Saturday, May 28, 2011

Paglaki



Bata ka pa nung huli kitang nasilayan
Nangangatog pa ang iyong mga paa sa bawat paghakbang
Tahimik mong sinusuri ang magulong lipunan
Habang pinapanday mo ang sariling pananaw.

Ang lansangan ang naging paaralan mo
Kung saan ang katarungan ay ipinaglaban mo
Isa kang bayani na nag-aalay ng dugo at ng buhay
Isang tinig ng lipunang binulag ng pagiging sakim at gahaman.





  • Den Mar
    Saturday
    Den Mar
    • hahaha! iyan ang laging gusto kong marinig sa iyo. napakatalino mo at napakalalim talaga. mapalad kaming mga naging guro mo dahil sa kabila ng mga tagumpay mo, e hindi ka nakakalimot. once a scout, always a scout!
  • Paulo Quiza
    Saturday
    Paulo Quiza
    • tama po marami sa mga natutunan ko sa scouting nagagamit ko sa pang-araw-arawna gawain. sobrang mapalad din po ako kasi anjan po kayo at sumusuporta po sa amin... oo tama na magkakaiba na tayo ng gawain at may ibat-ibang gawain sa kasalukuyan, pero kaylan man para sa akin di makakalimutan ang mga alaala ng nakaraan, na punong-puno ng aral at pinaghahalawan ng mga karanasan sa kasalukuyan. maraming salamat po sir..­ ­.


No comments: