Wednesday, March 28, 2012

Paglalaro




sa panahon natin na ang usong laro ay angry bird sa computer games...
libangan ay ang FB sa internet...
at ang pahinga ay ang magbasa ng twilight saga or harry potter...
nakakatuwang makita na ang mga batang ito
ay masayang naghahabulan habang naglalaro...
truly... playing is in our DNA!
sana ang Scouting din ay laging nasa puso natin!
kudos!




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

====
Photo Credit: mula sa mga nilikom na mga larawan ni Scouter Vivencio Panganiban, BSP Laguna Council. Si Sir Vince, isang matalik na kaibigan, kapatid sa Scouting at ka-batch ko sa BSP Advancement Training Course 11-328.

Kabataan




habang tinitingnan ko yung mg pictures
ng mga bagong graduates na students ni sir dominic
naisip ko...

habang sila'y lumalaki,
ako naman ay tumatanda...
dati, nung bata ako,
gusto ko na agad tumanda
kasi gusto kong marami akong gawin agad...
ngayong matanda na ako,
maraming ginagawa
at wala na halos panahon
sa mga bagay-bagay at buhay-buhay,
pinanghihinayangan ko naman ang kabataan ko
na inilaan ko sa pagmamadaling tumanda
na sa halip sana ay naglalaro ako sa kalsada...





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

====
Photo Credit: mula sa mga nilikom na mga larawan ni Scouter Dominic Acabado. Si Sir Dominic, isang matalik na kaibigan, kapatid sa Scouting at ka-batch ko sa BSP Advancement Training Course 11-328.

Tuesday, March 27, 2012

My All



From the darkness of my life you were there
Reaching me out from my despair
Giving me light to see my way
Upon calling me by my name

I cried to You all my pains:
My brokenness… my life’s mistakes
Embracing me as you remain
Then my heart recognized Your holy face

Within Your eyes I have seen my eyes
A mere reflection of Your goodness
In the shadows of Your wings I have seen my self
A servant of Your most holy grace

With Your hands you held my trembling hands
Touching my afraid and refusing heart
Embracing me with Your securing arms of love
And my soul was filled with songs of praise for You…

“You’re my God and my all
You alone I adore
In Your works is a mighty presence
Of Your holiness I see

My heart sings joy to Your name
Proclaiming Your great majesty
You’re the living Christ who dwells in me
The Saving Lord, Jesus, I have known…”






===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sunday, March 25, 2012

ATC 11-328



it's almost a year na pala.
paulit-ulit man,
gusto ko pa ring magpasalamat
sa lahat ng participants at trainors
dahil sa isa itong napakagandang experience...

bilang tao, pinalalim ang aking pagtingin sa buhay.
bilang kapatid ng kapwa ko Scouts, naramdaman kong minahal ako.
bilang Scouter ng mga kabatang nagiging kapwa ko manlalakbay sa landas na tinatawag nating 'buhay' ... lalong pinag-alab ang aking puso upang paglingkuran sila...

salamat sa pagmamahal at pagmamalasakit...
ito ang naging pinagbubukalan ng pag-ibig
na ibinabahagi ko rin sa aking kapwa
sa ilalim ng iisang bubong ng kalangitan
kung saan ang kapayapaan at pag-asa
ay itinuturing kong abot kamay...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, March 24, 2012

On Forgiveness



Last three days ago, I visited the Philippine National Orthopedic Hospital to meet a friend. A 63 year old lady was there sitting silently on her wheel chair. Her left foot was cemented for it was severely fractured. She told me that she was hit by a running pizza-delivery-motorcycle on the very early morning of June, 2011 on her way to the market where she was a street vendor. Her husband, 65, was not there to accompany her for he's been working; and her three children were not there also for they also have their own lives. I thought, the one who's being with her was her relative, but she simply smiled and added "siya yung nakabangga sa akin" without any tone or feeling of hatred for that person. I was silenced for a moment... deep within me, I realized that she's blessed by God for being a forgiving person.





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sharing



While on a Boy Scout outreach-program in a slum area... during meal time, I've seen a boy participant taking his share of snack of tetra-pack-juice and a piece of pandesal with egg but, surprisingly, he refused to eat it. Instead, he put it beside him. After giving the session, I met him outside with his bundle of joy (the snack) and asked him, "ngayon ka pa lang kakain?" and he answered, "hindi po, dadalhin ko po sa bahay, hindi pa po kasi kumakain ang mga kapatid ko kahapon pa e..." I was touched so I went with him and bring also my share of snack.

This boy who also have an empty stomach was so compassionate to his other siblings who has nothing to eat. I thank God for sending this kid to me for he has reminded me to be KIND and compassionate with others who are in also in need.

As I reflected, indeed, this is beyond Scouting, it's an act of charity which only God's children manifests.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Himutok



"Ang mga tao ngayon...
palaging may pambisyo...
pero walang pwedeng ibahagi sa kapwa...
kaya kami dito (sa isang footbridge)...
tiis-tiis lang...
hindi kami umaalis umulan man o umaraw...
nagtitiyaga kaming maglahad ng palad at maghintay...
hanggang may maawa sa amin
hanggang may magbigay..."

bulag na pulubi sa isang foot-bridge

===
nagkita uli kami ni manong kanina. ibig kong sabihin, ako lang pala ang nakakita sa kanya, kasi bulag nga siya e... mukhang cool naman siya kaninang hapon... last week, e ang sungit nya. siguro, kasi umulan kaya malamig-lamig din ang ulo nya. siguro kung pwede lang, e maglulunsad din siya ng rally... parang mga jeepney drivers... manghihingi ng umento para sa dagdag limos...

Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

A Peculiar Experience



My co-teacher told me that while on a passenger jeepney one night, a band of 'masked' teenagers broke-in with 'paltik' (home-made gun) and balisong (knife) to intimidate them as they declared "HOLD-UP!"They quickly ransacked each of the passengers with their valuables until they finally reached my co-teacher who was sitted at the back of the driver. One of them shouted, "akin na ang celfon... sasaksakin kita..." and my co-teacher was forced to submit his 'celfon.' But all of a sudden, another one shouted, "pare 'balato mo na sa akin yan! teacher ko kasi yan!"

My co-teacher was investigated in a nearby police station, but he failed to recognize the robbers.

My co-teacher told the police, "sa dinami-dami ng mga nagda-drop out na estudyante ko dahil sa sobrang kahirapan... malamang, ang ilan sa kanila e nakaisip na gumawa ng masama..."

And this incident challenged most of us teachers: to instill in the young mind of the youth that there's always hope amidst the so many trials in life.

What they need are real life examples, a hero, to emulate with. When we share our time, talents and treasures to them who are less fortunate, we also give a life which is full of hope. We show to them that the real world is not a cruel world to combat with.

We care for them... we see them and we sympathize with them because they co-exist with us... that their existence is important for they are a part of the entire humanity. We would realized that we are all connected... and we are connected by the LOVE springing from the ever compassionate heart of God.

Unless we would make ourselves available to them... then, they will believe that there's still hope. Unless.. we share to them what we have... then they will believe that we are sincere... Unless we reach for them... heart to heart... then we
could claim that we are all witnesses to a real loving world. It's not too late to start anew... the time is now...to change our hearts and minds. Den Mar

Thursday, March 22, 2012

Ngayon na ang Panahon



Sana ay magawa natin
Yung mga maliliit at mumunting bagay
Na maaaari nating magawa ngayon
At sana hindi na natin ito ipagpabukas
Dahil maaaaring maging huli na
Ang araw na iyon
Para sa isang layunin
Na nakalaan para sa oras na ito

May mga landas sa ating buhay
Na minsan lang nating babaybayin
Gusto man nating balikan
May pagkakataong hindi na maaari
Sapagkat maaaaring
Hindi na ipahintulot ito ng panahon
Dahil hindi natin hawak sa ating mga kamay
Ang nakatakdang tadhana ng ating buhay

May mga mukha
Na maaaring hindi na natin maaaring muling makita
May mga tinig
Na maaaring hindi na muling marinig
May mga galaw
Na hindi na maaaring gawin
May mga bahagi sa ating buhay
Ang maaaring hindi na nating muling masilayan
May mga pangako ng muling pagbabalik
Ang tuluyang malimot ng panahon at hindi na maisakatuparan
Dahil maraming maaaring mangyari
Upang tuluyang mag-iba
Ang ating mga tinatahak sa buhay

Sa pagkakataong lisanin natin ang bawat isa
Ating landas ay tuwiran nang magsa-sanga (part away)
Maaaring paghiwalayin ng kanya-kanyang kapalaran
Nang tuluyang paglayo o nang kalungkutan o nang kamatayan
Ang pagkakataon ang siyang magiging saksi
Kung saan ang lahat ay maaari na lamang balik-balikan
Sa ating gunita... sa ating pag-iisa
Ang mga matatamis na nakaraan...
May kalungkutan man o may kasiyahan...

Tayo ay kapwa manlalakbay sa buhay na ito
Mga misyonero ng Diyos na Dakilang Manlilikha
Sa pamamagitan ng ating mga kamay
Inaabot natin ang bahaging ilang(wilderness)
Upang marating ang ating kapwa buhay

Sa ating pagtahak patungo sa kanila
Ang ating dala-dala ay hindi lamang ang ating mga sarili
Kundi tangan-tangan natin mula kaibuturan ng ating mga puso
Ang Kristo na natanggap natin at minahal
Na ating ibinabahagi rin sa ating kapwa

Malimit...
Hindi natin nakikilala
Ang mga Kristo ng ating kapanahunan
Hindi natin sila namamalayan
Pagkat hindi natin sila minahal
Ang mga abang pulubi na kumakatok sa ating mga saradong pintuan
Mga naglalahad ng kamay ng may pagpapakumbaba at buong pag-asa
Mga kapos palad na nagsasabing tayo ay mapalad
Sa mga biyaya buhat sa Dyos Ama

Kung kaya...
Tayo ay tinatawag na magbigay
Magbahagi ng ating buhay sa ating kapwa
Upang maging Kristo tayo ng ating kapwa
Isang Kristong nagbibigay
Sa isang Kristong tumatanggap (imitation of Christ)

Kagaya ni Kristo
Mahalin natin ang ating kapwa
Wala tayong dapat itangi sa isang hapag ng Panginoon
Maglaan tayo ng oras at lakas
Hindi lamang sa mga aba at inaapi
Kundi maging sa mga kabataang kanyang minahal at itinangi

Alalahanin natin na ang lahat ng ating mga biyaya
Ang talino, lakas at kakayahan
Ay mga tanging handog mula sa Dyos na ating tinanggap
Nilinang ng buong kakayahan
Upang ating ibalik din sa nagbigay
Kung saan mula sa ating mga kamay
Dumadaan ang grasya at pagpapala
Nang nag-uumapaw na biyaya mula sa Manlilikha
Upang ibahagi sa ating kapwa ang ating hiram na mga biyaya

Habang tayo ay malakas
Ang tangi lamang nating magagawa
Ay ang magmahal sa bawat saglit
Dahil anu't-ano man ang mangyari sa ating buhay
Nagawa natin ang dapat nating gawin
Kaylan man ay hindi mapaghihiwalay
Nang agwat ng oras at distansya ng lugar
Ang dalawang pusong nagmamahal
Sapagkat laging mananariwa
Ang pag-ibig at pagkakaibigan

Hindi lumulubog ang pagsikat ng araw
Sa mga puso ng bawat nagmamahal
Sapagkat kaligayahan nila ang bawat ala-ala
Nang mga taong humipo sa kanilang buhay

At sa bawat hakbang mong tinatahak
Lilisan kang hindi nag-iisa
Sapagkat sa anino mo mababanaag
Ang puso ng isang mapagmamahal
Isang magandang ala-ala ang iyong mga bakas
Na isinatitik sa pisara ng kanilang buhay
Kung saan maraming buhay kang nasaling
Sapagkata ikaw ay may pusong mapagbigay...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Tuesday, March 20, 2012

Kapangyarihan



Maraming mga bagay ang mahirap unawain
Lalo pa... kung hindi natin ginamit ang mga mata at puso ng Diyos
Mahirap maunawaan ang pagdurusa ng ating kapwa
Kung ang pamantayang ginagamit natin
Ay ang pamantayang tayo lamang ang lumikha

Kung kaya maraming sugat ang lalong nasasaling at sumasakit
Sapagkat lalong lumalalim ang iniindang tinitiis
Nang mga kapatid nating ating nahuhusgahan
Sa bawat salita at galaw nila na ating binibilang...

Hindi natin mararamdaman ang pagdurusa ng ating kapwa
Kung hindi tayo magiging saksi sa kanilang mga iniinda
Kung patuloy tayong umiiwas sa katotohanang pilit nating tinatakasan
Na tayo ay bahagi ng ating kapwa buhay

Ang pamantayang nilikha natin
Ay ang pamantayang nagtataboy sa iba
Bilang malakas at puma-pader sa atin
Upang gahamang (selfishly) angkinin ang bawat karapatan
Na ibinigay lamang ng Diyos sa bawat isa...

Ang bawat talino, lakas at kakayanan
Ang pawang regalong handog lamang mula sa Dakilang Lumikha
Dumaraan lamang ito sa ating mga palad
Upang ibahagi sana rin natin sa iba...

Subalit... mas marami ang nasisilaw
Sa kaunting kinang ng mga bagay-bagay
Maraming kumakapit sa katanyagan at kapangyarihan
Upang libakin at apihin ang kapwa nating nilikha...

Kailan pa ba tayo matututo?
Na maging bukas-palad (giving) sa ating kapwa
Kung ang lahat ng ating hinahangad ay ating iiwan
Sa sandaling tayo ay igugupo ng sakit at karamdaman...

Habang tayo ay naghihingalo
Doon natin maiisip na tayo'y katulad ng ibang kahabag-habag din
Sapagkat ang ating kasalatan sa pagmamahal
Ay tinapalan lang pala natin ng ating pagiging ganid at lapastangan...

Kung kailan hindi na natin kayang sapuhin sa ating mga palad
Doon natin mauunawaan ang kahulugan ng pagmamahal
Pagmamahal na nag-uugat sa pag-unawa
Nang ating kapwa na nais ding huminga sa ilalim ng sandaidigan

Masasabinating tayo ay mas kahabag-habag (pitiful)
Dahil tayo ang naturingang mas makapangyarihan (powerful)
Subalit tayo rin ang tila ganid na nang-aagaw
Nang buhay at dangal ng mas mahina nating kapwa

Katotohanan mang isipin na lahat naman tayo ay kailangang magbata at magtiis
Na ang mundo ay isang tagisan nang malakas laban sa mahihina
Subalit sa kalagayan ng bawat aba at api
Ang Diyos ang nasa kanilang piling na nakikidalamhati
Sa kanilang pasakit at nilulunggati

Sa huling sandali ng ating buhay
Sa paghihingalo natin at pag-aagaw buhay
Mararamdaman nating tayo ay nag-iisa
Sapagkat hindi natin tinanggap si Kristo sa ating kapwa

Saan patutungo ang ating kaluluwa?
Gayong wala tayong inibig kundi ang ating sarili
Habang nakikita natin ang langit ng bawat aba at api
Tayo naman ay nagdurusa sa impiyernong hinangad natin...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Martir



Ang mga dukha
Ang mga inaapi at aba
Ang mga biktima ng kawalang katarungan
Ang mga ulilang lubos
Ang mga walang masilungan
Ang mga walang pag-asa
Ang mga iginugupo ng sakit at karamdaman
Subalit patuloy pa ring umaasa
Sa habag at kalinga ng Dyos Ama

Sila ang maituturing na makabagong martir ng ating panahon
Sa gitna ng kanilang mga pagdurusa
Pawang dinadalisay tayo ng Panginoon
Mula sa ating kawalang pakialam
Tinatawag ang ating mga puso upang umunawa
At makibahagi
Sa dinaramdam nilang pasakit
At kawalang pag-asa

Ano nga ba ang kahulugan ng ating mga biyaya...
Kung saan tayo ay may mga kamay
Maabot nawa natin ang mga nangangailangan
Gamit ang ating mga paa
Marating nawa natin ang mga nais makibahagi sa ating buhay
Gamit ang ating mga mata
Maging gabay nawa tayo ng mga nadidiliman
Gamit ang ating mga talino at lakas
Maging ilaw nawa tayo at pag-asa ng mga naguguluminahan

Bahagi natin ang mga taong tulad nila
May mga nanlilimahid na kamay na nanlilimos ng ating awa
Maging tayo nawa ang kanilang kanlungan sa gitna ng kanilang pag-iisa
Maging tayo sana ang matatawag nilang nagmamalasakit na pamilya
Sa gitna ng kanilang pangungulila
At masidhi nilang mga pagdurusa

Sila ang mga banal na naglipana sa ating buhay
Nakatawa habang umiiyak ang kalooban
May mga balat na sinunog nang araw subalit hindi maririnigan ng mga daing
Na hapong-hapo sa maghapong pangongolekta mula sa mabahong basurahan
Na itinuring nilang mga mumunting pag-asa
Na ang nakakasikdong amoy ng kabulukan
Ang sumasalamin sa kapabayaan ng lipunan
Na binubuo ko at nating lahat
Na naging manhid sa kanilang pangangailangan
Na naging bingi at bulag sa kanilang nga pagtawag...

Sila na nangungunyapit sa dilim ng gabi
Habang pinapapak ng lamok ang galis-galisang katauhan
Na may mga sugat na hindi na gumagaling
Sapagkat walang tahanan o kahit bubungang silungan
Kagaya ng mga tambak na basura
Inihihimlay niya ang kanyang sarili
At pagal na kaluluwa
Kung saan maaari kahit sandali
Subalit ang hindi natin nakikita
Habang sila ay humihimlay
Duon inilalahad ng Diyos ang kanyang mga kamay
Upang maging higaan niya sa buong magdamag
Hanggang magising muli sa isang bagong umaga
Sa isang bagong maghapon na kanilang susuungin
Nang may pag-asa at buong pusong pananalig...





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, March 16, 2012

Likes and Share sa FB



Sa facebook normal na ang ma-touched sa mga pictures... naaawa sa matandang lolo at lola, gustong tumulong sa mga batang may sakit, nakikidalamhati sa mga taong biktima ng karahasan... hindi nga lang natin nila-like, sini-share pa nga natin...

Siguro kung ang nararamdaman sa FB ay maisasabuhay natin kahit ngayong semana santa man lang... mas maraming magbibigay sa mga pulubi, mas maraming tutulong sa maysakit, mas maraming magbabahagi ng oras sa kapwa at walang magko-corrupt.

Kasi ang totoong mundo ay hindi lang picture... kundi totoong buhay. Hindi lang 'click' ng ating daliri ang kailangan... kundi mga kamay na nagmamalasakit sa ating kapwa...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS


Sa facebook normal na ang ma-touched sa mga pictures... naaawa sa matandang lolo at lola, gustong tumulong sa mga batang may sakit, nakikidalamhati sa mga taong biktima ng karahasan... hindi nga lang natin nila-like, sini-share pa nga natin...

Siguro kung ang nararamdaman sa FB ay maisasabuhay natin kahit ngayong semana santa man lang... mas maraming magbibigay sa mga pulubi, mas maraming tutulong sa maysakit, mas maraming magbabahagi ng oras sa kapwa at walang magko-corrupt.

Kasi ang totoong mundo ay hindi lang picture... kundi totoong buhay. Hindi lang 'click' ng ating daliri ang kailangan... kundi mga kamay na nagmamalasakit sa ating kapwa...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, March 15, 2012

The Cross of Jesus Christ



The cross is a symbol of shame...a capital punishment for the serious offenders by the Romans borrowed from the Persians...

To be crucified for the Persians...is to be lifted to the ground so as not to taint the ground. For the one being crucified is an embarrassment to the earth.That's why he should be elevated so as not to contaminate the earth.

When Romans imported that kind of torture, it was applied to its subject, including Israel.

Until...

Jesus was accused of pretending to be a king. Jesus... who they don't want to contaminate the earth was nailed on that cross of shame. But on the the cross became the Savior of the World. While hanging on the cross which symbolizes the meaning of death, Jesus changed its humiliating meaning into salvation.

St. Jerome



HIS LIFE:

St. Jerome was born at Stridon, a town of Dalmatia which is part of the Kingdom of Croatia about the year 340 to 342. He was baptized in Rome, probably about 360. There, his interest grew in ecclesiastical matters. He pursued his theological studies at Trier which is known for its schools. Afterwards, he journeyed to Aquilea and by 373 headed towards the East. He lived as a hermit in the desert of Chalcis, south of Allepo where he devoted himself in studying. He perfected his knowledge of Greek, began learning Hebrew and transcribed codices and Patristic writings. He grew in spiritual maturity due to his constant meditation, solitude, and reflection of the word of God. He bitterly regretted the indiscretions of his youth where he was so attracted to earthly life. In Antioch, he heard Apollinaris of Laodicea, one of the early exegetes, who was not yet condemned by the Church during that time. He led an ascetical life in the desert of Chalcis, south-west of Antioch from 374 to 379. There in Antioch, he was also ordained before he proceed to Constantinople by 380 to 381 where he met St. Gregory of Naziansus who also became his close friend. He went back to Rome in 382 to engage himself to Pope Damasus who recognized his brilliance and employed his service as secretary and counselor. The Pope encouraged him to translate the biblical text into Latin for pastoral reason. Aside from translating the Bible, he also served as spiritual directors of some renowned noble women of Rome where they also learned from him Greek and Hebrew. Sadly, his protector, Pope Damasus died on December 11, 384. Since he was involved in controversies wherein his harsh criticism earned him vengeful enemies who wanted to ruin him, he was forced to leave Rome in 385.

After a year of travelling as a pilgrim, to Holy Land and then to Egypt, he finally sought refuge in Bethlehem in 386. He stayed in a monastery founded by two Roman ladies, Eustochium and Paula, who followed him to Palestine. Jerome and his companions, especially Paula, chose the peace and quiet and peace of Bethlehem for their solitude. With money from the sale of his patrimony, and with the help of Paula, Jerome built a monastery that was completed in 389.

From then on he led a life of ascetism and study. He continued to do a large amount of work from making commentaries on the Word of God; by defending the faith opposing various heresies; he urged the monks to live a holy life; he taught classical and Christian culture to young students; he welcomed with a pastor’s heart pilgrims who were visiting the Holy Land.

Jerome was a prolific writer as exhibited by his literary output from 386 to 420. His native tongue is Syriac though he mastered Hebrew, Greek and Latin. He was constantly immersed in study and in books. He was continually occupied in reading and writing. He permitted himself not to rest day and night. He dedicated his life to studying the Bible and recognized by Pope Benedict XV as ‘an outstanding doctor in the interpretation of the Sacred Scripture. For Jerome, we could know Jesus Christ himself through the Scripture, thus, anyone could not leave without the knowledge of Scripture. The Bible for Jerome is an instrument by which God speaks every day to the faithful. He advises to one of his directee-- to one of his spiritual daughter, to love the Sacred Scripture so that she could be loved by wisdom.

His major works include his revision of the four Gospels in Latin. Between 389 to 395, he dedicated himself to the mission of translating the entire Bible from the original Hebrew and Aramaic which lasted until 405 to 406. The first book which he translated were Samuel and Kings, followed by the sixteen prophets. After which, he then revised the Psalter and many other parts of the Old Testament. He produced the Vulgate which is a better Latin translation of the Bible and becomes the official text of the Latin Church and up to the present. Further, aside from the Bible, he also translated the thirty nine-homilies of Origen on the Gospel of St. Luke.

As a translator, he laid a criteria which he personally applied to his works. Harmony with the Church’s Magisterium was his fundamental criterion of the method for interpreting the Scriptures. According to him, he respects even the order of the words of the Sacred Scriptures. Authentic interpretation must always be in harmonious with the faith of the Catholic Church. In reading the Bible, he advises not to read it alone because there are many dead ends and any lone reader might fall into the pit of error. He explained that the Bible has been written by the People of God and for the People of God under the inspiration of the Holy Spirit.

Jerome’s early serenity suffered a gradual but definite decline which was evident to many of his letters and especially in his devastating replies to heretics: “I have hated them with a perfect hatred.” The Saint would be considered a “hate monger” today for his treatment of a heretic.

He is against the heresy of Pelagius which is an ally of naturalism which exalts nature to the detriment of supernatural order — the order of grace. It is also has a tendency to rationalism in that it denies the mysteries of faith which transcend all reason. The Pelagians denies original sin. For them, the sin of Adam harmed only himself, that it doesn’t affect the entire humanity. According to them, babies are born now in identically the same condition in which Adam was before the fall; unbaptized babies are saved without baptism, and adults can be saved by practicing the natural virtues without faith or grace. St. Jerome’s battle Pelagianism was resolved in favor of him and to the concern of the Church, he was continually by his opponents, the Pellagians, up to the very end of his life.
Jerome’s arduous intellectual labor was subject to constant interruption by his frequent illnesses and his duties as a faithful spiritual director to many monks and nuns. Constant visitors and letters reached him from all parts of the Christian world.

Though a harsh man in his exterior, being hot-tempered in character with which nature has endowed him, he was a sensitive and responsive soul. He has a high regard for tiny creatures by his many descriptions with of minute plants and animals whose perfection and beauty filled him with awe and wonder. He has a heart for the young. He has patience for the inexperienced. He had always been in sympathy with the work of the great founder of monastic or cenobitical life, St. Pachomius, whose rule he later translated.

As an abbot of his monastery, every day when he’s not studying, he preached, he expounded the Septuagint Bible to his monks, especially the psalms, to arouse the quarrelsome to do well and to inspire all with zest and courage. Jerome and his disciples chanted the psalms at the regular hours. He often looked with envy upon the humble work of the brethren who found in such labor, like gardening and fruit culture, as great ascetical help, but in his case he never do this. Jerome chides the brethren for quarrelling over a pen after having given up all their worldly possessions. With tenderness and constancy, he exhorts his monks to virtue; urges them to show themselves worthy of their profession. He spoke of fasting from food as a necessary practice to be charitable and pure. To help the poor for him is already a prayer. Although, preoccupied by his studies, he, nevertheless, disregard the needs of his monks. With the help of some of his monks, Jerome prepared catechumens for baptism. He even prepared special program of Christian education for the youngs in their tender years.

With regards to his retreats, there is no documentary evidence on the various daily observances. From among the places sanctified by the Redeemer, Jerome chose Bethlehem, where he could contemplate in rapture the tiny Man-God. From the constant thought of the crib and the poverty of the Infant Jesus and of the rejection of Mary and Joseph in Bethlehem, came the generous hospitality exercised by Jerome and his companion, Paula, for an extraordinary number of strangers and pilgrims.

A man of Church he was, he gave all that he had. He died in his cell close to the Grotto of the Nativity on September 30, 419-20.

HIS HOMILIES ABOUT THE PSALMS
(Based on St. Jerome, The Fathers of the Church: Volume 48, Homilies on the Psalms, ed. Roy Joseph Deferrari et. al, Trans. Sister Liguori Edwald, I.H.M. Washington, D.C.: The Catholic University Press, 1964)

Let me now discuss the his collections of his homilies about the psalms, most of the homilies were have been rejected first from the writings of St. Jerome because of the many defects that can by no means escape the experienced critic. These homilies had been excluded from critical editions since the sixteenth century and ascribed to Jerome’s apocryphal writings. But Morin, reminds that no matter how great or learned man Jerome was, nevertheless, he was still a man and fallible. The inferiority of style, the many lapses of memory, inexact citations, occasional lack of good taste, the socialistic attitude towards wealth, the constant preoccupation with allegory, are also so many evidences of their impromptu nature. Not destined for publication, they were intended for simple monks—their tone as would expect from such circumstances, is almost colloquial.

To summarize the whole collection of homilies: First, these were preached in a church during liturgical services, as mentioned in Homily 45 on Psalm 132. Second, many were preached on Sundays, but the one on Psalm 6, it was postponed until Wednesday because of the illness of the preacher. There are sermons for Christmas day, the feast of the Dedication, the feast of the dedication, the feast of the Apostles Peter and Paul, and a series for Lent. Third, it reflects that the preacher is a monk and his hearers are also monks to whom he speaks frankly of their faults against fraternal charity, as in Homily 41 on Psalm 119. Fourth, the homilies reflect that the preacher is a Westerner who delivered his sermons in both Greek and Latin which he usually delivered at Bethlehem, or at other times at Jerusalem. His love and preference for is undistinguished, as in Homily 44 on Psalm 131. Fifth, throughout, St. Jerome has used familiar phrases and expressions and there’s a flair for allegorical phrases and expressions. Sixth, The preacher gives evidence a thorough knowledge of the Hebrew and the Greek versions of Scripture.

There’s one thing about St. Jerome that keeps on reverberating in my mind, his remark that says: “Ignorance of the Scripture is ignorance of Christ.” Like his disciples, upon reflecting his works and deeds, I am inspired to know more about God through His own living words.


====
BIBLIOGRAPHIES:

Pope Benedict XVI, Church Fathers: From Clement of Rome to Augustine. San Francisco:
Ignatius Press, 2008.

St. Jerome, The Fathers of the Church: Volume 48, Homilies on the Psalms, ed. Roy Joseph
Deferrari et. al, Trans. Sister Liguori Edwald, I.H.M. Washington, D.C.: The Catholic University Press, 1964.




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Wednesday, March 14, 2012

Pahimakas (Panalangin sa Pagtanggap sa Kamatayan)



Panginoon...

Iniaalay kong lahat ng ito:
Aking mga pasaning pasakit at hinagpis
Kung kay'lan at kung haggang saan lamang
Ang aking kayang patunguhan
Ay aariin ko pa rin itong kayamanan
Sapagkat ito ay ang langit na napasaakin
Na muli kong ihahandog sa iyo...

Sapagkat sa paglalakbay na aking tinatahak
Mabigo man ako at tuluyang sumuko
Ang pinakamahalaga
Sa isang bubong ng kalangitan
Ay natagpuan mo ako at nagkasama tayo
Kung saan niyakap mo ako ng buong higpit
Sa iyong nag-aalab sa pagmamahal na bisig...

Tinawag mo akong kapatid
At hindi iwinaglit sa iyong paningin
Hanggang sa aking pag-alis
Sa akin ikaw ay nananatili
At sa landas na tutunguhin ko
Sa pagbaybay ko sa landas na pabalik
Ito ay ang ganap ko nang pagsuko
Upang bumalik na sa iyong piling...





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Saturday, March 10, 2012

Pagbabalik



Sa bandang huli...
Matapos ang hiwalayang naganap
Pagpapatawad pa rin ang patutunguhan ng lahat ng galit
Kung saan sisibol muli ang pagmamahal
Na magpapalaya sa atin
Sa ating pagkaalipin sa ating mga hinanakit

May mga landas mang matinik sa ating buhay
Na nakakatakot balikan
Dahil nagdulot ito ng masidhing trauma at pagkabahala
Kung saan ang mga bakas ng bawat yapak
Ay ipinangako natin sa ating sariling kaylan man ay hindi na babagtasin

Subalit may mga pangako ring kailangang tuparin
Mga pangako ng pagmamahal na sa kalaunan ay kumupas at nawalan nang kahulugan
Kung saan sa pagkakataong hinihingi ng panahon
Kung kailan kumatok muli sa ating naghilom na pagkatao
At lumayang kaluluwa
Ang pananariwa ng nakaraang ating iniiwasan

Pilit man nating ikubli
May mga pagkakataong muling tumitibok ang ating pusong nasugatan
Sinasabi na sa pagkakataong ito
Handa na akong muling umibig
At magmahal ng higit sa kaya kong gawin
Dahil sa pagkakataong ito
Mas mapagpatawad na ako
Kaya ko nang makita ang kagandahan sa aking iniibig
Dahil kaya ko nang panghawakan
Nang lubos ang aking sarili

Kaya ko nang sabihin ito sa iyo
Nang buong-buo mula sa aking naliwanagang puso:
Mahal na mahal kita
Sa kabila
Nang mga naging pasakit
Mo sa akin

Kaya kong baguhin ang sarili ko
Alang-alang sa iyo
Hindi ako martir
At lalong hindi ako santo

Nagkataon lang
Na ikaw ang inibig ko
Sa mga kahinaan mo
Aalalay ako
Sa mga pagkukulang mo
Uunawa ako
Hihintayin kitang magbago
Sasabay ako sa bawat hakbang mo
At kung ikaw ay mahulog muli at magkamali ng paulit-ulit
Sa pagkakataong ito...
Makailang beses ding sasaluhin kita
Mananatiling akong lagi sa iyong tabi
Hindi ako magsasawa
Hindi ako magsisisi

Mas mahal na pala kita ngayon
Nang higit sa aking sarili...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, March 8, 2012

Jesus-- the Wounded-Healer



When man disobeyed God, man was wounded by sin; and when man was alienated from God, God was wounded by man’s separation from Him. A once harmonious communion between God and man was wounded by man’s original sin; and this situation needs to be reconciled by Someone who will stand as a mediator who both belongs to God and to man. He is the Someone who would understand the wounded situation between God and man. The Someone who would sacrifice because of His deep love between the two wounded parties.

God gave man time to understand his wounded situation. He saw how man coped-up with his woundedness. Wherein, through the ages, man’s woundedness remained unhealed. As an entire humanity, he cannot fully grasp the meaning of his woundedness which is deeply rooted from his broken relationship with his Creator. Without God, man feels so lonely that’s why he clings to worldly things instead—power and addiction to vises. This separation from God, as time goes by, made also man to be separated from his neighbor—through human conflicts brought by man’s selfish desire to feed his woundedness with things that he thought that would quench it.

With this woundedness, the world is then divided between a handful of powerful and those who are not. There is no peace…because of greed, there is no harmony among creations-- for the tyrants gluttonously wanted to have more for them so they resolved to war every now and then. For the powerless, there is nothing left. Those who are powerless usually die of hunger and disease. The powerless, who are the poor, are usually the victim of these handful and powerful oppressors. The powerful became more wounded because they are continuously sinning, while the poor ones also became more wounded for being continuously exploited.

With this man’s hopeless situation, God is further wounded. Man, as an entire humanity, cannot redeem himself in his wounded situation, so God send His Son, Jesus, to heal the woundedness of man. He is the Someone who could reconcile the wounded relationship between God and man. Because, as uios (Son) of God, he also feels the woundedness of the Father. Jesus also feels the very deep longing of God to His most beloved creation, who is man. And through Jesus’ incarnation, he also shared man’s dilemma of being man… wherein he embraced totally the weakness of being a man through His kenosis (self-emptying). As man, Jesus was also tempted by the devil, but unlike Adam, he prevailed. Through his earthly ministry he invited everyone to conversion … sinners and saint, poor and the rich, healthy and weak… all for the sake of the Kingdom of God. He became their healer from being wounded by sins. He commanded them with great love and compassion: “Take heart, son; your sins are forgiven.” … “Stand up, take your bed, and go to your home.” (Matthew 9:2,6)

The only thing that Jesus did not embrace was man’s woundedness by being sinful. But man’s sinfulness wounded Jesus when He was nailed on the cross. On the cross, love triumphed over sin. The love of Jesus to obey the will of the Father and his love for humanity has healed the woundedness that separated God and man. The wounds of Jesus on the cross has totally healed the wounded humanity by being forgiven for their sins. It has healed the woundedness of God for His longing to His most beloved once alienated creations due to sin because they are now made adopted tekne (children) through His Son, Jesus Christ. Through the wounds of Jesus on the cross, man is reunited once again in communion with his ever loving Creator.

Truly, Jesus is a wounded-healer.





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Sunday, March 4, 2012

Immersion



Immersion...
Eto yung experience
Nang pakikibahagi sa ating kapwa
Yung sinasabing "come and see"
Yun bang nakikipamuhay ka
Sa buhay ng may buhay
Habang hinahayaan mo rin silang
Pumasok sa iyong sariling buhay...



Pakikituloy (foster family)...
Nang ako ay kumatok
Sa isang giray-giray na tahanan
Sa pusod ng isang squatters' area
Buong galak akong pinagbuksan ng pinto
Nang isang lola (lola Helen)
At bukas-kamay (generously) akong tinanggap
Upang patuluyin
Upang magpalipas ng magdamag
Sa kanyang halos dalawang dipang
Payak na tahanan



Ang bahay ni lola...
Mababa ang kisame
May kainitan
Walang palikuran
Salat sa karangyaan
Walang kagamit-gamit
Sahig ang upuan
Subalit ramdam ko ang pagmamahal
Na nag-uumapaw mula sa matandang ito
Na mula sa karukhaan nya
Nasabi kong nakita ko
Ang mukha ni Kristo
Sa kanyang walang karekla-reklamong ngiti
Dito sa tahanan nya
Naramdaman kong
Pinagpala ako dahil sa kanya



Palagayang loob (kwentuhan)...
Buong puso nya akong ipinagsandok ng kanin
Pati ang ulam na kakainin pa sana nang kanyang anak
Ay ibinigay na rin nya sa akin
Sa mahabang oras ng aming palagayan ng loob
Naunawaan ko ang kanyang simpleng pagtingin sa buhay--
Tatlumpung taon man siyang biyuda
Subalit ang pag-aalaga ng kanyang napakaraming apo
Ang naging bahagi na nang kanyang buhay
Sa kabila ng halos walumpung taon
Hindi niya ipinagdamot ang kanyang sarili
Upang maglingkod sa kanyang mahal sa buhay
Sa kabila ng kanyang nararamdamang katandaan
Heto pa rin siya
Nanatiling matatag
Hindi nakakalimot sa Diyos
Bukas-palad sa kanyang kapwa...



Tulugan (Sleeping Time)...
Malalim na ang gabi
Subalit nanatili siyang gising
Hinintay nya ako
Mula maghapong
Pagbisita ko sa mga lugar ng kanilang parokya
Sa parehong sahig nang kanyang bahay
Kung saan natutulog na ang kanyang isang anak at dalawang apo
Ipinaglaan nya ako ng isang sulok kung saan ako matutulog
At dahil sa pagod
Pagkahiga ko pa lamang
Basta pagkasabi ko pa lang ng "good night po lola"
Ayun na
Sa sobrang pagod
Madali akong nakatulog
Ni hindi man lang ako namahay
Dahil siguro
Pakiramdam ko
Itinuring na rin niya akong
Isa sa kanyang mga anak...



Alas sais ng umaga, gisingan...
Ginising na niya ako
Merong kape
At pandesal
Naghanda na siya ng agahan
Sinabayan nya ako ng kwento
Sa lakas ng boses ko
Para sa isang maliit na kwartong iyon
Ay nagising na rin
Ang kanyang mga natutulog na kaanak
'Kwentuhan kami
Madaling nakapag-palagayan ng loob
Nag-usap ng mga lugar na aming narating
Nang mga pangyayaring may ningning sa aming buhay
Hanggang naramdaman naming
Nagtatawanan na kami
At napapa-iyak
Sa aming pagbabahagi
Nang mga buhay-buhay namin
Sa isa't-isa


Pamamaalam...
Nung nagpaalam ako kay lola
Niyakap ko siya
Nagpasalamat
Sa isang magdamag
At maghapong pakikituloy sa kanyang maliit na dampa
Ang pamamaalam na ito ay tila kakaiba
Kasi may kirot
Dahil pakiramdam ko
Lilisanin ko ang isang tahanan
Na natutunan ko nang mahalin
Na lilisanin ko
Ang maliit na bahay na iyon
Kung saan natagpuan ko
Ang isang mumunting pugad
Nang isang nakapangyayaring pag-ibig
Kung saan nananahan
Ang mga mumunting buhay
Na may maririkit na kwento
Na nagbigay ng inspirasyon
Sa puso kong
Malimit na dumaraing
Habang ako ay papalayo
Hinabol ako ng habilin ni lola
Tila nakukulangan pa siya
Sa aking maikling panahong pamamalagi
Napangiti ako
Dahil kahit ako
Kung maaari lang
Nais kong ring ipagpabukas na
Ang aking pag-alis
Tumigil ako sa aking paglalakad
At muling lumingon sa kanya
Siya na may ari ng garalgal at masayahing tinig
Ay humahabol ng kamay sa akin
Humahabol ng mga huling habilin
Kung sakaling ako ay mag-alanganing bumalik
Muli nya akong iniimbita
Sa mga susunod na panahon
Na ako ay muling tumuloy sa kanyang tahanan
Kapag ako ay muling magawi
Sa kanilang dukha at abang lugar
Kung kaylan...
Ay hindi ko pa alam
Pero ang sinasabi ng tibok nang aking puso
Sabik na sabik na muli akong
Magkita kaming muli...






Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Friday, March 2, 2012

Hingahan


Ito ang immersion
Hindi ka lang nakikibahagi
Kundi nakiki-isa ka rin
Sa bawat tibok ng puso
Ng mga taong maaabot
Nang iyong mga palad
Nang iyong simpleng buhay


Maaaring ang mga palad na ito'y
May mga kamay na maiksi
Subalit ito'y laging handang yumakap
Handang pumasan
At magmalasakit sa kapwa
Na dumaranas ng saya
Nang hinagpis
Subalit hindi nawawalan
Nang pagmamahal at pag-asa




BEC Sharing...
Sandaling mag-uumpukan
Nang may kasabikan sa isa't-isa
Maglalaan ng isang hapon
Upang maghingahan ng niloloob (sharing of experience)
Kung saan habang nakikinig
Puso mo'y masasaling
Nang mga kwento ng buhay
Na buong pusong sinasaysay
Malimit ay matatawa
Sa mga kwentong masaya
At minsan maluluha
Sa mga hinanakit nang buhay
Kung saan may sandaling matatahimik
Habang ang lahat ay dumadalangin
Nang mga dasal ng pag-asa
At pasasalamat sa Lumikha



At matapos ang pagbabahagi
Magsasalo sa kaunting kakanin (snack)
Kung saan lalong lumalalim
Ang samahan at pagtingin (relationship)
Habang kumakain
Patuloy ang sambit
Nang mga bidahan (story telling) at huntahan
Nang samu't saring karanasan
Kung paano gumalaw
Si Kristo sa bawat buhay...


Pagkatapos ng pagkikita
Isa-isang magpapaalam
Sa bawat isa ay yayakap
Nang may buong pasasalamat
Kanya-kanyang tutungo
Sa kanya-kanyang landas
Sa totoong buhay na may kanya-kanyang
Pagsubok at tagumpay
Buhay na ordinaryo
Na payak sa paningin
Subalit ito ay puspos
Nang ng biyaya ng panalangin
Mga buhay na may lalim
Na may mga kwento ng pag-ibig
Mga pusong tumitibok
Nang pagmahahal ni Hesu-Kristo...






Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Thursday, March 1, 2012

Panalangin




Maari bang ipanalangin mo ako
Na walang patutunguhan
Sa bawat pagsapit ng umaga
Kung saan ako nag-iisa
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw
Habang naghihingalo
Sa aking tinitiis
Na matinding karamdaman

Ipanalangin mong mabusog ang aking sikmura
Nang mga bigong pangakong sa akin ay sinambit
Habang ikaw ay masayang nanginginain
Sa bawat oras na nais nang puso mo
Hayaan mong mangalkal ako
Sa iyong sahig ng mga tira-tira
At mga panis na mumo na para na lamang sa mga aso
Mga mumunting bagay na lagi mong ipinagkakait
Subalit makakapagpasaya sa gutom (hungry) at uhaw kong pagkatao

Ipanalangin mo sana ako bago ka matulog
Na sana katulad mo maginhawa rin ang aking pag-idlip
Ako, na walang bubong na pananggalang sa dilim
Na ipagtabuyan mo palayo sa iyong hardin
Na ang ang kapirasong sulok ay inari kong hiram na langit
Na nang iyong nabatid ay iyong ipinagkait
Kung saan maging ang aking tanging kumot na nanlilimahid
Ay iyong inagaw mula sa akin
Na tangi kong pananggalang sana sa lamok at nginig (coldness)
Na tanging kasa-kasama ko sa pangungulila at pag-iisa

Ngayon ay hubo at hubad akong nanlilimos
Nang iyong dasal sa aking pagsusumamo
Kahit gabutil(little) na pag-big
Sana ay huwag mong ipagdamot sa akin
Ako na hindi mo nagawang sulyapan kahit nang sandaling tingin
Ay taos pusong humihingi sa iyo ng kapatawaran mula sa iyong galit (anger)
Ako na lamang ang iiwas mula sa iyong paningin
Sapagkat ang aba kong anyo ay hindi mo kayang tiisin
Subalit bago ako tuluyang mamaalam
Nais kong sabihin na ikaw ay mapalad
'Pagkat ikaw na laging mayroon mula sa iyong pagkasilang
Samantalang ako ay nanatiling mangmang at mahina
Kaligayahan kong makita kang masaya
At hindi kaylan man hahangarin na katulad ko na ikaw ay magdusa
Lagi akong dumadalangin ng iyong ikaliligaya (joy)
Nang iyong higit na ikasasaya(happiness)
At higit mong ikapagpapala (blessings)....




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Pagmamahal sa Kapwa



Madaling umibig...
Dahil sa kagandahan
Dahil sa katanyagan
Dahil sa kagalingan
Dahil sa paghanga

Mahirap magmahal...
Kapag nakikita natin ang pagkakaiba
Kapag nakikita natin ang kakulangan
Kapag nakikita natin ang limitasyon
Kapag nakikita natin ang pagdurusa
Kapag nakikita natin ang kalungkutan

Paano kung ikaw na ang mahirap mahalin?
Dahil ikaw na ang kakaiba
Ikaw na ang may kakulangan
Ikaw na ang may limitasyon
Ikaw na ang dahilan ng pagdurusa
At ikaw na ang dahilan ng kalungkutan...

Makikita mo pa ba ang kagandahan kung ikaw ay bulag
Mararamdaman mo pa ba ang katanyagan kung ikaw ay imbalido
Hahangarin mo pa ang kagalingan kung ikaw ay buhay na patay (comatose)
Aanuhin mo pa ang lahat kung bukas ay mamamatay ka na?
Ano ang kahulugan ng buhay
Kung ito ay hindi natin mauunawaan?

Lahat ng ating inaayawan ngayon
Bukas ay magiging sa atin
Anuman ang ating iniiwasan ngayon
Bukas ay aariin natin
Hangarin man nating ihiwalay ang ating sarili
Dahil sa ating mataas na pagtingin sa ating sarili
Wala ring halaga
Dahil hindi natin hawak ang buhay
Dahil hindi natin mapipigil ang pagtanda at kamatayan

Ang kahulugan pala ng paggising sa bawat araw
Ay ang magbagong buhay at magbagong simula
Kung may nakalimutan o hindi ka nagawa kahapon
Gamitin natin dapat ang ngayon upang bumawi sa lahat ng pagkukulang
Dahil kapag nilagom natin ang buhay
Dalawa lang ang mauunawaan natin
Na tayo ay isinilang at naging bahagi ng ating kapwa tao
At tayo ay mamamatay balang araw upang iwanan ang mundong ito
Ang nasa gitna ng ating pagkasilang at kamatayan
Ay kung paano natin ginamit ang buhay
Hindi para sa ating ikararangal
Kundi para sa ibang kapwa buhay...

Lahat tayo ay iniimbitahang magmahal
Dahil habang minamahal natin ang ating kapwa
Minamahal din natin ang Diyos na sumasa-kanila
Si Kristo-Hesus ay malapit sa mga dukha
Sa mga naaapi, sa mga nangangailangan ng pagmamahal
Sa mga may karamdaman at nalilihis ng landas
Sila na tinalikdan ng madla
Dahil hindi nakita sa kanila ang kagandahan na ayon sa pamantayan ng tao
Heto sila at nagsusumamo para sa ating pakikipagkaibigan
Nakatanaw sa atin kung kailan tayo hihinto para sa kanila
at magbubukas ng ating mga palad

Ang pagiging Kristiyano ay hindi pala sa salita lamang
Ito pala ay nasa ating pakikibahagi sa ating kapwa
Ang pakikipag-niig sa kapwa sakit ng ating kapwa
At pananatili sa kanilang tabi habang sila ay nangungulila
Ang hilumin ang kanilang mga sugat sa sandali ng kanilang paghihikahos
At ang pagbaahagi ng ating sarili sa mga palad nilang nakalahad at nagsusumamo

Madaling umibig sapagkat
ang kagandahan
ang katanyagan
ang kagalingan
ang paghanga ay ang Kristo-Jesus sa ating kapwa

Tayo ay madaling humahanga sa ating kapwa
Dahil ang nakikita natin sa kanila
Ay ang patikim na kinang (glimpse of splendor) ng ating Dakilang Lumikha
Ang katalinuhan ay ating hinahangaan
Sapagkat ang Diyos ay ang lahat-lahat ng kaalaman (wisdom) dahil Siya ang katotohanan
Nabibighani tayo sa kagandahan
Sapagkat ang Diyos mismo ay kagandahan
Naaakit tayo sa kabutihan
Dahil ang Diyos mismo ay kabutihan...

Subalit ang kagandahan, katalinuhan o pagkakawang-gawa
Ay malimit inaari natin bilang sa atin lamang
Dahil ito ang ikinaliligaya ng ating sarili
Dahil ito ang ipinagmamalaki ng ng ating sarili
Sa halip na maglapit ito sa ating Dakilang Lumikha
Kumapit lamang tayo at nanalig dito
Sa mga pawang mga biyayang ito
Kung saan tinawag natin ang ating mga sarili bilang pinagpala kaysa iba
Ay hinati natin ang mundo sa dalawang pader
Sa mundo ng mga pinagpala, mayayaman at dinadakila
At mundo ng mga may kapansanan, dukha at nililibak

Nalimutan natin ang ating kapwang nangangailangan
Tinawag natin silang isinumpang kapus-palad
Ginagamit lamang natin sila para sa ating makasariling kagustuhan
Sa pamamagitan ng pang-aalipin, ng pagnanakaw at panggagahasa
Tinanggalan natin sila ng dignidad
Hinubaran natin sila ng kanilang pagkatao
Inagawan natin sila ng karapatan
Dahil sila ay walang tinig... dahil sila ay mahina
At tayo... tinawag natin ang ating sarili bilang mga Panginoon

Subalit ang akala nating mahirap mahalin mula sa ating kapwa
Ay ang Kristo-Hesus rin na nanaghoy mula sa kanilang kaibuturan...
Na mula pagkakaiba kumakatok para sa ating pag-unawa
Na mula sa mga kakulangan ay tinatawag tayo upang makibahagi
Na mula sa mga limitasyon inaanyayahan tayo na higit na magtiis
Na mula sa mga pagdurusa hinahamon tayong maging tapat na manatili
Na mula sa mga kalungkutan, si Kristo ang ating pag-asa...

Kung kaya
Mula ngayon
Hindi lamang ang panlabas na kaanyuan
Ang ating dapat na ibigin
Kundi maging
Ang nasa kaibuturan ng bawat puso
Na tahimik na umiibig
At walang pagod na humihiling
Para sa ating pagmamahal
Na matagal na nating ipinagdadamot
Sa ating kapwa na mahirap ibigin
Sa ating kapwa kung saan nananahan din
Ang Kristo-Hesus na atin ay umibig din...




Den Mar

Pagkabata



Sa unang silahis ng araw binabati natin ang umaga
Matapos makapag-agahan isa-isa tayong nagsusunduan
Hudyat ng paglalaro ang pagtawag nyo nang aking pangalan
Upang masayang sumabay sa inyong paggawi (to go) doon sa kaparangan

Binabaybay natin ang kapatagan kapag tayo ay naghahabulan
Sumusuot sa mga dakong ligaw para makahuli ng gagamba
Kung minsan mag-aakyatan sa mga puno upang mamitas ng mga bunga
O makikihigop ng gatas mula sa dibdib ng inahing baka

Kapag nagawi tayo doon sa may dakong may batisan
Sabay-sabay maliligo nang walang alintana
Lalangoy at magwiwisikan sa tubig na maginaw
Hanggang sa mauwi ang lahat sa malakas na halakhakan

Lilipas ang maghapon nang may sayang nag-uumapaw
Hihiga sa damuhan nang magkaka-kapit ang mga kamay
Sabay-sabay mangangarap sa ilalim ng mga tala at buwan
Na tayo'y maglalaro... hanggang sa ating pagtanda...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS