Friday, January 18, 2013

Ulilyanin




kapag malabo na ang mga mata
isa pala sa mahirap gawin
ay ang hanapin mo
ang nawawalan mong salamin

sa mga bagay-bagay
ang hinding-hindi natin malilimutan
ay ang ating sarili
na lubha nating pinahahalagahan

kapag nagkaka-edad
mahirap nang balikan
ang dati mong nakagawian
na kaya mong gawin

sa silyang tumba-tumba
ang tangi mo lamang mapanghahawakan
ay ang ala-ala ng nakaraan
na ating ibinahagi sa ating kapwa

may mga bagay pala
sa bawat paglisan ng panahon
na kailangan nating pakawalan
upang tayo ay lumaya

dahil ang mas mahirap pala
ay ang hanapin natin
ang ating sarili
na matagal nang nawala.




Den Mar

2 comments:

Anonymous said...

naka-relate ako. thanks. are you old ba?

Anonymous said...

are you the one at the left most part of the pic? the old lady? really? i can't believe that you know how to use the net and more... you're blogging!