Wednesday, May 25, 2011
Pagtanda
Sa silyang tumba-tumba...
Habang nakatingin sa kawalan
Iniisa-isang balikan ang nakaraan
Minsan... matatawa kahit mag-isa
Malimit... umaagos ang luha dahil sa pangungulila.
Matapos magkabasag-basag...
Ano pa nga ba ang yayakapin ko?
Hangin na lumilipas sa aking harapan?
Kaluluwa ng ala-ala mula sa libingan?
O, pag-kasariling matagal ko nang tinalikdan?
Mga sugat na hindi na mahihilom...
ang kahinaan ko bilang tao na iginupo lalo ng katandaan
ang pagtambad ng aking kaluluwa sa hubot-hubad kong katawan
pamamanhid ng kahihiyan sa sandaling matae at maihi ng hindi ko alam
ang pananabik sa tinatawag nilang kapayapaan sa kabilang buhay.
Labels:
Reflection
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment