Thursday, March 1, 2012
Panalangin
Maari bang ipanalangin mo ako
Na walang patutunguhan
Sa bawat pagsapit ng umaga
Kung saan ako nag-iisa
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw
Habang naghihingalo
Sa aking tinitiis
Na matinding karamdaman
Ipanalangin mong mabusog ang aking sikmura
Nang mga bigong pangakong sa akin ay sinambit
Habang ikaw ay masayang nanginginain
Sa bawat oras na nais nang puso mo
Hayaan mong mangalkal ako
Sa iyong sahig ng mga tira-tira
At mga panis na mumo na para na lamang sa mga aso
Mga mumunting bagay na lagi mong ipinagkakait
Subalit makakapagpasaya sa gutom (hungry) at uhaw kong pagkatao
Ipanalangin mo sana ako bago ka matulog
Na sana katulad mo maginhawa rin ang aking pag-idlip
Ako, na walang bubong na pananggalang sa dilim
Na ipagtabuyan mo palayo sa iyong hardin
Na ang ang kapirasong sulok ay inari kong hiram na langit
Na nang iyong nabatid ay iyong ipinagkait
Kung saan maging ang aking tanging kumot na nanlilimahid
Ay iyong inagaw mula sa akin
Na tangi kong pananggalang sana sa lamok at nginig (coldness)
Na tanging kasa-kasama ko sa pangungulila at pag-iisa
Ngayon ay hubo at hubad akong nanlilimos
Nang iyong dasal sa aking pagsusumamo
Kahit gabutil(little) na pag-big
Sana ay huwag mong ipagdamot sa akin
Ako na hindi mo nagawang sulyapan kahit nang sandaling tingin
Ay taos pusong humihingi sa iyo ng kapatawaran mula sa iyong galit (anger)
Ako na lamang ang iiwas mula sa iyong paningin
Sapagkat ang aba kong anyo ay hindi mo kayang tiisin
Subalit bago ako tuluyang mamaalam
Nais kong sabihin na ikaw ay mapalad
'Pagkat ikaw na laging mayroon mula sa iyong pagkasilang
Samantalang ako ay nanatiling mangmang at mahina
Kaligayahan kong makita kang masaya
At hindi kaylan man hahangarin na katulad ko na ikaw ay magdusa
Lagi akong dumadalangin ng iyong ikaliligaya (joy)
Nang iyong higit na ikasasaya(happiness)
At higit mong ikapagpapala (blessings)....
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Life,
Poverty,
prayer,
Pulubi,
Reflection
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment