Sasamahan kita sa iyong pangungulila
Ang iyong pighati ay aking nababatid
Pagluha mo'y patatahanin, iibsan iyong pait.
Sakali mang balutin ng lumbay
Yayakapin kita sa bisig kong mapagkalinga
Ang iyong paghikbi ay aking naririnig
Pangamba mo'y papayapain sa tawag mo ay darating.
Magtiwala ka lamang
Ako'y nananatili
Sa iyong kabiguan ay 'yong laging kapiling
Ihimlay sugatan mong puso, itiwasay ang pag-iisip
Sa aking kanlungan ay payapang humimlay...
...Magtiwala ka...
No comments:
Post a Comment