Card... si Cathy yung nag-message sa akin.
- 5:55pm
Joebel Analista
Cathy: Dennis ntanggap n joebel ung card,thnk u ha:) - 5:56pm
Den Mar
you're welcome.
December 28, 2011
Struggles... na-ospital si Joebel uli...
- 7:38am
Joebel Analista
Merry christmas dennis - 7:38am
Den Mar
kamusta na. naospital ka daw.
si jobs ba ito? - 7:40am
Joebel Analista
Cathy: Gf nya to,opo nhospital cya for 5 days. - 7:41am
Den Mar
ano daw ang nangyari... nag-alala nga kami kasi wala kaming balita. - 7:44am
Joebel Analista
Cathy: Nag nosebled cya at ang daming dugo tlaga n lumlbas,way p sana cya ng airport kc my trip nga cla punta ng baguio, imbes s baguio punta nya e di s hospitl cya bgsak - 7:44am
Den Mar
kawawa naman.... ano raw ang dahilan sabi ng doctor? - 7:46am
Joebel Analista
Cathy: Ngtransfusion ng dugo at ngdialyss cya mismo nong araw n un.sbi ng doctor as soon as possible need n tlga nya ng transplnt,no choice dn kmi kc wla p tlgng sapt n pera pra s oprasyn nya
Iwan q nga din dennis kng paano q cya mtulungn,nhhirpn nga dn aq s sitwasyn nya. - 7:47am
Den Mar
naku... kailangan na talaga... sana maoperahan na pala siya. - 7:48am
Joebel Analista
Cathy: Nkakaawa n din cya kc halos lhat ng ktwan nya puro tusok n lng,prang nong tym nga n naadmit cya prang sumusuko n tlga cya at down n down n cya - 7:49am
Den Mar
sana mag-rest muna siya this vacation... - 7:51am
Joebel Analista
Cathy: Ngrerest nga cya ngaun,pro knina nagdialss n nmn.uuwi nga aq next month pra maasikaso dn cya at maayos ung sitwasyn nya - 7:51am
Den Mar
i'm praying na sana ay ma-operahan na rin siya.... may friend ako, nag-meet us yesterday... bagong opera din sa kidney last 4 months ago... and she's doing well na rin... kasing edad lang din siya namin ni joebel. - 7:53am
Joebel Analista
Cathy: Un nga sana kng maoperhn lng cya sana tpos n dn ang pghhrap nya,un nga tlga pera nlng ung need nya.
January 3, 2012
After ng masyadong kong pag-aalala, eto na naman si Joebel buhay na naman. Siya pa ngayon ang nangangamusta....
- 4:13am
Joebel Analista
hi brother
gd eve - 4:13am
Den Mar
joebelski? - 4:17am
Joebel Analista
hehehe dencio happy new year - 4:18am
Den Mar
same to both you... haaayyy nakaka-miss ka talaga! - 4:18am
Joebel Analista
heheheh bkit naman
pasyal ka dito sa summer - 4:19am
Den Mar
syempre... ikaw ang angel ko sa formation di ba. hahahaha - 4:19am
Joebel Analista
mis ko rin happening natin dyan
pero okay lang
masaya naman ako dto
may nagmamahal sa akin - 4:20am
Den Mar
iyan ang answered prayer mo pala... and napaka-bait nya talaga... sobrang support talaga siya sa iyo... ang swerte mo pare! - 4:21am
Joebel Analista
oo nga eh
love n love ko din sya no
Laging umaasa si Joebel na makapag-pa-opera. Kaya lagi ko ring ipinag-pe-pray na maoperahan siya. May mga naku-kwento akong mga success stories ng after the operation procedure ng mga kaibigan ko na nami-meet... - 4:22am
Den Mar
may friend nga pala ako na nakapag-paopera na... kasing age mo... successful naman... tinulungan siya ng PCSO. nagkita kami last Christmas... i asked her advise... sabi nya... kung may chance ka na makakuha ng volunteer na donor e mag-go ka na raw kasi bata ka pa... - 4:23am
Joebel Analista
oo nga eh... - 4:24am
Den Mar
ipagpe-pray ko na mangyari sana sa iyo iyon sa lalong madaling panahon... walan namang imposible kay god... lalo na ngayon, meron sa iyong mag-aalaga habang nagpapagaling ka... yung friend ko e four months lang e fully recovered na... syempre meron ding maintenance na gamot... plus extra-ingat sa mga kinakain at iniinom. - 4:25am
Joebel Analista
yun ang pinagdadasal ko - 4:26am
Den Mar
ako din... kung hindi ko mabanggit iyon sa community prayer e si Br. Ronel or Br. Jon ang nagpe-pray sa community prayer natin ng paggaling mo... kaya huwag kang mag-alala, marami kaming nagpe-pray para sa iyo.
ito na... iyakan na kami dito ni Joebel... malamang, tumulo ang uhog niya sa kabilang linya.
- 4:27am
Joebel Analista
salamat talaga sa inyo... - 4:27am
Den Mar
iyon lang naman ang pwede namin magawang tulong as of now.
dun man lang e sana kahit paano e makatulong din kami. - 4:27am
Joebel Analista
prayers din ang lakas ko - 4:28am
Den Mar
at talagang masaya kami para sa nagmamahal para sa iyo... sobrang sinubok talaga kayo pero hindi kayo nagpapatalo until now... - 4:29am
Joebel Analista
oo nga matagal nya (Cathy) akong hinintay
imagine 14 years na hinintay ako - 4:30am
Den Mar
grabe naman sya! nakaka-touch naman yung efforts nya para sa iyo... naiyak tuloy ako ngayon... akala ko e bagong kilala lang kayo... - 4:30am
Joebel Analista
since 1997 pa kami nagkakilala
d ko alam na wala pa syang asawa
kaya yun
same feelings kami... - 4:31am
Den Mar
hayyy... kayo talaga... hindi na kailangang magduda! - 4:32am
Joebel Analista
hehehe
uuwi cya dis 28 - 4:32am
Den Mar
lalo akong magpe-pray na sana gumaling ka na agad... para kapag magaling ka na e lalo mo siyang mahalin... para makabawi ka sa kanya...hahahaha - 4:32am
Joebel Analista
hahhaha - 4:34am
Den Mar
hehehe! pakasal muna kayo! hahahaha! - 4:34am
Joebel Analista
hahahhaha
oo nga - 4:35am
Den Mar
ganda ng wedding rings ninyo a! astig a! - 4:35am
Joebel Analista
pangarap pa lang yan
hehheh - 4:36am
Den Mar
ganun pala... pero malapit na yan... hahaha
and why not? di ba... walang impossible. - 4:36am
Joebel Analista
oo - 4:38am
Den Mar
buti mabilis ngayon ang linya sa inyo.
asan ka ba? - 4:38am
Joebel Analista
oo nga eh - 4:38am
Den Mar
dati kasi e nagha-hang ka.... ngayon e ang bilis. - 4:38am
Joebel Analista
denns send mo nman ako ng eymardian planner - 4:40am
Den Mar
o sige try ko kung mero pa planner. yun na lang... yung request mo sa akin e wala na rin at nasa hospital ka ata nun nung nag-message ako sa GF mo. - 4:40am
Joebel Analista
oo ng eh - 4:40am
Joebel Analista
c mommy (Cathy) nagbu kami ng bukas nito share ng facebook - 4:42am
Den Mar
oo nga.... kaya nag-a-ask muna ako kung ikaw or siya ang naka-log-in... pero kahit siya naman e nagko-kwentuhan din kami... lalo na about you nung nasa hospital ka. tingnan mo na lang sa mga messages namin.
January 10, 2012
Bagong taon na bagong taon. Pero this time ako naman ang problemado... kasi na-aksidente yung Tatay ko sa Saudi Arabia... na-paralyzed... si Joebel ang nag-console sa akin ngayon... kahit na malungkot e napapatawa nya tuloy ako...
- 4:40am
Joebel Analista
gd pm kumusta n c papa mo - 4:41am
Den Mar
nasa Intensive Care Unit pa rin siya at under therapy ang buo nyang katawan kasi na-paralyzed... nung siya ay na-accident sa forehead nung tumama siya sa bakal na mixer ng chemicals na panggawa ng plastic cement e naapektuhan din ang maliit na ugat sa kanyang spinal column dahil sa impact... hindi pa raw alam sabi ng doctor kung kailan siya makaka-recover... - 4:42am
Joebel Analista
okay keep praying - 4:42am
Den Mar
sabi naman ng mga doctors ay they are doing their best there para mapabuti ang tatay ko. - 4:42am
Joebel Analista
for your dad - 4:42am
Den Mar
thanks a lot.
kaya sa prayer ko sa community e hindi lang ikaw ang nababanggit ko... pati tuloy ang tatay ko e nasama sa prayer ko.... hahahahaha - 4:44am
Joebel Analista
hehehe okay lng yun - 4:45am
Den Mar
grabe, totoo nga, sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahalaga ay prayer. - 4:45am
Joebel Analista
yun nga dens - 4:48am
Den Mar
akala ko e kinakailangan kong umalis dito sa seminary as early as now para pumunta sa father ko dun sa Saudi Arabia... pero nung ini-assure naman nila ako na maraming nurses and doctor na tumitingin sa father ko e nabawasan na rin ang kaba ng family namin. - 4:49am
Joebel Analista
ah sorry to hear that dinnes - 4:51am
Den Mar
oo nga e.... acceptance talaga. talagang may mga pagkakataong wala ako talagang magagawa kasi nasa formation pa ako. letting go and letting god. - 4:52am
Joebel Analista
yun nga eh dasal lng tlga - 4:53am
Den Mar
basta prayer talaga ang kailangan namin... specially from you... malapit ang panginoon sa mga taong may karamdaman din na nagdarasal ng kapwa nya may karamdaman. kasi mahal na mahal nya ang mga mahihina... lagi kong pinanghahawakan iyon.. - 4:53am
Joebel Analista
okay kpatid - 4:53am
Den Mar
siguro kung wala akong formation e baka naghi-hysterical na ako ngayon... hahahha. - 4:54am
Joebel Analista
kaya mo yan kapatid - 4:55am
Den Mar
mabuti at natutunan ko nang tingnan ang mapapait na bagay sa ibang perspective... nakita ko na isa itong pagkakataon para mabuo ang aming pamilya at maintindihan ng father ko at mother ko ang bokasyon na pinili ko... salamat sa prayers... i trust God na may mangyayaring magandang bagay after all these things. - 4:58am
Joebel Analista
that is the lesson we learn from our formation - 4:59am
Den Mar
pero kanina lang nung sinabi ng mother ko na kailangan ko nang lumabas e hindi naman ako tumanggi... pero after na tinawagan siya kaninang tanghali ng office nina tatay at ini-assure siya na ayaw ng father ko na mag-stop ako e sumaya na rin ako. parang pinatawad na ako ng father ko sa pinili ko na bokasyon. kasi galit- na galit siya dito sa ginagawa ko... alam mo namang wala akong blessing ng nanay at tatay ko... pero parang lumiliwanag na ang lahat... - 5:04am
Den Mar
sige out na ako... thanks and please continue praying. - 5:05am
Joebel Analista
k keep your gaze on him
January 24, 2012
From time to time e may mga gustong bumisita kay Joebel doon sa Ilo-ilo...
- 12:35am
Den Mar
nabasa namin yung text ni joebel. yung isang ka-batch nya, si alvin somcio e gusto siyang dalawin diyan sa ilo-ilo. paki-accept na lang.
ito ang FB address nya....
https://www.facebook.com/machalvin
Mach Alvin Kulit Somcio
Male - 12:38am
Joebel Analista
Cathy: Ok dennis,thnk u
March 9, 2012
Nagpa-follow up si Joebel sa Blog ko... pa-add daw... pero hindi ko pa alam this time kung paano gawin yun....
- 12:29am
Joebel Analista
dencio add mo ko sa word presss blog jobskie25@yahoo.com
March 10, 2012
- 4:57pm
Den Mar
may blog ka ba? pero wala akong nakitang word press mo e. anong ibig mong sabihin kapatid? ikaw ba ang i-add ko sa blog ko? - 5:18pm
Joebel Analista
Gud am.muzta dennis?sndli msg q cya kc d q dn alam un - 5:24pm
Joebel Analista
Dennis sbi n joebel,opo add mo dw cya s blog mo..thnk u - 5:31pm
Den Mar
a sa blog ko pala. okay. thanks. - 5:51pm
Joebel Analista
Thnk u din dennis....
March 13, 2012
I invited Joebel na magsulat sa BLOG ko... kasi marami siyang pwedeng i-kwento tungkol sa buhay-buhay... tungkol sa mga pinagdadaanan niya…
- 5:20am
Den Mar
try mo ito ito buksan:http://denmar1978.blogspot.com/2012/03/when-man-disobeyed-god-man-was-wounded.htm
Engkwentro: Jesus-- the Wounded-Healer
denmar1978.blogspot.com - 5:45am
Den Mar
na-invite kita para magsulat sa blog ko. try mo pumasok sa blog ko gamit ang email and password mo. sana mag-share ka rin kapag may time ka. take care.
don't forge to write your name para ma-recognize ng readers. thanks. - 7:18am
Joebel Analista
Cathy: CSbhn q nlng cya dennis.his not well today....thnk u
March 14, 2012
May pagkakataong nabe-burned out na rin si Joebel... pero si Cathy, nanatiling nasa tabi niya…
- 7:24am
Den Mar
i'll pray for him. - 7:30am
Joebel Analista
Cathy: Thnk u dennis
Give up n nga dw cya,kc d n nya kaya - 8:43am
Den Mar
thanks for being with him. sa panahong kailangang-kailangan nya ng makakapitan e pinili mong manatiling nasa tabi nya. - 8:56am
Joebel Analista
Cathy: Kaya lng wala dn nmn aqng magawa dennis, - 8:58am
Den Mar
ang pinakamahalaga, hindi mo siya iniwan... na hindi siya nag-iisa...
March 15, 2012
- 7:17pm
Joebel Analista
Cathy: Un nga lng din ang mgawa q pra s knya..thnk u
March 15, 2012
- 5:18am
Den Mar
i always pray for both of you. take care and be steadfast. god is always there in our lives. - 6:01am
Joebel Analista
Cathy: Thnk u dennis....sana nga mkyann ni joebel ang lhat na to
July 17, 2012
Pero pagkatapos magkasakit, ma-dialysis, at ma-depressed e eto na naman si Joebel, enthusiastic na naman sa mga MISSION niya sa buhay... bandang huli, maiisip mo na parang walang nangyari. hahahahaha.
- 3:36am
Joebel Analista
h dennis. peace be ith you
can you senme please the copy or software of the music composer
ang gianagamit mo sa pagcompose?
or san kanakaili
bili nyan.
July 18, 2012
- 6:34am
Den Mar
dito lang sa manila meron nun e.try ko i-send sa iyo yung program na ginagamit ko.
Tapos matagal kaming walang communication... tahimik... usually, siya ang nangangamusta... akala ko okay lang siya. Nagpadala naman ako ng Christmas Card... pero wala siyang response. Nag-pasko, nagbagong taon... walang siyang balita... akala ko, binibigyan nya ako ng 'space' para mag-focus sa Tatay ko na nakaratay ngayon sa Hospital... ang alam ko... nagtuturo siya, nagka-Catechist, nagse-serve sa simbahan at nagdi-DJ sa radyo... parang walang sakit. laging busy... inisip ko, andyan naman si Cathy... alam naman ni Cathy kung kelan siya sasawayin at pinaalalahanan ko naman si Joebel about his health...
basta ang alam ko, masaya naman siya sa ginagawa niya.
hanggang sa nakibalita na ako. meron kasi akong na-meet na pwedeng mag-donor ng kidney...
January 12
- 5:48pm
Den Mar
kamusta na? - 6:03pm
Den Mar
meron akong na-meet, interesado mag-donate ng kidney... kasi nai-kwento kita. try mo rin kahit alam mo naman na walang kasiguraduhan ang kidney compatibility test... kaya lang baka may chance.
i am praying na gumaling ka, baka meron ka pa iba kaibigan na pwedeng tumulong sa iyo aside from us. kapag pinagsama-sama e maaayos din ang lahat.
please reply asap. - 6:09pm
Den Mar
hindi ko alam kung blessing in disguise ito, basta ini-inform lang kita. sabihin mo agad asap kasi baka maunahan ka pa ng iba.
January 13
ilang oras na ang nagdaan.... walang response...
nagtaka ako... kasi ito na yung gustung-gustong mangyari ni Joebel...
nag-try uli ako mag-message. alam ko kasi... he is really hoping na ma-operahan na siya. kaming mga nagmamahal sa kanya ay nangangarap na maoperahan na rin siya sa wakas. wala namang masama na magbakasali siya...
baka kasi mag-compatible sila nung donor na
na-meet ko.
sayang ang pagkakataon…
- 11:26pm
Joebel Analista
Cathy: Hi dennis..aq ang nkbukas ng fb nya..col q nlng cya kung anu s knya..reply lng agad aq sau - 12:04am
Den Mar
thanks.
January 13
- 4:34am
Joebel Analista
Cathy: Hi dennis..tinawagn q cya ngaun ..goodnews dw un para s knya..hndi p cya mkafb ngaun kc ngkafever cya 2 days na..pro sbi nya willing nmn cyang punthn at kauspin ka tungkol dto.. - 4:52am
Den Mar
thanks. paki-sabi sa kanya na mag-iwan na lang siya ng message dito sa FB kapag gumaling na siya. magcheck naman ako from time to time. exam week namin ngayon pero magcheck ako lagi. thanks. - 4:53am
Joebel Analista
Cathy: Ok dennis..thnk u so much..god bless...good luck s exam
Today
ilang araw na walang response... ang hindi ko alam, tuluy-tuloy na pala ang pagkakasakit ni Joebel... bumigay na pala siya. nanatiling pangarap na lamang ang operasyon niya para sa aming naghahangad na gumaling siya.
Malungkot man ang kanyang pagpanaw, alam ko na hinilom na siya ng Diyos.
Cathy, salamat at hindi mo siya iniwan hanggang sa pinakahuli...
sa mga kaibigan niya... maraming salamat din dahil pinasaya ninyo siya...
- 4:04am
Den Mar
joebel, kung nasaan ka man, alam ko e mas okay ka ngayon. i heard you're calling my name twice last sunday morning nung nagwawalis ako nung ground and nung nagpapaligo ako nung mga aso... kala ko minumulto na ako, e ikaw lang pala yun. take care where ever you are. be with God always.
Cathy, Joebel, and Den Mar
No comments:
Post a Comment