Ulila
Ang bangketa ang kanyang kanlungan
Ang lansangan ang kanyang palaruan
Tanging pag-aari'y durog-durog na piraso ng karton
Inaaring kayamanang pangkumot at pang-bubong.
Ilalahad ang mga kamay na musmos
Sa mga pusong maiilap at mapag-imbot.
Kumakatok sa bawat puso upang manlimos...
... nang kahit habag sa mundong walang takot sa Diyos...
No comments:
Post a Comment