Thursday, March 1, 2012
Pagkabata
Sa unang silahis ng araw binabati natin ang umaga
Matapos makapag-agahan isa-isa tayong nagsusunduan
Hudyat ng paglalaro ang pagtawag nyo nang aking pangalan
Upang masayang sumabay sa inyong paggawi (to go) doon sa kaparangan
Binabaybay natin ang kapatagan kapag tayo ay naghahabulan
Sumusuot sa mga dakong ligaw para makahuli ng gagamba
Kung minsan mag-aakyatan sa mga puno upang mamitas ng mga bunga
O makikihigop ng gatas mula sa dibdib ng inahing baka
Kapag nagawi tayo doon sa may dakong may batisan
Sabay-sabay maliligo nang walang alintana
Lalangoy at magwiwisikan sa tubig na maginaw
Hanggang sa mauwi ang lahat sa malakas na halakhakan
Lilipas ang maghapon nang may sayang nag-uumapaw
Hihiga sa damuhan nang magkaka-kapit ang mga kamay
Sabay-sabay mangangarap sa ilalim ng mga tala at buwan
Na tayo'y maglalaro... hanggang sa ating pagtanda...
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS
Labels:
Childhood,
Children,
Dream,
Friendship,
Life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment