sa public school, kapag ang isang teacher ay tumayo para sa tama laban sa koruspyong naghahari sa sistema, kinukuyog siya ng mga nasa mas mataas sa kanya upang pagtakpan ang nagaganap na katiwalian. naduduwag ang maraming ka-guro niya at iniiwan siyang iginigisa sa sarili nyang mantika. nagbubulag-bulagan na lang sila sa nangyayari at hinahayaang mag-isa ang pobreng guro na naghahangad ng pagbabago. kulang na lang sabihin: "sino ka upang itama kami? kami ang naghahari kung kaya kami ang tama. kung hindi mo masikmura ang sistema, umalis ka rito at hayaan mo kaming makinabang sa dugo at kamangmangan ng bawat mag-aaral!"
ang mga linyang ito na lamang ang naging pa-konswelo ng kick-out na teacher. gaano man sinira nila ang kanyang kinabukasan, ito pa rin ang kanyang pinanghahawakan.
kapag natapos na ang bagyo,
nagsisimula muli ang lahat mula sa wala.
at sa pagkakataong ito,
hindi man sila lumaban kasama namin noong una,
kahit wala na kami at natanggal na sa pagtuturo,
nagsimula naman sila na naiwan sa serbisyo
sa pundasyon--
na una nilang isinuka na aming unang itinayo.
ito yung pundasyon
na nakatayo sa kabutihan
at dakilang paglilingkod sa kapwa
oo, mahirap maunawaan ito
dahil hindi ito basta-basta napag-aaralan
dahil ito ay ang ganap na pagsasabuhay
ng mga aral na nagmumula
sa apat na sulok ng lansangan--
ang paaralan ng ating buhay.
Den Mar
No comments:
Post a Comment